Six.

72 2 2
                                        


Kendall.

--

"Can we talk to you?" Tanong ni Mio na may seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha.

Kumunot nuo kong tinignan si Mio bago bigyan tignan sila Toni Anne na seryoso rin ang mukha. Kanina lang halos ang baliw nila tignan pero nang umalis si Marcus kasama ang mga kaibigan niya, nag-iba kaagad ang ihip ng hangin sa mga mukha nila.

Uhh, am I missing something? Bakit ganiyan ang mga ekspresyon nila?

Naguguluhan umupo ako sa sofa sabay ng mga kaibigan ko.

"Uhh. Is there something wrong?" Litong tanong ko.

Nagulat ako nang marahan akong sinampal ni Mio sa pisngi ko.

"What's that for, bitch?" Natatawang asik ko nang makita kong humagikgik sila Sylvia sa ginawa ni Mio.

"Ikaw ang "What's that for, bitch?"" Ginaya ni Mio ang tono ng boses ko bago umirap.

"Kung sinasabi niyo na kasi, 'di ba?" Balik irap ko rin sa kaniya.

"Wala talagang alam itong bitch na 'to." Bumuntong hininga ang kaibigan ko.

"Well, duh? Wala naman talaga? Paano ko malalaman kung hindi niyo sinasabi. Yung totoo, asan mga utak niyo?" Umiiling-iling kong sinabi.

Biglaan tumayo si Mio na nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib habang nakaharap sa akin, kaya nakatungo ako sa kaniya ngayon. Tinignan ko rin isa-isa ang mga kaibigan kong nakaupo sa sofa – nakataas ang kilay na may ismid sa mga labi ang mga ito.

Ugh. Seriously, what's with the suspense they're performing? Can't they just tell me already? Nag-iinit tuloy ang katawan ko sa walang dahilan.

"Kayo ba ni Marcus?" Makabuluhang tanong ni Mio. "Camila Kendall Valero, ano ba talaga kayo ni Marcus Marion Blanco?"

Halos umuwang ang bibig ko sa tinanong niya. Hindi nag-tagal, kumawala ang tawa sa akin.

Seryoso ba sila? Oh my God, hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko. Wala akong pake kung iba ang tingin nila sa akin ngayon. God, why did you give me such friends? Ang chismosa ng mga kaibigan ko!

Huminga ako ng malalim bago iseryoso ang mukha. "Ano ba talaga kami? Close friends. Walang kami kung ayan ang iniisip niyo." Natatawa kong sagot.

Mio exasperately threw his arms in the air before sitting back on the couch. "Kung wala, eh ano 'yon? Ano yung napapansin namin na ang sweet sweet niyo sa isa't-isa? Care to explain that?"

Hindi ko naman sila masisisi kung ayon ang napapansin nila sa amin ni Marcus. I'm aware of that. Wala naman talaga ako kailangan ikwento sa kanila dahil walang kami ni Marcus.

Well, maybe, except that. Yung araw na may nangyari sa amin ni Marcus. Hindi nila alam 'yon at kahit kalian, hindi ko sasabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Marcus. Grabe, isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng mangyari 'yon.

It's been a month since Marcus and I became so close to each other. Nakikita kasi nila na sweet kami ni Marcus sa isa't-isa kaya napapaisip sila. Hindi naman sa sweet, close lang talaga kaya akala nila na kami.

Hmm. Sa totoo lang, simula ng may nangyari sa amin, ang laki ng pinag-bago ni Marcus. I mean, he's still the same. He's still the Marcus I get to know when he became my roommate. Pero ang pinaka-malaking pinag-bago niya ay hindi na siya nag-dadala ng mga babae rito. Isang buwan ng hindi siya nag-dadala.

Yes, we had a bet that if I was the first, he could bring any girls he want. Wala eh, hindi na nag-dala ang lalakeng 'yon. Mabuti naman, walang sagabal tuwing gabi.

"Marcus and I suddenly became very close to each other. Siguro kasi palagi kami magkasama umaga hangang gabi. I see him as my best friend. We're nothing more than that." Paliwanag ko.

Nakatingin lang sila sa akin na para bang hindi naniniwala.

Mag-sasalita na sana ako nang unahan ako ni Sylvia.

"You know that Marcus is an alpha, right?" Sabi ni Sylvia na tinanguan ko naman bilang sagot. "Marcus is an alpha but he's tamed by you, Camila. Kita mo naman na seryoso siya, snob tignan, nag-sasalita lang pag gusto niya at iba siya sa karamihan ng lalake. Sobrang seryoso niyang tao na halos karamihan ng tao hindi mabasa kung ano ang iniisip niya but he's a baby if he's with you."

"To be honest, you're also tamed by him. You are both tamed with each other. May sarili kayong mundo. Kahit hindi niyo pinapakita sa amin tuwing kasama niyo kami, pero pag magkadikit kayo, nagkakaroon kayo ng mundo." Dagdag ni Toni Anne. Sumangayon naman sila Sylvia, Mio at Ela sa sinabi niya.

"It's like your feelings with each other are conscious but you and Marcus are unconscious about it. Hindi man namin nakikita o nalalaman kung ano ang nangyayari sa inyo rito pag kayong dalawa lang, gusto lang namin na masaya ka at iniingatan mo pa rin ang sarilli mo." Ngumiti si Ela matapos siya mag-salita.

"Alam mo naman ang uso ngayon, 'di ba? No label. Friends daw pero ang mga ginagawa naman hindi gawain ng mag-kaibigan. Ayaw lang namin masaktan ka, babe." Ani ni Mio nang hawiin niya ang buhok ko.

Bumuntong hininga ako. "Thank you so much, babes. 'Wag kayong mag-alala, alam ko naman ang ginagawa ko. Iniingatan ko pa rin ang sarili ko. I'm just going with the flow and staying happy. Seriously, there's nothing going on between us. We're just friends who happen to be very close with each other. Marcus is my best friend."

Tumangong niyakap ako agad ni Mio na nakiyakap din ang tatlo ko pang kaibigan.

I appreciate them. Natutuwa ako dahil hindi nila ako pinapabayaan at andiyan sila para pag-sabihan ako. Sila pa rin talaga ang mga kaibigan na nakilala ko nuong nasa pre-med palang kami.

Alam ko naman talaga kung ano ang nangyayari sa amin ni Marcus. Sweet o close kami sa isat't-isa pero magkaibigan lang kami. We don't kiss each other, we don't do any sweet conversations and we don't act like we're couples.

I'm comfortable with him and he's comfortable with me, that's that. Puro kulitan nga lang kami. Hindi namin kailangan mag-karoon ng relasyon sa isa't-isa. Nirerespeto namin ni Marcus ang pagiging magkaibigan namin.

"We're always here for you, babes. Kung may mamuo man diyan..." Turo ni Sylvia sa puso ko. "'Wag kang mahiya na kausapin kami. Masaya kami na masaya ka ngayon."

"At... kung nag-sex na kayo ni Marcus, 'wag ka rin mahihiya sabihin sa amin lalo na sa akin. Hindi ako magagalit. Bitch, it's Marcus! My God!" Kinikilig na sabi ni Mio.

Natawa nalang tuloy ako. It'll be my deepest secret that I will never tell.

Kung alam niyo lang...

"Oh, hold on. My roommate's awake already." Rining kong sinabi ni Marcus nang bumangon ako sa kama.

"Good morning, Kendall." Bati ni Marcus na may magandang ngiti sa labi.

Nakahiga lang ito sa kama niya kaya napaisip ako asan ang babae niyang inuwi rito. Ang himbing ata ng tulog ko para hindi marinig sila kagabi.

But I was wrong when Marcus shifted his attention back to his phone. Nakapatong ito sa bukas niyang laptop at sinimulan mag-salita.

Agad naman ako lumapit sa kaniya para tignan ang kinakausap niya. I'm honestly excited to see who he's talking to.

"Uyyy. Sino 'yan?" Natutuwa kong tinanong nang makaupo ako sa kama ni Marcus bago tignan ang kausap niya.

Ngayon ko lang kasi ulit nakitang may kinakausap si Marcus. At sa cellphone pa niya, hindi sa gabi na may tinatalik siya. Kaya sinong hindi magiging masaya para sa kaibigan niya, 'di ba?

"Kendall, this is Charlotte. Charlotte, this is Kendall." Nakangiting pinakilala kami ni Marcus sa isa't-isa. 

Ano Ba Talaga Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon