Chapter Twenty-Six: STRANGER

2.9K 68 45
                                    

Chances

First week of class. Ang saya kasi lagi akong naeexcite pumasok. Iniisip ko kasi, ilang buwan nalang at gagraduate na ako. Hoy, 'wag kayong ano! Advance ako mag-isip.

"Hi Chances, may nagpapabigay."bati ng isa kong kaklase sabay abot ng bulaklak.

Inamoy ko kaagad 'yon. Ang bango. Kay Zacc kaya galing 'to? Kinuha ko ang phone para tawagan si Zacc. Kaya lang, habang naghihintay na sagutin niya ang tawag, nakita ko ang papalapit na si Sac.

"Mukhang itinago ka ni Zacc for the whole month ah."simula niya.

Binaba ko kaagad ang phone at ibinalik 'yon sa bulsa ko.

"Sac—"

"Chan, I wanted us to be friends."

Hindi ko alam pero may kunting kirot at panghinayang sa puso ko nang marinig ang pahayag niyang 'yon. However, I felt a bit happy. Tama narin at nang masigurado ko ang nararamdaman ko.

"Thank you."

"But I'll be around a lot."aniyang nagpakunot ng noo ko. "Joke lang. Pero Chanchan, alam mong lagi akong nandito para sa'yo. Just call me anytime."

"Alright."nakangiting sagot ko.

"Anytime."pag-uulit niya.

Maaga akong nakauwi ng bahay. Nadatnan ko si Zacc na sinisermonan ang mga katulong namin.

"Hindi niyo na nga nalilinis 'yong kabilang silid! Lahat ng ginagawa niyo, hindi niyo nagagawa ng maayos! Gusto niyo pa bang manatili rito? Nay Imelda, I entrusted the whole household to you, what is happening?"

"Zacc, hijo—"

"I don't want to hear anybody's reasons! Leave!"

Nagsialisan agad sila. Umupo siya sa harapan ng mesa. Nakakuyom ang mga palad niyang nakalapag roon. Lumapit ako para sitahin siya.

"Para sa'n 'yon? Kailangan ba talaga 'yon?"

"I wanted to be alone. Please leave."taboy niya sa'kin.

"Zacchary, hindi ikaw 'to."

"Bakit? Bakit Chances? Kilala mo ba ako? You don't know anything about me!"

Hindi ako nakasagot kahit gusto ko siyang sagutin. Tumakbo na lamang ako't nagkulong sa kwarto. See Chan? Wala kang nagagawang tama. Hindi ka umalis no'ng may pagkakataon kang kumawala. Ayan, nasasaktan ka tuloy ngayon.

"Hindi ako iiyak."sabi ko sa sarili ko. "Okay lang ako."

Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Dumiretso ako sa park na gustong-gusto kong tambayan kapag nasasaktan o may mabigat akong pinagdadaanan. Natigil nga lang ako sa pagmumuni nang tumawag si Mirana.

"Chances, pwede ba tayong magkita?"

"Ah—why?"

"This is about Zacc. Where are you?"

Binigay ko sa kanya ang address ng park. Wala pang bente minuto ay dumating na agad siya. Pero ilang minuto na ang dumaan mula ng tabihan niya ako ngunit walang ni isa sa'min ang nagsasalita. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya.

"Sorry. I can't find the right words to say."pagpapaumanhin niya.

"Okay lang. Tungkol sa'n ba ang pag-uusapan natin?"

"It's about Zacc. Tita and tito have frozen his accounts. Pera nalang mula sa trust fund na nakuha niya kina lolo Zaccharias at lola Arly ang meron siya. Chances, he's trying to venture for a little coffee-shop business. He doesn't even know anything about it—"

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon