Marcus.
"Kamusta ka na?"
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang pamilyar na boses.
Lumabas agad ang ngiti sa labi ko.
Nakatanggap ako nang yakap mula sa mga kaibigan ko. Humigpit ang mga yakap nila nang sagutin ko sila sa kanilang tanong.
Kamusta na ba ako? Okay na ako. Sa isang buwan na lumayo muna ako sa lahat para makapag-isa at pagalingin ang sarili sa naramdaman kong sakit mula sa pangloloko ni Charlotte.
The thought a month ago reeled on my mind suddenly. Ang araw na nalaman kong may boyfriend ng isang taon si Charlotte at ako ang lalake na ginamit niya sa pangloloko. Bugbog ang natamo ko galing sa ex-boyfriend na ngayon ni Charlotte nang malaman niya na ako ang isang lalake ni Charlotte.
Malabo na sa isipan ko kung paano ako nakabalik sa condo ni Mary dahil hindi ako makagalaw sa bugbog na natamo ko.
Ang kwento ni Mary, umuwi ako sa building ng condo nila na naka-taxi. Tinawag nalang daw siya ng security guard nila dahil sa lagay ko.
"Hindi na ba siya nagparamdam matapos mangyari 'yon?" Inosenteng tanong ni Dee.
Umiling ako bilang sagot. Pero yung ex-boyfriend niya ang nag-paramdam sa akin isang linggo matapos mangyari ang pag bugbog niya sa akin.
Ang nakakatuwa ay humingi siya ng patawad sa nagawa niya sa akin dahil wala akong kasalanan. Charlotte told him that I don't know that she has a boyfriend.
Lahat kami hindi mapaniwala na nagawa ni Charlotte ang pangloloko.
Hindi mo talaga malalaman kung ano ang takbo sa isip ng isang tao.
"Eh si Camila? Hindi na rin ba kayo nagpaparamdam sa isa't-isa?" Mausisang tanong Mary.
Tumingin ako sa kaniya na may tipid na ngiti kasabay nang pag-iling ko ng ulo.
Nakikita ko siya minsan sa school. But that's just it. Nakakasalubong din minsan pero parang hindi kami magkakilala sa isa't-isa. It's like we're total strangers who doesn't exist in one's life.
"And it's a good thing. At least, walang bumubulabog sa buhay ko ngayon. Ayaw ko na muna ng mga drama na 'yan. Ang high school ng mga nangyayari ngayon sa buhay ko." Paliwanag ko.
Relationships...
Damn. Relationships are just complicated.
Nakita ko ang pag lungkot sa mukha ni Dee at Mary sa sinabi ko.
Gusto kasi nila si Kendall dahil siya yung tipo ng babae na makakasabay mo sa lahat. Wala siyang arte sa katawan. Mabilis mo siyang magugustuhan kasi mabait, nakakatuwa, matalino at maalaga si Kendall.
Kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko na napa-mahal na kay Kendall bilang kaibigan.
"Oh? Bakit parang bumagsak din ang mukha mo diyan?" Asar ni Ivan.
Natawa naman ako ng mahinhin at umiling. "'Wag kang gumawa ng issue."
"Wala naman akong ginagawang issue, ah?" Dagdag biro ni Ivan.
"Uyy. Na-mi-miss mo si Kendall, 'no?" Natatawang asar naman ni Dee.
"I knew it! Hindi mo basta makakalimutan ang pinakamamahal natin Kendall." Asar naman ni Mary na diniin ang 'Kendall' sa linya niya.
"No. I don't miss her, okay? Madami lang talaga kasi nangyayari ngayon kaya nakakatuyo ng utak." Seryosong saad ko sa mga kaibigan kong mapangasar.

BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romans'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...