Twelve.

52 3 5
                                    

Kendall.

"Ang kapal ng mukha! Nangigigil ako, Camila!" Gigil sa inis na sinabi ni Mio nang i-kwento ko sa kanila ang nangyari kahapon umpisa sa nalaman ko ang tungkol kay Charlotte at sa pag-alis ni Marcus sa condo.

Napansin kasi nila na namumugto ang mga mata ko pag-pasok kanina sa klase at nang tanungin nila ako, hindi ko napigilan humikbi sa harapan nila.

Kaya dumaretso kami rito sa condo matapos ng klase para makapag-kwento ako ng maayos.

"Hindi porket hindi ka nabibigyan ng attention ng jowa mo, ibig sabihin lalandi ka ng tao na walang kaalam-alam sa tunay na pakay mo. Paano pag binigyan siya ulit ng attention ni jowa niya? Wala na, finish na kay Marcus ga'non?" Inis na dagdag ni Mio. "Nakaka-stress 'yan babaeng 'yan ha." Aniya sabay sapo sa kanyang sentido.

"Sabi ko na nga ba may masamang kutob ako diyan kay Charlotte. Ngayon alam ko na kung ano 'yon." Dismayadong asik naman ni Sylvia.

Lumapit sa tabi ko si Toni Anne at mahigpit na niyakap ako. "Don't worry, babe. Makakarma rin 'yan. Ako rin, may kutob ako sa kaniya, hindi ko lang alam kung ano. That fucking bitch. Acting all perfect, pero mas malandi pa pala kay Mio."

Yung biro ni Toni Anne nag-bigay nang hagikgik sa amin ng mga kaibigan ko.

"At least ako walang jowa habang lumalandi at humaharot." Kindat ni Mio sa amin.

"Dapat kasi sinabi mo nalang kay Marcus ang totoo. Hindi dapat kayo umabot sa ganito. Friendship niyo nadamay din." Pag-balik seryoso ni Sylvia sa sinabi niya.

"May point din naman kasi si Cammie. Marcus should find the truth himself. Sa kanila na 'yon ni Charlotte. Labas na si Camila du'n. At saka, mas masakit kung si Marcus makaalam ang pag-chi-cheat ni Charlotte kaysa pag nalaman niya mula kay Camila 'yon." Pag-tanggol na paliwanag ni Toni Anne.

Napatingin kami kay Ela nang mag-salita siya.

"Pero walang tatanga sa ginawa ni Marcus. Yung mga sinabi niya sa'yo? Ang foul! He is such an insensitive asshole! Sabihan ka ba naman you're incapable of loving at hindi totoong kaibigan? Wow ha! You've done more than enough for that jerk!" Inis na asik ni Ela.

"Galit lang siya kaya niya nasabi 'yon. Hindi rin naman niya alam ang totoo. I understood the way he acted." Pag-tanggol ko sa side ni Marcus.

Totoo naman kasi. Walang alam si Marcus sa katotohanan kaya naiintindihan ko ang galit niya at mga nasabi niya. That would mean, he really cares about Charlotte and their relationship.

Kumirot muli ang puso ko nang maalala ang mga mapait na eksena kahapon. Kumirot din ito gawa nang wala na si Marcus dito sa condo at hindi na kami nag-uusap.

Bigla ako nabingi sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol kay Marcus at Charlotte habang tinitignan sila mag-usap-usap.

Tinignan ko ang bakanteng kama na iniwan niya. Tanging ang mga unan at bedsheet ang nasa kama. Binaling ko rin ang tingin ko sa walang laman na aparador niya.

Niisang bakas ni Marcus dito sa condo ay wala na.

Naramdaman kong yumakap ang mga kaibigan ko sa akin at tinatahan ako.

Umiiyak na naman pala ako.

I miss him already. I miss Marcus.

Mahirap pala talaga pag na-mi-miss mo yung tao na wala na sa buhay mo tapos wala kang magawa kundi ma-miss nalang sila.

Mahirap din pag nasanay kang palagi silang andiyan para sa'yo. Kapag nawala na sila sa buhay mo, parang kinuha lahat sa'yo at walang natira.

Nakakainis. Your happiness is the one that can make you so empty.

Hindi ko na rin siya makikita sa school. At dahil iba na ang schedule ngayon term, hindi na siya classmate ni Toni Anne, kaya wala rin akong makukuha na balita sa kaniya. Ayaw ko rin i-message nila si Marcus kung sakaling gusto nila kausapin siya. Panigurado hindi na rin ako makakakuha ng updates sa kaniya kasi hindi naman mahilig gumamit ng social media si Marcus. Pati nga sa Instagram, ang huling post niya six months ago pa. Gumagamit lang sya ng Facebook o Messenger para sa school.

Sila Mary at Dee nga gumawa pa ng groupchat na kaming tatlo lang at gulat ang reaksyon nila nang malaman bumalik na sa dorm si Marcus.

Tinanong daw kasi nila kagabi kay Marcus kung nasaan siya para puntahan nila at ang sagot niya ay nasa dorm.

Wala nang sinabi pang iba si Marcus sa kanila kaya ako ang tinanong nilang dalawa kung ano ang nangyari bakit bumalik ng dorm si Marcus.

Ang sagot ko? Siyempre, sinabi ko na mas maganda kung galing ito kay Marcus, hindi sa akin. Sinabihan ko na rin sila na they should give him space and time dahil panigurado gusto niya mapag-isa.

"What's your plan now?"

Bumalik ang atensyon ko sa kanila nang tanungin ako ni Sylvia.

Kumibit-balikat ako kasabay nang pag buntong hininga. "Move on." Sagot ko na may matipid na ngiti. "Ayun lang naman ang kailangan kong gawin, 'di ba? Move on. Hindi siya babalik. Kaibigan lang naman ako sa kaniya na kayang iwanan at kalimutan agad. Mabuti na rin siguro 'to kasi he's always in my head and I'm falling in love with him each and every day. It's a one-sided love. Mag-mu-move on lang naman ako. Alam ko sa sarili ko na he holds a special place in my heart and I'll never let him leave in that place."

I've never felt this empty before.

I've lost my love and my friend.

--

Ano Ba Talaga Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon