Ilang beses ko nang nakita si Vida dito sa campus mula kaninang umaga pero hindi niya kasama si Miguel. Nag-aalala ako pero ayoko namang tadtarin ng message 'yon dahil baka magalit na naman. Tapos na ang duty ko kaya nandito kami nila Chelsea at Mae sa reading hall para magpalipas ng oras dahil vacant pa.
Inilapag ni Chelsea sa lamesa ang mga librong nakuha niya at saka lumingon sa 'kin. "Sumali si Vida at Miguel sa Battle of the Bands."
Saka niya kinuha ang isang libro at binuklat. Mula sa binabasa niya, nag-angat ng tingin si Mae at saka tipid na ngumiti. "Since they started dating, Miguel became... dynamic."
Napailing ako habang natawa naman si Chelsea. "Dynamic, my ass." at saka ako itinuro. "Kapag sigurado nang niloloko lang ni Vida si Miguel, tatakbo rin 'yon kay Care para umiyak."
Isinulat ko ang date sa tinapos kong assignment. "Habang tumatagal, tumataas ang pride ni Miguel. Fairly sure he won't run to me once Vida proves us right."
Napabuntonghininga ako at tumayo na para maghanap ng mababasa. Ayokong masaktan ulit si Miguel kaya gusto ko siyang ilayo kay Vida, pero napaisip ako kagabi, instead of trying to break them apart, magtitiwala na lang ako na nagbago na nga talaga si Vida at seryoso siya sa kapatid ko.
Kinuha ko ang manipis na pocketbook sa Fiction section at naglakad na pabalik sa lamesa. Habang papalapit ako, natanaw ko si Gerard na naglalakad patungo sa direksyon ko. Kumaway siya sa 'kin kaya ngumiti ako at itinuro ang upuang nasa tapat ko. Nang makalapit siya, nag-angat ng tingin si Chelsea. "Uy. Nice."
Ngumiti si Gerard sa kaniya at naupo na sa tabi ni Mae kaya nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Wala kang class?"
"Wala pa."
"Do you usually spend time here? Ngayon lang kita nakita rito."
Ngumiti si Gerard at inilabas ang notebook niya. "Transfer student ako. Care didn't tell you?"
Sumandal ako sa inuupuan ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa. Lumingon sa 'kin si Mae. "No."
Nagkibit-balikat ako at binuklat ang hawak kong pocketbook. "We haven't talked about you, so..."
Hindi ko na nakita ang reaksyon nila habang patuloy silang nag-uusap tungkol sa acads. Minsan lumilingon sa 'kin si Gerard habang nagtatawanan sila ni Mae pero nanatili ang tingin ko sa binabasa ko. Mae don't laugh that much so it's a good thing that they're enjoying each other's company.
Lumapit si Chelsea at bumulong. "Selos ka?"
Napaangat ako ng tingin habang nanlalaki ang mga mata.
"What is it?" biglang tanong ni Gerard.
Umiling ako agad. "Nothing." Nang bumaling ako kay Chelsea, nakangisi na siya habang inilalabas ang laptop niya. Sabay na yumuko si Gerard at Mae para magpatuloy sa pagbabasa at doon ko napansing iisa ang author ng binabasa nila. Bumuntonghininga ako at pasimpleng kinurot ang hita ni Chelsea. Malilikot at nagtatawanan ang mga dumaan sa gilid ni Mae kaya natabig ng isang lalaki ang bag niya.
Nakabukas pala ito kaya kumalat sa sahig ang laman nito. "Oof, sorry." saka naglakad palayo ang lalaking nakabunggo nito.
"Your skirt is too short. Ako nang kukuha." Ngumiti siya at tumayo para pumunta sa gilid ni Mae. Tumikhim ako at bumaling na ulit sa binabasa ko.
"How did all of these fit in here?"
Mae chuckled. "I don't know. I just stuff everything inside."
Mae has never been this friendly. It was Chelsea who approached her before kaya nagsimula na siyang sumama sa 'min. Madalas siyang umuuwi agad kung walang groupings so this is a good thing, she must learn how to make friends. They smiled at each other at saka bumalik sa upuan si Gerard.

BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
BeletrieCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...