Eleven.

48 3 1
                                    

Kendall.

Ang saya talaga gumala mag-isa matapos ang isang napaka-stressful na araw.

Hindi na kasi ako sumama tumambay kasama ang mga kaibigan ko sa food park na gusto nila puntahan dahil gusto ko na muna mapag-isa.

Wala lang. Na-miss ko rin kasi gumala mag-isa o maging mag-isa dahil lagi nalang ako may kasama. Katulad sa condo, kasama ko si Marcus at sa school naman kasama ko ang mga kaibigan ko.

Hinahayaan ko lang ang sarili ko huminga muna ng ako lang.

You still need to find yourself, right? More like, self-love for now.

Kaya andito ako sa Manila at ngayon nag-iikot ako rito sa mall bago umuwi. Kakatapos ko lang kasi i-pamper ang sarili ko.

Habang naglalakad ako, bigla tumigil ang kantang pinapakinggan ko sa cellphone at napalitan ito ng ring dahil may tumatawag.

Mio. I said inwardly as I rolled my eyes.

Ano na naman kaya ang problema ne'to?

"Hello? ... Uh yeah, I'm still here... Sige, sige... Hay nako talaga si Sylvia... Whatever... Bye~" Paalam ko bago i-end ang tawag.

At dahil andito ako sa mall, nagpapabili ang mga magagaling kong kaibigan ng latex gloves para sa practical namin bukas.

Si Sylvia kasi ang naka-assign sa grupo namin na bumili ng isang box ng latex gloves pero dahil andito na ako sa mall, ako na raw ang bumili para hindi na bumili si Sylvia pag-uwi niya.

What friends do I have, right?

Hmm? Si Charlotte ba 'yon?

Napakunot ang nuo ko at niliitan ang mga mata para matignan ng mabuti nang makita ko ang babae na kamukha ni Charlotte sa kabilang side.

Namimilik-mata lang ata ako. Imposibleng si Charlotte 'yon dahil may kasama itong lalake. At naka-angkla pa ang kamay ng kamukha ni Charlotte sa bisig ng lalake.

They are sweet to each other.

Baka kamukha lang talaga.

Pero hindi eh. Habang papalapit nang papalapit...

Si Charlotte nga!

Nawala ang kunot sa nuo nang maigi kong tinignan ang babae at napalitan nang pag-laki ng mata ko.

Sa sobrang busy niya lumandi sa lalake, buti hindi niya ako nakita. At buti madami rin tao sa paligid, hindi niya talaga ako mapapansin.

Halos nanginginig ako sa galit at gulat. My God. Ramdam ko ang pag kulo ng dugo ko. Halos mamuti na siguro ang kamao ko sa pag-hawak nang mahigpit sa shopping bags na bitbit ko.

That bitch! She's a cheater!

Yes, Marcus and Charlotte are not official but they are dating! And there's a relationship between them!

At ilang buwan na silang "nagmamahalan"!

Ayoko gumawa ng eksena rito sa mall dahil wala naman akong karapatan gawin iyon at kahit na ba meron akong karapatan, masyadong skwater at walang pinag-aralan naman ang dating.

Hinding-hindi ko 'to pwede sabihin kay Marcus. Problema nila itong dalawa kung sakali man malaman niya ang tungkol sa pagloloko ni Charlotte.

Sinundan ko nang tingin ang dalawa na papalayo sa akin.

I felt my jaw clenched hard just by looking at them and by thinking that Charlotte would do such hurtful thing to Marcus.

Hindi ko maintindihan. Bakit niya nakakayang lokohin si Marcus?

Ano Ba Talaga Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon