Five.

95 3 2
                                    

Kendall.

--

Agad kong minulat ang aking mga mata nang magising ang diwa ko. Ngayon na ang umaga para kausapin si Marcus tungkol sa pagiging malandi niya.

Bumangon ako mula sa kama para kausapin na si Marcus pero bigla nag bago ang isip ko nang makita ang babaeng katalik niya sa kama na natutulog. Parehas silang tulog pa.

Napa-atras ang mukha ko kasi ang alam ko mas una gumigising si Marcus ngayon araw dahil mas maaga ang klase niya sa akin.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 8 o'clock in the morning. Oo nga, dapat talaga gising na 'yan maharot na 'yan.

Oh well. Natawa naman ako sa looban ko. Hindi kita gigisingin malandi ka. Hahayaan ko magkaroon ka ng isang absent ngayon sa klase mo.

Kakausapin nalang kita mamaya pag nag-abot tayo rito sa condo. Hanggang hapon kasi ang pasok niya, so baka pag-uwi na niya kami makakapag-usap.

I'll just let myself prepare for school right now and have my own ways. Ayaw ko rin kausapin si Marcus habang andito ang babae niya.

"Alam mo, bitchesang maldita na nga 'yan mukha mo lalo pa naging mas bitchesa ito. Ang aga aga ang demonyita ng mukha mo. Ano nangyari? Sino umaway sa'yo?" Mausisang tanong ni Mio habang kinukuhanan ako ng picture.

Sila Ela naman tinatawanan ako at inaasar.

Ganiyan kasi sila, pag nakikita nila akong nakasimangot o lalo nagmumukhang bitchesa ang mukha ko, pinag-tri-tripan nilang kuhanan ako ng picture.

"Ang sama lang ng gising ko. Umaga na rin kasi ako nakatulog kanina." Gawa ng malandi kong roommate! Sigaw ko sa looban ko.

Ayaw ko sabihin sa kanila ang nangyayari sa condo na madalas na pag-dadala ng babae ni Marcus at hindi ako makatulog parati gawa nila. This is my own private problem with Marcus. Hindi ko rin gugustuhin masira ang pangalan ni Marcus sa mga kaibigan ko dahil maganda naman ang pakikitungo niya sa kanila.

"Aww, baby girl. Ako rin, onti lang tulog ko kaka-aral ne'tong Physio. Kahit napaka-basic ng subject na ito pero pa-major gawa ni Doc." Pagmamaktol ni Mio.

Sumangayon naman sila Sylvia sa sinabi ni Mio.

Totoo naman kasi. Napag-aralan na namin 'yan sa pre-med kaya ang grade school lang para sa amin, kaso iba kasi ang expectations ni Doktora kaya mas nilalawak niya pa ang turo para sa Physio class namin na 'to.

Wala rin kami magagawa dahil freshman palang kami bilang medicine students.

Dumating na rin ang oras na natapos ang klase namin ngayon araw. Hindi na talaga ako makapag-hintay umuwi at hintayin makausap ang aking malanding roommate na makauwi galing klase. Nasa klase siya ngayon ang alam ko.

"Bitches, tambay at kain muna tayo." Aya ni Toni Anne sa amin.

"Oh my God, G ako diyan." Masayang untag ni Sylvia na nag-oo rin si Mio at Ela.

"I need to catch up on my sleep first. Kanina pa ako lightheaded." Mahinhin kong sinabi.

It's true that I need to sleep first before having the talk with Marcus. Tsk, ilan oras lang ang tulog ko kanina. Papikit-pikit na nga ako sa mga klase ko sa sobrang antok.

Ano Ba Talaga Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon