Chapter Twenty-Seven: HIS REASONS

2.7K 77 23
                                    

Chances

Sinalubong ako ni Zacc ng masamang tingin nang dumating ako. Hinayaan ko nalang din siya. Pero bago ko pa siya malagpasan ay hinigit na niya ang braso ko.

"Si Guerrero ba 'yong naghatid sa'yo?"walang kangiti-ngiting tanong niya.

"Ah."Napapikit ako saka sinalubong ang titig niya. "Oo. Si Sac nga."

"Magkasama kayo buong gabi?"

"Zacchary, wala kaming ginagawang masama kung 'yan ang iniisip mo. Hindi ako gagawa ng kahit anong kalokohan. E ikaw? Baka naman may nag-ooffer na sa'yong maging kabit mo—"pagpapahaging ko.

"What are you talking about?"

"Nagbibiro lang ako—"

"You're not."

"Zacc, ano ba? Nasasaktan na ako e!"reklamo ko sa mahigpit na paghawak niya ng braso ko at sa nasasaktan kong puso. "Will you let me go, please?"

"Look, I'm sorry."

"Zacc, 'wag kang umabot sa point na pumayag magkaroon ng kabit. Dahil kahit hindi totoo 'tong meron tayo, hindi ko deserve 'yon. Kaya kung may iba kang gustong makasama, hiwalayan mo nalang ako."

"Chances—"utal niya sabay hawak ng kamay ko.

"What Zacc? May gusto bang kumabit?"pasimpleng tanong ko. "Just tell me anytime. Handa akong pumirma."

Kinalimutan ko ang sarili kong nararamdaman kaya pinalagpas ko na naman ang mga pangyayaring 'yon. Sumama ako sa site na tatayuan niya ng coffee shop isang weekend. Ayaw niya sana pero nagpumilit ako.

"Zacc, kinausap ko si Isaac. Marami kasi silang coffee shops sa States. They were in that business for years. Ang sabi niya, handa siyang tumulong. Ihahanap ka rin daw niya ng supplier ng beans—"

"Chances, ayaw kong pinapakialaman mo ang mga desisyon ko. Hindi ko kailangan ang tulong niya at ng kahit na sino."sagot niyang agad na nagpaiyak sa'kin.

Tumalikod agad ako para hindi niya makita ang luha ko. See? He doesn't need you so stop trying, Chan!

"Oo nga pala. Kailangan kong puntahan si Anne."paalam ko na hindi tumitingin sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Pumara na agad ako ng taxi. Iyak ako ng iyak habang lulan ng sasakyan papunta sa lugar na di ko alam.

"Ma'am? Sa'n po tayo?"

"Kahit saan ho kuya. Maglibot lang ho tayo saglit."

"O—okay po. Okay lang po ba kayo?"tanong nito. "Heto po ma'am, tissue."

"Salamat po."

Habang naglilibot ay tumawag si Isaac sa'kin. Kailangan ko ng makakausap kaya sinagot ko 'yon.

"Sac..."

"Baby? Are you crying?"

"Sac, pwede mo ba akong samahan ngayon?"

"Oo naman. Nasa'n ka ba? Pupuntahan kita."

"Hindi na. Ako na ang pupunta sa bahay niyo."sagot ko saka nagbaba ng phone.

Nagpahatid ako kay manong driver sa address ni Isaac. Mabuti nalang at malapit lang kami rito ng ipaalam ko sa kanya. Nakaabang na sa labas si Sac nang makababa ako ng kotse. Sinalubong niya ako't niyakap.

Hindi siya nagtanong sa'kin. Hindi rin ako nagkwento ng nangyari. He was just there to give me the comfort I needed. Iniwan niya ako saglit at pagbalik niya may dalawang malaking bowl na siya ng ice cream. Strawberry 'yong sa'kin at cookies and cream 'yong kanya. Ito 'yong mga paborito namin eh.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon