Kendall.
--
Kumorba agad ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pag bukas at sarado ng pinto.
He's home! Masayang sinambit ko sa aking isipan.
Mas nauuna kasi ako umuwi kaysa kay Marcus tuwing Wednesday dahil pang umaga lang ang klase ko, samantalang siya hanggang hapon naman. Kaya eto, kanina ko pa hinihintay maka-uwi si Marcus galing eskwela.
"Welcome home!" I said with full enthusiasm.
"Hey." Sagot niya bago bumagsak padapa sa sariling kama.
Pumunta ako sa kama niya at umupo sa gilid. Sinundot-sundot ko ang likuran ni Marcus. "Buffet tayo, please. I've been craving Japanese food since last night. Please, please, please. My treat?" Pag-mamakaawa ko.
Kagabi pa kasi ako nag-lalaway sa Japanese cuisine kaya ngayon ko napag-pasya kumain sa buffet to satisfy my craving.
Marcus did not utter such single move. "I'm not hungry." Is the only response I got from him and it was muffled.
Laking gulat ko kasi alam ko kung gaano niya kamahal kumain at kumain sa buffet. Kahit na ba macho si Marcus, hindi 'yan tumatanggi sa pagkain. He's always hungry. Tuwing inaaya ko siya kumain out of the blue, agad na pumapayag 'yan. Ganuon din siya, bigla-bigla nalang mag-aaya na kumain dahil gusto niya kumain.
Plus, last week niya pa gusto mag-buffet pero wala lang kaming oras para mag-buffet!
This isn't Marcus that I know of.
"Are you feeling okay?" Tanong ko nang idampi ko ang kamay ko sa batok niya, tinitignan kung mainit ito.
"I'm fine." Malamyang sagot niya.
Uh-oh. Alam ko ang tono ng boses na 'yan. Iisa lang ang dahilan para mawala ang mood at gana ni Marcus tuwing Wednesday.
"Doctor Santiago said something terrible again to you?" This time, hinahawi-hawi ko na ang buhok niya.
Tumango si Marcus sa tanong ko bilang sagot ko.
"Dali na. Come up, umupo ka. Face me and talk to me." Utos ko na sinunod naman niya.
Bumagsak ang ekspresiyon sa mukha ko nang makita ang lungkot sa mukha at mata ni Marcus. Sa lahat ng ayaw kong makita ay ang pagiging malungkot niya. I don't want him vulnerable in all aspects.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Marcus. "I don't know why you always listen to him. 'Di ba sabi ko naman sa'yo na 'wag ka makikinig sa kaniya?"
Kadalasan kasi tuwing Wednesday, mag-te-text nalang siya tuwing oras niya sa klase na 'yon para mag-sumbong sa akin tungkol sa Doctor na nag-tuturo sa kanila o 'di kaya umuuwi talaga siya ng wala sa mood.
This time it's different. Kakaiba ang pagiging malungkot ni Marcus.
Yes, we all know what Doctor Santiago is capable of. Naging estudyante niya rin ako dati. At sa totoo lang, kupal talaga siya bilang isang professor. Kilala siya bilang isang kupal na doktor sa school namin. Kahit babae o lalake man, karamihan ay hindi siya gusto. Namamahiya talaga ito pag hindi niya gusto ang isang estudyante niya.
I just don't get it why it's always Marcus. Si Marcus nalang lagi niya pinag-sasabihan o pinapansin sa klase niya tuwing Wednesday. Siguro, tama nga sila, malas mo nalang daw kung ikaw yung nakikita niya para pag-initan.
"Pinahiya niya ako sa harap ng marami ngayon." Malungkot na sinabi niya.
"He did what?" Lumaki ang mga mata ko at boses sa narinig ko. I mean, okay lang na mapag-sabihan ng professor pero dapat sa pribadong paraan, hindi sa harapan ng ibang estudyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/149705926-288-k362526.jpg)
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Roman d'amour'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...