Prologue

74.1K 1.5K 234
                                    


"Ano sumusuko ka na ba, Justine?"

Tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman ang sagot. Hinihiling ko pa rin na sana mali ang iniisip ko. Hinihiling ko na sana, dito lang siya sa tabi ko gaya ng sinabi niya noon.

"Sagutin mo ako. Sumusuko ka na ba?"

 

Tanong ko ulit. Nakita ko kung paano siya humga ng malalim. Alam kong kinakabahan siya. Dahil alam niya, masasaktan na naman niya ako... ulit.

"Sophia, pareho tayo ng mundong ginagalawan. Pero.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. At hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Tumingin siya sa akin.

"Pakiramdam ko mag-kaiba pa rin tayong dalawa. Ngayon ko lang lubos naisip na hindi kita kayang abutin. Langit at lupa ang kaibahan nating dalawa."

Langit at lupa? Natawa lang ako.

"Iyon ba ang tingin mo. Kasi ako hindi, ang alam ko lang gusto kitang makasama. Ang layo na ng pinagdaanan natin, ngayon pa ba Justine?"

Yumuko lang siya. Hinihiitay ko siyang magsalita pero lumipas ang minuto, wala siyang salitang sinabi.

Hindi ko nakitang mangyayari ang lahat ng ito. Akala ko ayos na ang lahat, pwede na akong maging masaya pero lagi na lang may problemang dumadating.  Sa pagkakataong ito, hindi niya kayang intindihin ang buhay ng isang Montereal. Masakit pero ito na talaga. 

"I'll call the wedding off. Ako na ang bahalang mag-explain sa kanila."

An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon