Chapter Six: MIDNIGHT SUN

3.7K 85 78
                                    

Chances

Kampante akong naiwan si lola sa condo habang pumasok sa unibersidad. Isang registered nurse si Daisy at may tiwala naman ako kay Zacc kahit na gago siya. Nangako naman siyang hindi niya ipapahamak si lola sa kahit anong paraan.

"Zacc? Papunta na ako sa klase. Ba't ka tumawag?"sagot ko nang tumawag siya sa phone isang araw.

Oo nga pala, kahit na binilhan niya na ako ng bagong phone, yong keypad parin ang gamit ko. Dahil sa tigas ng ulo ko, pinaayos nalang 'yon ni Zacc para matanggal ang tape na nilagay ko do'n.

"Sabi ko sa'yo, ihahatid kita, diba? Ba't ka umalis nang hindi ako hinihintay?"tanong niya sa galit na tono.

"Zacchary Harrison, Thursday ngayon, baka nakalimutan mo? 7 ang unang subject ko. I waited for you til 6:30, hindi ka dumating. Ayoko namang malate."

"Wait—Thursday ngayon? Fine. Damn it. I have a meeting with Mr. Khan. I'll go. See you later, babe."

Umirap ako kahit alam kong di niya ako makikita. Sa loob ng ilang linggo mula ng magsimula ang pasukan, nasanay nalang din akong 'wag pagtuonan ng pansin ang atensyong pinupukol ng marami sa'kin dahil nga sa controversial engagement ko sa isang mayaman at perpekto kunong lalaki. Tsk. Kung alam lang nilang napakagago no'n. Haha. Yong karamihan sa mga babae ay gusto akong makaibigan para makalandi at makalapit kay Zacc. Buti nalang natataboy sila ni Lendon at Anne.

"Beshy!"

Napalingon ako't nakita ko si Lendon na tumatakbo papalapit sa'kin. Talking about my friends, they were really supportive of all my decisions at good thing na hindi na ako masyadong naba-bother na may inililihim ako sa kanila. Si Isaac naman, ibinalik na aniya ang accounts niya sa social media pero nakablock ako. Gumawa ako ng bagong account pero di makakamessage sa kanya ang mga di connected sa kanya o ang mga di niya friends.

Dumating ang weekend ng sobrang bilis. Napakaraming projects na agad which is really usual for our course. Dumating si Zacc nang di ko napansin sa sobrang focused ko sa ginagawa ko.

"That's nice."komento niyang nagpaangat ng ulo ko.

"Hey, kanina ka pa?"

"I just arrived. Why?"

"Wala lang."

"Si lola?"

"Nasa kwarto. Gustong manood ng movies. Kasama niya si Daisy."

"I'll go and check. Tapusin mo 'yang ginagawa mo."sabi niya't dumiretso sa kwarto.

Malapit na akong matapos sa building na ginuguhit ko nang bumalik si Zacc nang nakasimangot. Halos magtagpo na nga ang mga makakapal niyang kilay.

"Ito ba 'yong boyfriend mo? Isaac Nathaniel Guerrero."tanong niyang nag-udyok sa'kin para hanapin ang smart phone na binili niya para sa'kin.

Anak ng pusang gala. Hindi ko napansing kinuha niya pala kanina bago siya pumunta kay lola.

"Gumawa ka pa ng bagong account. That's neat and... sweet."

"Zacc. That's private!"naiinis na asik ko.

"Private? Wow. What happened to the point #2 in the contract, Chances?"

"Zacc. May past ka rin pero hindi ko na tinanong 'yon kasi kahit na ikasal tayo, we're still entitled to a privacy for each!"

Hindi muna siya sumagot. Ni-lock niya ang pinto ng study at saka ako muling hinarap.

"No. That is not what I have stated in the contract which you signed without dispute."

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon