Entry 71

3 1 0
                                    

Kwento ng IKAW AT AKO

Ito ay kwento
Kwento ng ikaw at ako
Ang kwentong nag pa bago
Sa buhay ko
At buhay mo

Yung kwento
Kung saan masaya tayo
Kwento
Kung saan mahal mo ako
At mahal din kita

Mga alaala
Alaala na ang sarap balik balikan
Alaala ng mga ngiti mo
Alaala ng mga yakap mo
Alaala ng mga halik mo
Maging ang pag bitaw natin
Pag bitaw natin sa isa't isa ng mga salitang
Mahal kita

Ito ang kwento
Mga kwentong ang sarap balikan
Ang sarap ulit ulitin
Pero masakit
Masakit alalahanin

Alalahanin ang unti unting pagbabago
Alalahanin ang mga maling desisyon
Alalahanin ang araw
Ang araw kung saan
Wala ng tayo at ako

Kasalanan ko?
Oo kasalanan ko
Kasalanan ko kasi tumalikod ako
Kasalanan ko kasi bumitaw ako
Kasalanan ko kasi ako ang nang iwan

Nang iwan hindi dahil may iba
Nang iwan hindi dahil hindi kana mahal
Nang iwan hindi dahil ayoko na sayo
Nang iwan hindi dahil hindi na masaya
Kundi nang iwan

Nang iwan dahil alam ko
Alam kong hindi ako

Hindi ako karapat dapat
Hindi ako ang nararapat
At lalong
Hindi ako ang dapat

Mahal
Ang gago diba?
Ang gago kasi
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita pero tanga ako
Tanga ako kasi sinayang kita
Tanga ako kasi pinakawalan kita
Napaka tanga ko kasi sinaktan kita
Sinaktan kita kahit hindi dapat

Kaya mahal
Kung ito'y mababasa mo
Sana ay tanggapin mo
Patawad,
Patawad sa sakit
Patawad sa luha
Patawad sa lungkot
Patawarin mo ako
Sa klase ng pagmamahal
Pagmamahal na naibigay ko

Hindi ko man natupad
Ang mga pangako ko
Hindi ko man natupad
Ang mga pangarap nating dalawa
Asahan mo mahal
Na ang kwentong ito
Ang kwento ng Ikaw at ako
Ang natatangi kong paborito.

Undiscovered WritingsWhere stories live. Discover now