Marcus.
"Bakit mo sinabi 'yon? Hindi mo naman kailangan sabihin 'kay Charlotte na may nangyari sa atin dahil ginawa natin 'yon bago ko siya makilala! Buti sana kung nag-sex tayo na may kami! Habang kami!"
Agad kong binungad nang makita ko si Kendall na nakaupo sa upuan niya. Napansin ko ang mukha niyang babatiin sana ako pero napalit ito sa pag bagsak ng mukha.
"It's purely a mistake I had sex with you. Nag-sisisi akong ginawa natin 'yon! Kung alam ko lang ganitong klase ka palang tao." Dagdag ko.
She's a mistake. Having sex with her is a mistake. Ngayon alam ko na kung ano klaseng tao pala siya, pinag-sisisihan ko talaga.
I regret staying here. I regret living with her.
After ng klase ko nakipag-kita si Charlotte sa akin dahil may sasabihin daw siyang importante.
Nang makita kong umiiyak siya, pati ako nalungkot at kumirot ang puso ko. Sa lahat ng ayaw kong makita ay ang nakikitang malungkot o umiiyak si Charlotte.
Kaso lahat ng lungkot na 'yon ay nag bago nang tanungin ako ni Charlotte kung may nangyari ba sa amin ni Kendall bago ko makilala si Charlotte.
Hindi naman ako magsisinungaling sa harapan niya dahil special siya sa akin.
Sa pag-amin ko na may nangyari sa amin, nagalit na tuluyan si Charlotte sa akin. Na totoo raw pala ang sinasabi ni Kendall sa kaniya at sinabi niya ito kay Charlotte dahil she wants me for herself only at gagawa siya ng paraan para lang makuha ako kay Charlotte.
Napansin kong ilan beses bumukas-sarado ang bibig ni Kendall bago makapag-salita.
"I'm sorry." Ang tangi niyang sinabi.
Agad na uminit ang dugo ko sa inis nang sabihin niya 'yon.
"Walang magagawa ang sorry mo. Your sorry is not enough para balikan ako ni Charlotte! Tinapos niya kung ano ang meron sa amin! She's mad at me, Camila! Hindi ka ba nag-iisip, ha? Sinira mo ang relationship namin!" Huminto ako saglit at huminga ng malalim. "You know what? I'll move out. Babalik na ako sa dorm. Hindi ko kaya makita ang mukha mo at hindi ko kaya manirahan dito kasama mo, Camila." Sabi ko habang sinimulan kuhanin ang mga damit sa cabinet.
I can't stand looking at her. Walang magagawa ang sorry niya dahil sira na kami ni Charlotte. Galit na galit siya sa akin. Siya na rin nag sabi na wala na siyang tiwala sa akin kaya kahit anong gawin kong pakikipag-balikan sa kaniya, hindi niya kaya makipag-balikan.
Nasaktan ko si Charlotte ng sobra.
She doesn't deserved to be hurt like that. Hindi ko kaya patawarin ang sarili ko dahil nasaktan ko siya at nasira ko ang tiwala ni Charlotte sa akin.
I love—
Nahinto ako sa pagkuha ng mga damit nang napatingin ako sa kamay na humawak sa pulso ko. Humigpit ang hawak nang tignan ko sa mata si Kendall.
"Marcus, I love you." Mapiyok na inamin ni Kendall.
Ang mga titig niya ay maiging nakadikit sa sarili kong mga mata. Na para bang sinusubukan itong abutin ako.
"I want to be that girl who'll take care of you whenever you're sick, to cheer you up, and be with you on everything be it on your happiest or lowest point of your life. I want to be that girl who will love you. I want to be that girl. I want to be yours."
Uminit ang buong katawan ko nang makita ko ang nabubuong luha sa gilid ng mga mata ni Kendall. Para akong sinasakal sa init na tuluyan tumataas ang temperature. Sinasakal at binabalot ng buo. Puso ko tumatakbo na rin nang mabilis.
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romans'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...