"Do you love me, baby?" Tanong ko sa kaniya na busy na kinakalikot ang cellphone ko.
Tumango lang ito bilang sagot.
Natawa ako ng mahinhin sa inasta niya. "Hindi mo naman ako love eh." Nagkukunwaring tampo ko.
Humagikgik ang lalake sa harapan ko habang nakatingin pa rin sa cellphone.
Binaba niya ito sa gilid niya at tumingin sa akin. "I love you, ate Camila." Aniya nang bigyan ako ng matamis na ngiti, ang kanyang dimples sa magkabilaan pisngi ay lumabas.
"You're so annoyingly cute!" Gigil kong pinisil ang pisngi niya.
"You're pinching me hard, ate!" Pagpupumiglas niya sa pag kurot ko.
"I can't help it! Ang cute mong bata ka." Pang-gigigil ko sa kaniya habang pinipisil-pisil ang mga braso.
Isa siya sa mga patient ko sa Clinical Clerkship ko. Halos isang linggo na siyang naka-confine rito sa hospital kaya naman nagkaroon kami ng magandang bonding sa isa't-isa.
At ang nakakatuwang part ay englisero itong batang 'to at isa sa pinaka-makulit na bata rito sa Pedia ward.
Nagkataon bumili lang din ng gamot ang mommy niya sa Pharmacy kaya kami lang ang natira ngayon dito. Yung daddy niya kasi umuwi sa bahay nila para kumuha ng damit niya.
"How about you, ate, do you love me?" Inosenteng tanong niya.
I showed him a big smile as I nodded. "Of course, yes. I love you, Keno."
Nilabas ni Keno ang dila niya habang naka-kunot ang nuo. "No you don't. You love someone else kaya."
"Huh? Me? I love someone else?" Natatawa kong tinanong.
Tumango ang paslit. "Yes po. That boy you always talk to outside."
Dun na lumabas ang tawa ko. Kaya napahalukipkip at napa-pout na tampo si Keno sa inasta ko.
"Ang tsismoso mong bata ka." Sabi ko na natatawa pa rin. "At seloso pa!"
Hay. This kid is always my stress reliever whenever I visit him during my rounds. Nakakatawa at aliw talaga siya! Nawawala ang antok at pagod ko.
"I'm not!" Aniya.
"He's just a friend, baby. 'Wag ka naman na mag-selos oh." Pag-pout ko rin kahit tawang-tawa na ako.
Seriously, para siyang boyfriend sa inaasta niya. Para akong may boyfriend.
And the "boy" he's pertaining is Marcus.
Nasa OB-GYNE ward lang kasi si Marcus kaya kahit papaano dumadaan siya rito sa Pedia ward para sanayin ang sarili na makitungo sa mga bata. Dito na kasi siya sa Pediatric sa susunod na rotation niya. Gusto niya rin tignan ang mga bata rito, mahilig kasi siya sa mga bata kahit hindi niya alam kung paano makipag-usap sa kanila.
Keno rolled his eyes heavenward.
Aba! May pag-irap pang nalalaman 'tong batang ito!
Daig pa ang nagseselos na babae!
"Yeah, right, friend. Whatever."
"Keno, ah! You talk like you're a grown up!" Natatawa kong sinabi.
"I am a big boy! Not a little boy anymore!" Asik niya. "Oh, look! He's here again!"
Dumagdag ang tawa ko nang sinundan ko ang direksyon ng tingin niya kung saan nakatayo si Marcus na nakatingin sa amin mula sa malaking glass panel.
Binalik ko nang kaway si Marcus nang kumaway siya sa amin.
"Ate Camila will be right back, okay, baby?" Paalam ko nang pisilin ko ang pisngi niya bago tumungo papunta kay Marcus.
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...