Chapter Four: VISITORS

3.9K 80 21
                                    

Chances

Ang akala kong pang-aasar lang niya ay mukhang totoo para sa gago. Kakatapos ko lang maligo at habang naghahanda ng agahan namin ni lola, may kumatok. At oo, ang gago nga.

"Good morning, babe."bati niyang dumukwang pa para halikan ako.

This time, nakailag na ako't napigilan ko ang malandi niyang labi. Hinarang ko ang hintuturo ko do'n at saka siya nginitian ng sarkastikong ngiti.

"Ang arte."reklamo pa niya. "Si lola?"

"Tulog pa kaya manahimik ka."tugon ko. "Sandali."pigil ko nang umakma siyang papasok ng tuluyan sa bahay. "Kay aga-aga, nanggugulo ka. Ano'ng sadya mo rito, senorito?"

"I told you last night. Sasamahan kita sa lakad mong 'marami'."

"You're not serious."

Takte, napapasabak ang english skills ko sa laging kae-english niya.

"I'm here and that means I'm serious."nakakaasar na sagot niya. "Mabuti pa, gisingin mo na si lola at nang makapag-almusal na tayo, senorita. Bumili ako ng pagkain."sabi niya sabay taas ng dalawang paperbags na hawak niya.

Mas mabuti narin at nang makaalis ako ng maaga. Buti nalang di pa ako nakapagsaing. Kinuha ko ang mga supot mula sa kanya at inilagay ang mga pagkain sa pinggan. Nang maihanda na lahat ay pinuntahan ko na si lola. Gising na pala siya't nakaupo lang sa gilid ng kama, nakatingin sa labas ng bintana.

"Good morning, lola kong mahal."

Hindi siya sumagot kaya napakunot ako ng noo. Lumapit agad ako para harapin siya. Nakatulala si lola at walang ekspresyon ang mababasa sa mukha niya.

"La? Okay lang po ba kayo?"naiiyak na tanong ko sa sobrang takot at pag-aalala.
Nagbaba siya ng tingin para salubungin ang titig ko. "Apo ko."mahinang sambit niya. "Ang napakaganda kong apo."

Niyakap ko siya agad ng mahigpit matapos niyang sabihin 'yon.

"I love you lola. Tara na po. Kain na po tayo."

Nakaupo sa harap ng hapag-kainan si Zacc nang madatnan namin ni lola. Tumayo siya para magmano kay lola pero di ibinigay ni lola ang kamay niya. Nagulat nga ako lalo na nang magsalita siya.

"Sino ka?"

"Lola naman. Si Zacc 'yan, di mo ba naaalala? Siya 'yong—"

"Ah. 'Yong boypren mo?"

"Opo lola."sagot ng kumag na kumindat pa sa'kin.

Kung wala lang si lola sa harap namin, malamang pinagsusuntok ko na siya. Kita yata ng gago ang pagkaasar ko kaya ininis niya pa akong lalo.

"Mahal ko, upo ka na."anas niya nang nakatayo parin ako matapos paupuin si lola. Tumayo pa siya para alalayan ako. "Ang bango mo, babe."bulong niya matapos akong umupo.

"Papatayin kita mamaya, gago."pabulong na banta ko.

Naging matiwasay naman ang almusal namin. Walang dugong dumanak kahit napakagagong tao nitong si Zacchary Harrison. Nakakaimbyerna. Sarap patayin. Buti nalang nakapagpigil ako.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon