Kendall.
--
"So... kamusta naman ang gabi niyo ni Marcus?" Mausisang tanong ni Mio habang nakahalukipkip ang dalawang kamay sa dibdib, ang ngiti ay mapang-asar.
Here we go again. Naka-ilan irap na ako ngayon, actually kagabi pa dahil panay text at chat nila sa FB group namin at ngayon, nagtatanong tungkol sa dinner namin ni Marcus.
At paulit-ulit kong sinasabi na kumain lang kami, uminom ng isang bote ng beer sa inuman malapit sa restaurant at umuwi na pag-tapos.
Nothing more than that.
What do they want me to say? We kissed? We had sex? Nag-landian? I'm not that easy. Hindi ako ganuon kadali makuha.
Sa totoo lang, nag-enjoy at masaya ako kagabi. Kwentuhan tungkol sa buhay namin, tawanan sa iba't-ibang bagay, humuhusga sa mga taong napapansin namin para pag tawanan dahil parehas pala kaming kupal – Ugh. Basta nakilala namin ng onti ang isa't-isa kagabi.
Everything was wholesome and I love that. Walang halong landian na gusto marinig ng mga kaibigan ko.
Pero kung sasagutin ko ang tanong ni Mio, ang masasabi ko lang...
Last night with him was the beginning of our friendship. I'm keeping that relationship between us.
"Kung ano sagot ko kagabi, ganuon din ang isasagot ko ngayon." Pabiro kong kinurot si Mio sa tagiliran niya. "Alam niyo, kayong apat, mag-aral na kaya kayo. May practical pa tayo ngayon."
"Sabi mo eh." Asar ni Sylvia sa akin bago ibaling ang sarili sa reviewer para sa practical.
Alam ko naman na naniniwala sila sa sinasabi ko. Kilala nila ako na hindi basta-basta malalandi ng isang lalake. Strong independent woman kaya ako.
Hindi ako marupok. Na pag may makitang lalake halos itatapon ang sarili o bibigay agad pag kumausap lang ng lalake. Kaya ko pa kontrolin ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng lalake para pagandahin ang pakiramdam ko bilang tao at para sumaya.
Pag magkaka-gusto kasi ako sa lalake, gusto ko siya na talaga. Eh sa wala pa ngayon, kaya sarili ko muna ang aalagaan at mamahalin ko.
Napunta ang atensyon ko nang nabuhay ang screen ng cellphone ko para ipakita sa akin na may nag-text.
Marcus.
Awtomatikong nag-sabay ang ngiti at mahinhin na bungisngis ko sa sinabi niya. Naalala ko kasi ang nangyari kagabi na tawang tawa kami pareho, kaya naging inside joke na namin dalawa ang nangyaring iyon. Agad ko rin naman tinignan ang kaliwa't kanan ko dahil baka asarin ako ng mga kaibigan ko pag nakita nila yung reaksyon ko.
Puro na kasi sila Marcus ng Marcus na wala naman kailangan pag-usapan tungkol sa kaniya. Nakaka-overwhelm din kasi.
Lalo na't nasobrahan sila sa pag-kulit sa akin simula kagabi.
"Uwi na ba kayo mamaya?" Tanong ko sa kanilang apat.
I feel like drinking tonight. As in magpaka-lasing dahil next week sobrang toxic ng schedule ko dahil puro mission work kami sa iba't-ibang lugar. Isang zombie week na naman para sa'kin.
"Uhaw ka 'no?" Natatawang sambit ni Toni Anne nang ilapag ang papel na hawak.
They really know me well.
Tumango ako bilang sagot.
"Aww. Friday ngayon, baby girl." Naka-ngusong sinagot ni Sylvia sa akin.
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...