Marcus.
Nanlalata akong umuwi pabalik sa dorm galing Manila.
Sa buong pagmamaneho ko pauwi, puno ng sisi, galit at lungkot ang bumabalot sa pakiramdam ko.
I frustratingly slammed my curled fist on to my bed, creating a loud thud in our silent dorm room and cursed under my teeth.
Buti nalang umuuwi parati ang roommate ko sa kanila tuwing weekend. Makaka-libre ako sa pag buhos ng negatibong nararamdaman ko ngayon tungkol sa nalaman ko.
"Kendall." Out of the blue kong binanggit ang pangalan niya habang tinitignan ko ang pictures niya at pictures namin sa cellphone ko.
Looking at her photos and how candid most of the photos I took of her made me chuckle softly and stayed my smile as I look all of the pictures of her.
Lagi siyang nagrereklamo sa akin na lagi ko siya pini-picture-an ng stolen shots kaya panigurado panget daw siya sa photos.
Lumabas ulit ang mahinang tawa ko nang maalala na lagi niya kinukuha ang cellphone ko para tignan ito kaya agad kong tinatago ang cellphone. Minsan pa nga nakikipag-wrestling pa siya o kinikiliti ako para lang makuha ito.
"You're suck a dork, Marcus." Ang madalas niyang sinasabi habang naka-pout.
Nahinto ako nang sumagi sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Charlotte kanina para maalala ito.
"Alam kong mahal mo si Camila."
Umatras ang mukha ko sa sinabi niya. What the hell is she talking about? "No. Hindi ko mahal si Kendall."
Iniling ni Charlotte ang ulo niya na may tipid na ngiti. "Nakikita ko 'yon. Nararamdaman ko. Tinatago mo lang ito sa sarili mo. Bakit, Marcus? Natatakot ka bang mahalin si Camila?"
Bakit ba napaka-deretso niya mag sabi? Wala siyang karapatan diktahan kung ano ang feelings ko para kay Kendall.
"She's my friend, Charlotte. You can't just dictate what I feel for someone. Hindi mo pwedeng itatak sa isip ko para lituhin ako na mahal ko ang isang tao. Na mahal ko si Kendall." Seryosong saad ko na maiging nakatitig kay Charlotte.
Bumuntong hininga si Charlotte bilang sagot. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"She's rare and special, Marcus. Make her feel special. She deserves you and you deserve her. Kung ma-i-in love ka sa isang babae, ayaw ko ng iba para sa'yo kundi si Camila lang. Don't deny your feelings anymore." Aniya sabay binigyan ako ng dampi ng halik sa pisngi bago mag-paalam.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at iniling ang ulo.
Sinasabi niya lang 'yon para lituhin ako at i-distract ang utak ko sa mga inamin kasalanan niya.
Why would she say that I love Kendall?
I love her. I love her as a friend – my close friend.
Sa sobrang close namin napag-kakamalan may nararamdaman kami sa isa't-isa.
Hindi naman ako tanga para hindi mapansin 'yon sa mga kaibigan namin. Na kulang nalang ideklera nila na boyfriend-girlfriend kami.
And all of it is gone.
My relationship with Kendall is gone. Our friendship.
Ugh. Gaano ka ba katanga, Marcus?
--
Nakita ko ang sariling kong naglalakad patungo sa condo unit ni Kendall.
Nangangatog, kinakabahan, natatakot at may halong tuwa sa dahilan makikita ko na muli si Kendall sa ilan buwan hindi ko siya nakita at nakausap.
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...