Nine.

44 3 2
                                    

Kendall.

--

"Cheers to the freaking Friday!" Hiyaw ni Mio nang itaas niya sa ere ang baso na may laman na cocktail drink.

Inangat din namin ang mga baso sa ere para idikit ang mga ito sabay nang pag ulit na sinabi ni Mio bago inumin ang alak.

Obviously, I'm out having a Friday night with my girls in one of the most popular bar here in Dasmarinas. Twenty minutes siguro ang layo ne'to sa condo ko. Hindi na rin kasi namin inisip na lumuwas ng Manila para duon uminom dahil malayo ito. Kahit na ba pinipilit kami ni Marcus na sa Manila nalang din kami para sabay-sabay na umuwi mamaya. Tinanggihan namin ito. Plano lang talaga namin magpaka-lasing ngayon gabi.

And why? Wala lang. It's a freaking Friday, ika nga ni Mio.

"Miss, shot daw sabi nung tropa ko."

Napalingon kaming lahat sa lalake na nakatayo sa gilid ng table namin na hawak ang isang shot glass, lemon at asin. A tequila shot.

Ramdam ko ang pag lipat nang tingin sa akin nila Mio na may mga side comments pang sinasabi. Ako kasi ang tinutukoy ng lalake na inumin ang hawak niyang alak.

"Who's your friend?" Tanong ko.

"'Yun oh, yung naka itim." Turo niya sa lalakeng naka itim na nakatingin din dito sa table namin. Hinihintay na inumin ko ang alak.

Nag-dadalawang isip kasi akong kuhanin ang baso na hawak niya. Hindi sa nagiinarte ako. I'm just thinking about my health. Kahit sila Mio pa 'yan, alam kong mag-dadalawang isip din sila dahil baka mamaya may sakit yung lalake at mahawa pa kami dahil sila ang huling gumamit ng baso. We're only trying to be safe. Mahirap na kung mahahawa ka ng sakit mula sa iba dahil ininuman mo ang baso nila. O baka mamaya may nilagay sila sa alak.

You really can't trust people nowadays.

"Iinumin ko 'yan kung bibigyan mo rin ng shots ang friends ko." I smirked at him.

"I'll be right back!" Aligagang sinabi ng lalake. Inabot niya ang baso sa akin pati ang lemon at asin bago bumalik sa table nila para bigyan ng shots ang mga kaibigan ko.

"Bitch!" Sabi ni Toni Anne kasabay nang pag-palo sa braso ko.

"Pag ako nagkasakit, ikaw ang una kong papatayin, Camila." Dagdag ni Mio. Natawa tuloy kami sa sinabi niya.

"Ayaw niyo 'yon? Sabay-sabay tayong magkakasakit. Friendship goals, babe." Natatawa kong asik.

"Basta 'wag niyo nalang idikit sa labi niyo." Payo ni Ela.

Hindi rin nag tagal, bumalik na ang lalake sa table namin kasama ang lalakeng gusto magbigay ng shot sa akin.

May itsura naman siya pero hindi naman ako marupok. Kaya ko i-control ang sarili pag dating sa mga ganiyan bagay.

"What's your name pala?" Tanong niya sa akin matapos ang pag inom namin ng alak.

"Mila." Sagot ko na may ngiti sa labi.

"I'm Peter." Pakilala niya at nilahad ang kamay para kamayan ako.

"Can I get your number? May magagalit ba?" Maangas na tanong ni Peter. And that's a total turn off for me. Number agad? Hindi ba pwedeng kausapin mo muna ang isang tao at kilalanin bago ang modus na 'yan?

"Sorry, but I'm taken." I gave him an apologetic look as I lied.

Nag-pout si Peter. "Aww. Ang swerte naman ng boyfriend mo."

Ano Ba Talaga Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon