Chapter Twenty-Five: HUG

2.9K 80 21
                                    

Chances

Simula na ng semestral break. Para maiwasan si Zacc, nagpaalam ako sa kanyang papuntahin ng bahay sina Lendon at Anne. Pero habang kasama ko sila't nagbabangayan, naiinggit lang ako. Naaalala ko ang mga bangayan namin ni Zacc noon. Nakakapanibago man ay pinili ko kasing ilayo ang sarili ko ngayon sa kanya habang hindi pa gano'n kalalim ang nararamdaman ko.

"Hoy Chances Harrison, kanina ka pa nakatulala!"pukaw ni Lendon sa'kin.

"Ha?"

"Alam mo kasi, Chan, kausapin mo. Tanungin mo. Tumigil ka sa pag-aassume."payo ni Aneng na inirapan ko lang.

"I'll bake cookies. Maiwan ko na muna kayo."

Nagpirmi ako sa kusina para mapag-isa. Pero natigil naman kaagad ako sa pag-iisip ko ng kung ano-ano, nang marinig ang boses ni Zacc na kinakausap ang mga kaibigan ko. Sumilip ako't nakita ko siyang naglalakad papunta ng kusina. Nagmamadaling bumalik ako sa harap ng microwave oven para icheck narin ang cookies na bini-bake ko.

"Hi."bati ko sa kanya.

He gave me a smile but it was rather a sad one. Malungkot rin ang mga mata niya kaya naalarma ako. Magtatanong pa sana ako pero niyakap niya nalang ako ng mahigpit. Matapos ang pinagkasunduan namin no'ng nakaraan, wala na kaming physical contact.

"I'm sorry babe. I just really need this right now."bulong niyang nakayakap parin sa'kin.

"Zacchary, may problema ba?"

Iiling na sana siya pero tinaasan ko siya ng kilay. Nangako kaming susundin namin ang nasa contract at malinaw do'n na kailangan naming maging honest sa isa't isa.

"I gave up my job at tita's company."

"Ano?"

"I did that last week. For the whole week now, I sent applications to different companies. Nobody hired me."malungkot na kwento niya. "Alam kong may kinalaman si mama rito."

"Zacc, hindi mo kailangang magtiis sa ganitong sitwasyon. Pwedeng-pwede mong balikan ang marangyang buhay mo. Magiging okay kami ni lola—"

"At kapag ginawa ko 'yon, magiging miserable ang buhay ko."putol niya sa'kin.

"Zacc, mahal mo pa naman si Divina eh. Magpa-annul na tayo at nang matuloy ang kasal niyo."

"Hindi ko na siya mahal."

"Yan ang gusto mong mangyari pero iba ang sinisigaw ng puso mo. Hindi mo man sabihin, alam ko Zacc kasi hindi naman ako bulag eh. Nakikita ko."

"Bakit gusto mo ng matapos lahat 'to Chan? Iyan ba ang dahilan? O dahil gusto mo narin siyang makasama?"tanong niya patungkol kay Isaac.

"Don't make this about me. Zacc, nakikita mo naman diba? Ginigipit ka na ng magulang mo. Ayaw ko lang na maghirap ka dahil pinili mo 'tong buhay na kasama ako kaysa ang marangyang buhay na handa nilang ibigay sa'yo."

"Iyan ba talaga? Bakit feeling ko atat ka lang na balikan siya?"

Sa sobrang asar ko ay sinampal ko siya. "Kung 'yan ang dahilan ko Zacc, sana matagal na akong wala rito. Kailanman, hindi ako naging makasarili."wika ko't iniwan siya.

Lumabas ako ng bahay at naghintay na humupa 'yong inis ko. Namalayan kong gabi na pala dahil pinuntahan ako nina Lendon at Anne sa may garden na tinambayan ko.

"Besh, mukhang may problema kayo. Pag-usapan niyo, okay?"wika ni Anne na tinanguan ko nalang.

"Saka, Chan. Mauuna na kami. Ide-date ko pa 'tong demanding nating kaibigan."sabi ni Lendon na nagpatawa sa'kin ng mahina. "Ba't ka nagagalit? Totoo naman ah."asik niya kay Aneng na sumiko sa kanya. "Gusto niya kasi Chan na dalhin ko sa lugar na walang ibang tao. Sinabi kong dadalhin ko siya sa semeteryo, malamang walang tao do'n. Multo meron."tumatawang kwento niya.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon