Sixteen.

35 2 1
                                        

Kendall.

Sinundan ko nang tingin ang pag-lakad ni Marcus palabas ng kwarto ko rito sa hospital.

Masakit isipin na sa pangalawang pagkakataon, nakita ko siyang nag-lakad palayo sa akin. Na nag-lakad paalis ulit sa buhay ko.

Ngayon na nalaman ko ang totoong nararamdaman sa akin ni Marcus. He loves me. Matagal na niya akong mahal. Pero hindi naman 'yon sapat para bumalik ang relasyon namin at maging masaya ulit dahil sobra rin akong nasaktan sa nangyari.

Ilan saglit lang ay pumasok ang mga kaibigan ko sa kwarto nang makalabas ng tuluyan si Marcus.

"It's still him?" Malungkot na tanong ni Sylvia nang yakapin nila ako.

Hagulgol na tumango lang ako bilang sagot. "It's always been him."

Tulad nga nang sinabi ko sa kaniya, gusto ko muna alagaan at isipin ang sarili ko na wala siya.

Sobrang nawala rin ako sa ideya ni Marcus. Sa nararamdaman kong pagmamahal para sa kaniya.

Kailangan ko muna hanapin at buoin ang sarili ko.

"Mabuti na rin na sarili mo muna ang kailangan isipin ngayon. Kailangan mo 'yan, Camila." Ngiti ni Toni Anne nang i-kwento ko sa kanila ang napag-usapan namin ni Marcus.

Nagka-ideya na rin kasi sila na nalaman na ni Marcus ang tungkol sa pang-loloko ni Charlotte at ramdam din nila na may pag-mamahal si Marcus para sa akin nang makita nila siya kanina sa labas ng condo unit.

Natawa pa nga ako ng mahinhin dahil pinagtatawanan nila Mio na susugod daw si Marcus papunta sa akin kahit hindi pa niya alam kung saan hospital ako naka-confine.

I love him. I really do love Marcus. He's the man I want to be with for the rest of my life. Marcus is the man who has a soft spot for feeling too much but don't show much. He always conceal how he feel and whenever he comes to me – being with me – that's where he let all his feelings out. Where he thinks he is completely safe, relaxed, and loved. The contentment he has.

Nagkataon lang nawala kami dahil nasa maling oras kami pareho. At sa dahilan pareho namin ayaw masira kung ano kami – ang pagiging magkaibigan.

Masakit. Masakit isakripisyo ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Marcus sa gusto kong sarili muna. Nawala ako bilang tao simula ng mga araw na na-in love ako sa kaniya dahil puro siya ang laman ng puso at isipan ko lalo na't nuong mga araw na nawala kami sa buhay ng isa't-isa.

Sa sobrang sakit, hindi ko kaya kung paano ibalik ang sarili ko.

No matter how much bricks I put in my wall for it to be built strong, Marcus is still there trying to remove piece by piece and came rushing into my life. I was defenseless.

I want to value my independency first. Be happy and contented striving for my dreams and reaching my ambitions my own.

"Camila Kendall Valero! Hay nako! Ma-le-late tayo lalo sa kabagalan mo!" Asik ni Ela na mabilis na naglalakad patungo sa venue ng medical mission namin sa isang lugar dito sa Pampanga.

Hindi kasi kami kaagad nagising sa alarm kaya eto, hindi kami nakaabot sa bus ng school namin papunta rito sa mission. Sa sobrang pag-mamadali namin, nag-commute kami patungo rito.

"Bakit kayo late?" Tanong ng facilitator namin. "Dahil diyan ihihiwalay ko kayong lima dahil naayos na ang groupings." Aniya nang hindi na kami hinintay magpaliwanag.

Isa-isa niya na kami nilagay sa mga grupo na makakasama namin. Okay na rin siguro 'yon dahil panigurado maingay ang group namin kung kami ang magkakasama.

Ano Ba Talaga Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon