Kendall.
--
"What?" Nakataas ang kilay ni Marcus nang tanungin ako. May ismid ito sa labi.
Kumibit balikat ako na may ismid din sa labi ko.
Kakatapos lang kasi mag-usap ni Marcus at Charlotte, kaya ngayon nakatitig ako na nakakaloko sa kaniya.
I'm dying to know where, when, and how a Charlotte exists.
Wala naman kasi nakwe-kwento si Marcus tungkol sa kaniya. Who wouldn't be intrigued by that matter, right? Your friend is not telling you something even though you two have been telling everything.
"Okay, fine. Come here." Sinenyasan ako ni Marcus na umupo sa tabi niya nang tapikin ang bakanteng space sa kama niya.
Lumabas ang ngiti ko nang papuntahin niya ako at aligagang tumabi sa kaniya.
Umupo nang maayos si Marcus sa tabi ko sabay nang pag-tapik sa balikat niya, senyas na isandal ang ulo ko na inosenteng sinandal ko naman.
"This is Charlotte." Pakilala niya ulit sa akin nang ipakita ni Marcus ang pictures ni Charlotte na nasa photo gallery ng cellphone niya.
Puro selfie lang ni Charlotte ang nakikita ko, onti lang ang mag-kasama silang dalawa sa litrato – mga apat lang. Knowing Marcus, hindi niya hilig mag selfie o sumama sa litrato. Mahiyain kasi ito.
Natutuwa nga ako na hindi siya katulad ng ibang lalake na ubod ng pagka-in love sa sarili. Kulang nalang pakasalan nila ang sarili dahil puno ng mukha nila sa photo gallery o social medias nila. Seriously, they are so obsessed with themselves. It's a major turn off for me.
Karamihan sa photo gallery ng cellphone niya ay puro tanawin na nagugustuhan ni Marcus. He honestly loves photography. Kaya kung titignan ang Instagram niya, magaganda talaga ang mga naka-post na litrato.
"I met her during Tita Matha's birthday." Dagdag niya, napahinto tuloy ako sa pag tingin ng mga ibang litrato sa photo gallery ni Marcus.
Hmm. Tita Martha's birthday? That was two weeks ago.
Nilayo ko ang ulo ko sa braso niya at binigyan ng masamang tingin. "So, when are you planning on telling me about her, huh?" Mataray kong sinabi.
Tumawa ng marahan si Marcus. "Hey, kung sumama ka sa akin nung birthday ni Tita, malalaman mo. O baka hindi ko siya makikilala n'on kasi ikaw ang kasama ko." Pabirong kumindat ito.
I rolled my eyes heavenward. Right. Inaya ako ni Marcus na sumama sa birthday ng Tita niya pero tinanggihan ko ito dahil may praktikal ako sa isang subject ko. Tanghali kasi ang handaan kaya wala talaga ako magagawa kundi tumanggi, papayag ako kung gabi.
He wouldn't know that Charlotte exist if he's with me. Or he might still would? Just what if's.
"Alam mo na kung paano kumausap ng tao ngayon?" Natatawang biro ko.
It's Marcus! Hindi naman siya palagi nag-sisimula ng usapan eh. Unless gusto niya talaga kausapin yung tao. Baka nga talaga interesado siya 'kay Charlotte.
Natawa rin si Marcus sa sinabi ko. "You judged me too quickly, miss. Si Charlotte ang unang kumausap sa akin. She's fun to talk with. I like talking to her even until now. At hindi pa kami nag-sex ah!" Depensa niya na nag dulot nang tawa muli sa akin.
I shook my head in disbelief. This guy. "Bakit ang defensive?" Natatawa kong biro sa kaniya.
Marcus brushed my disoriented hair because of shooking my head push back to fix it.
![](https://img.wattpad.com/cover/149705926-288-k362526.jpg)
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...