Chapter Three: REJECTION

4K 101 56
                                    


Chances

Salamat sa Diyos at okay naman si lola. Normal lang daw talaga sa mga may edad ang ganitong phase. Prone sila to falling at iyon ang nangyari kay lola bago siya mahimatay. Umamin rin siyang hindi niya ininom ang vitamins niya sa tuwing umaalis ako. Tinipid niya upang di ako magkaproblemang maghanap na naman ng pambili para sa maintenance niya.

"Lola naman eh. Hindi niyo naman kailangang gawin 'yon."umiiyak na pahayag ko. "At saka, masaya ho ako sa tuwing nabibili ko 'yong mga pangangailangan mo. Feeling ko kasi nagiging mabuting apo ako kapag nagagawa ko 'yon. Kaya 'wag niyo namang kunin sa'kin 'yong kasiyahan ko la."

"Apo."tawag niya't hinawakan ang kamay ko. "Matanda na ako. Kailangan mo ng unahin ang sarili mo, ang pag-aaral mo—"

"Lola. Ano namang silbi ng pangarap ko kung hindi ko na kayo makakasama? Mangako ka la, iinumin mo ang mga vitamins mo, okay?"

"Tama po si Chan-chan, lola. Kaya magpalakas na kayo para maiuwi ko na kayo sa inyo."singit ni Zacc. Sisitahin ko sana siya pero napaka-genuine ng ngiting binibigay niya kay lola.

Sa sumunod na araw, pinayagan na kami ng doctor na umuwi. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung saan maghahanap ng ibabayad nang makita ko ang bill. Tatlong gabi at apat na araw si lola sa hospital. Umabot sa 16,000 'yong bill, hindi pa kabilang no'n ang mga bibilhin kong gamot.

"Babe. I've been looking for you everyewhere—damn. Ang tigas ng ulo mo ano? I told you to stay in the room. Ako na nga ang bahala rito diba?"galit na sita niya nang makita ang bill na hawak ko. "Akin na nga 'yan."

Natapos siya sa paagbabayad at akmang aalis na sa cashier para balikan si lola. Kaya lang ay napatigil siya nang mapagtantong nakaurong parin ako. Nakayuko ako kaya inangat niya ang mukha ko.

"Sorry. Sorry if I yelled at you. Ang tigas kasi ng ulo mo eh."bulong niya sabay punas ng pisngi kong namamasa sa luha. "Sorry na. Puntahan na natin si Lola baka naiinip na 'yon at iniwan na tayo."pagbibiro niyang lalong nagpaluha sa'kin.

"Zacc—"tawag ko nang makailang hakbang na kami. "Hindi ko alam kung paano kita papasalamatan kahit na babayaran ko naman lahat ng 'yon."Napatigil ako dahil sa paghikbi. "Si lola nalang 'yong meron ako eh. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kung wala siya kaya—salamat."

"Stupid. Stop crying. You can just say thank you without crying."pagsusungit niya. "Look. I don't know why but... it's making me uncomfortable. Ayokong umiiyak ka. Stop, please."malumanay na wika niyang tinanguan ko.

Nang makauwi na kami ni lola, hindi ako mapakali sa kakaisip kung saan hahanap ng pera para sa enrolment. Bukas na 'yong last day dahil sa Lunes, pasukan na. Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok. Agad akong tumayo para pagbuksan 'yon. Isang magandang babae ang bumungad sa'kin na may kasamang lalaki. Sobrang pamilyar no'ng lalaki. Hindi ko nga lang maalala kung saan ko nakita.

"Hi!"magiliw na bati nong magandang babae. Ang tangkad niya, mga nasa 5'9. Ang liit ng mukha niya, nagmimistula nga siyang manika kahit na wala naman siyang kolorete sa mukha. "Ako nga pala si Mirana. Pero pwede mo 'kong tawaging Nana. I'm Zacc's bestfriend."pagpapakilala niya.

"Ah—tu—tuloy kayo. Pasensiya na, hindi ako nakapaglinis. Kakauwi lang namin galing hospital."

"Ano ka ba? Okay lang 'no? Nga pala, si Arlo. Kaibigan ni Zacc."pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya. "Hoy Arlo, magsalita ka. Nakakapanibago ka. Gago."

Napangiti ako sa kanilang dalawa. Ang cute nila eh.

"Eh kasi. Naaalala ko 'tong si Chances eh."dahilan ng lalaki.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon