Kendall.
"Naiiyak ako!" Nangangatog kong sinabi sa mga kaibigan ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Ela na kaparehas ng ekspresiyon kong natatakot at nangangatog din.
Ramdam ko na nag-sisimula mabuo ang maliit na luha sa gilid ng mata ko.
Hinawakan ni Mio ang balikat ko at balikat ni Ela, "Breathe. Just breathe, babes. Makikita natin ang pangalan sa promo board. We did well in all our three years as med students. We made it this far." Sinigurado ni Mio sa amin dalawa at pati na rin kay Toni Anne at Sylvia.
Ngayon kasi ang releasing ng Clinical Clerkship namin mga third year students. Kapag ang pangalan mo ay nakalagay sa promo board, ibig sabihin pasado ka at isa ka ng ganap na clerk pag fourth year student ka na.
Kahit first year student ka palang, kakabahan ka talaga para sa Clinical Clerkship dahil dito nakasalalay ang lahat bago ka maka-graduate bilang isang medical student. Kasi kung hindi ka makakapasa rito, uulitin mo ang pagiging third year mo.
Eto, may maririnig kang tili sa saya at hiyawan na saya o 'di kaya makakarinig ka ng mga malulungkot na lintaya mula sa iba't-ibang estudyante nang tignan nila ang pangalan nila sa promo board.
Kinakabahan kaming tumungo sa mga nagkukumpulan estudyante sa harapan ng board.
Nagyakapan muna kaming lima bago mag-hiwalay para hanapin ang mga sarili namin pangalan.
Nang makarating ako sa pwesto kung saan ang mga apelyidong nag-sisimula sa V ay naka-paskil, pinikit ko muna ang aking mga mata...
Please...
Please...
Please...
Valero, Camila Kendall P.
Napa-tili ako sa sobrang saya nang makita ko ang pangalan ko!
Oh, my God! I passed! I made it! Mom, Dad, I made it!
Hindi ako mapaniwala! Naka-lista ang pangalan ko sa promo board!
Naiiyak ako sa sobrang tuwa! I'm so happy! Oh, how I wish my parents are with me right now just so they can see how much I did well.
"I'm so proud of you." Mahinang sinabi sa akin ng pamilyar na boses sa may balikat ko.
Agad akong lumingon para tignan ang matamis na ngiti ni Marcus na sabay din lumingon para tignan ang mukha ko na lalong lumaki ang ngiti sa labi niya.
Lumaki ang mata ko nang maalala kung pasado rin ba siya o hindi. Plano ko kasi talaga na tignan ang pangalan niya pag natapos kong tignan ang akin.
"How about you? Did you passed?" Mabilis ang tibok ng puso ko sa tanong ko.
Alam kong matalino si Marcus pero dahil kahit gaano ka pa katalino, depende pa rin kung makakapasa ka o hindi.
Hindi pa rin naaalis ang ngiti niya habang mabagal siyang tumango.
Tumili ako ulit at agad na niyakap nang mahigpit si Marcus. Binalik niya rin ang pag higpit na yakap sa akin.
Pareho namin sinabi na proud kami sa isa't-isa at kino-congratulate namin kami.
Here I am, I thought I wouldn't make it. Akala ko hindi ko makikita ang pangalan ko dahil nu'ng umalis si Marcus, naging magulo ako. I was a mess. Karamihan ng exams ko mababa ang grado.
Kaya hindi maalis ang kabado at takot sa akin kasi iniisip ko na uulitin ko ang third year ko.
And now my name is listed in the promo board.
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...