KENDALL.
--
"Oh my God! This is it! Makikita na natin si baby Marcus!" Hindi mapakaling sinabi ni Mio.
Tinalo pa ako ng mga kaibigan ko. Kitang-kita mo sa kanila na sobrang excited sila makilala at makita si Marcus. Okay, fine, I'm excited too but not with the same excitement of my friends.
Tin-ext ko kasi agad si Marcus kahapon tungkol sa condo. Kaya ngayon ang araw na mag-kikita kami kasi gusto niya raw muna makita ang condo bago mapag-desisyunan kung pasado sa kaniya o hindi.
Mukhang okay naman siya kausap dahil may respeto siya sa pag-te-text namin kahapon. Kaya malaki ang expectation ko ngayon sa kaniya.
"Sshh. Andiyan na sila. Manahimik na kayo diyan." Pananahimik ko kay Mio at Sylvia nang makita kong papalapit na sila Toni Anne rito sa lobby ng condo.
Nagkatinginan kami ni Ela at umirap sa isa't-isa nang marinig namin tumili ng tahimik si Mio at Sylvia sa tabi ko.
Tumayo naman kami nang pag-dating nila sa pwesto namin. Ngumiti agad sa akin si Marcus nang mag-tama ang tingin namin sa isa't-isa.
"Guys, this is Marcus. These are my friends, Mio, Sylvia, Ela and Camila, obviously." Pakilala ni Toni Anne sa amin.
Galanteng kinamayan ni Marcus ang mga kaibigan ko bago ako kamayan na nadagdagan ang ngiti sa mga labi. "Hey. I finally met you."
I'm not going to lie, though. He is obviously a gorgeous man. I mean, look at him, my 5'5 height is embarrassed by his – I'm guessing – 5'11 height. His physically fit body is a perfect match on his white uniform. And when he gripped my hand a while ago, it was so soft. Is it even a hand of a man? Plus, I got to admit, I'm giving him a bonus points on his facial hair. No wonder my friends are going crazily gaga over him.
Girl... I know this boy is without a doubt heartbreaker. But hep, hindi naman ako mag-ju-judge agad agad. I mean, a heartbreaker na madami nagkaka-gusto sa kaniya, pero hindi naman niya gusto pabalik.
Tulad ne'tong mga kaibigan ko. Lalo na si Mio at Sylvia. Ramdam ko na ang pagiging aligaga nila deep inside. Ramdam ko rin na palagi sila bibisita sa condo para lang makita si Marcus at hindi ako.
"So, here we are. Room 2206." Ngiti ko sa kaniya bago buksan ang pintuan ng condo unit.
Pag-pasok namin, agad niya inikot ang paningin niya. At dahil studio unit lang ang condo, wala naman masiyadong tour na magaganap. Kahit studio unit ito, malaki naman ang loob. May kitchen at bar counter, may dining table and chairs na pang apatan, may flat screen TV, sofa, la-z-boy reclining chair at coffee table, pati na rin may dalawa akong study desk. Yung kama niya ay nasa gilid ng wall kung nasaan ang bintana.
At ang pinaka-magandang anyo ng condo unit ko ay pinalagyan ko ang karamihan ng pader ng ceiling to floor mirror. Kaya nga ang asar nila Mio sa condo ko ay motel dahil puro ito salamin. Sa parte lang ng bakanteng kama ang walang salamin dahil bintana ang anduon. Buti nalang talaga pumayag ang may-ari ng condo na ito na palagyan ko ng mga salamin ang pader.
Kaya malakas talaga ang kutob na magugustuhan ni Marcus dito. Lalo na't five minutes walk lang ito sa school namin.
"Damn. Mirrored walls?" Natatawang aniya na siya'y tinanguan ko naman. "I think I love it here already."
I bit my lower lip to contain myself from smiling. Toni Anne nudged me on my arm and winked. I looked at my friends with approving looks.
"So, I guess, this is going to be my bed?" Tanong niya nang huminto siya sa bakanteng kama. Kinuha niya yung isang unan at inamoy ito. My God, don't tell me he's a clean freak!
![](https://img.wattpad.com/cover/149705926-288-k362526.jpg)
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo?
Romance'Looking For A Roommate' ayan ang paskil na idinikit ni Camila Kendall Valero sa pinto ng kanyang condominium unit at ikinalat sa social media, dahilan para hindi na gumastos ng malaki ang magulang niya sa kaniya. "Do you know any place that I coul...