KENDALL.
-
'Looking For A Roommate. If interested, please, contact me at 0915xxxxxxx'
Lumabas sa labi ko ang ngiti matapos idikit ang puting papel sa pintuan rito sa condo unit ko.
"Sure ka na ba talaga diyan?" Tanong ni Mio habang pinag-mamasdan ang nakasulat sa papel."I mean, Camila, hello? Hindi mo na ma-so-solo ang condo mo. Hindi ka na pwede mag-hubad. And my God, Camila, hindi ka na masiyado makakadala ng boylet! Or even have sex! Paano na ang sex life mo, babe? Tigang nalang gan'on? Tag-tuyot?" Kontra niya na nag-dulot ng tawanan sa amin.
I rolled my eyes heavenward with my smile still on my lips. Seryoso, siya pa yung sobrang apektado sa pag-hanap ko ng roommate.
"Malay mo naman maging ka-close rin ni Camila magiging roomie niya! O maging ka-close rin natin, 'di ba?" Pag-tanggol ni Toni Anne kaya ayan, naka-tanggap ng irap mula kay Mio.
"Toni's right, Mio. Stop it with your hateorade. Sana lang talaga makahanap na tayo ng roommate mo. I'm so excited na!" Kinikilig na sinabi ni Sylvia.
Hindi lang si Sylvia, Toni Anne at Ela ang sobrang excited. Pati ako hindi makapag-hintay magkaroon ng roommate. Kung sino man ang magiging roommate ko, malakas ang kutob ko na sobrang magiging ka-close ko siya!
To be honest, kaya naman ako nag-hahanap ng roommate dahil ayoko gumastos ng malaki ang mga magulang ko sa akin. Paying my tuition fee as a medicine student is too much. Hello, ang mahal kaya ng tuition sa medicine school. Kaya as much as possible, kailangan ko maging praktikal. At ang pagiging praktikal na iyon ay ang pagkakaroon ng roommate para hati kami sa bayad dito sa condominium unit.
Sayang din kasi yung extra single bed dito sa condo. Ginagamit lang ito pag tumatambay at nakiki-tulog sila Sylvia at pag umuuwi galing Spain ang pamilya ko.
Yes, I'm half-Spanish. Nasa Spain ang mga magulang ko at dalawa kong kapatid. Andito ako sa Pilipinas para mag-aral ng medisina. Dito kasi sa bansa nag-tapos si Mama ng medisina at tinuloy ang pag-do-doktor sa España kaya naman nakilala niya si Papa.
My care is non-existent to who's going to be my roommate. Hindi ako mapili o maarte. Kahit babae o lalake pa 'yan basta maayos at mapagkakatiwalaan siyang tao. If we're good then we're good.
"Ano, girl? We found our future roomie na?" Tanong ni Ela sa akin nang ilapag ko ang cellphone sa desk.
Naka-ngusong umiling ako bilang sagot. "Just guys trying to flirt with me, be it on Facebook or Twitter. Wala matinong magawa kundi lumandi." Dismayado kong sinabi.
"Men are pigs." Nandidiring asik ni Ela na nag-bigay ng mahinhin na tawa sa akin.
Si Ela yung manhater sa amin lima. Kaya expected na ganiyan ang magiging reaction niya. Kahit totoo na baboy talaga karamihan ang mga lalake.
"Makakahanap din tayo, babe." Ngiti ni Sylvia sa akin. "Gitna na kasi ng school year natin kaya karamihan hindi na interesado mag-hanap."
Tatlong araw na rin kasi kami naghahanap ng roommate pero wala pa rin makita.
Ang mga nakukuha ko lang na mensahe mula sa Facebook at Twitter account ko ay mga lalake na gusto ako landiin at ayain makipag-date sa kanila. Psh. As if!
I rested my back to my seat and hung my head backwards. Sana makahanap na ako ng roommate by this week para wala na ako masiyado iisipin. The feeling of waiting for something I'm not sure when will it arrive is making me crave for it more.
"Sa akin mo na sabihin, Toni Anne." Napatingin ako sa gawi ni Sylvia nang marinig ko ang pangalan ni Toni dahil ang pagkaka-alam ko nasa klase si Toni Anne ngayon.

BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...