Chapter Thirty-Two: RIVALRY

2.7K 72 26
                                    

Anelyn

Ano kayang problema ng isang 'yon? Ang aga-aga tumawag sa'kin. Mukha ngang walang tulog kasi namamaos 'yong boses niya. Tapos, nagyaya siyang lumabas e may trabaho siya.

"Hi babe. Sorry, late ako."pagpapaumanhin ko matapos siyang i-hug.

"Nag-order na nga pala ako. Baka may gusto kang kainin-"

"No. Chanchan, hindi ako nandito para diyan. Nandito ako para sa kaibigan ko. Tell me, anong nangyari? Ba't namumugto 'yang mga mata mo?"

Yumuko siya't inatupag ang phone niya. Hinayaan ko siya ng ilang minuto. Nang iangat niya ang ulo niya, bumungad sa'kin ang pisngi niyang namamasa sa luha.

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Anne, ang gulo."iyak niya.

Agad na lumipat ako ng upuan par tabihan siya't mayakap.

"Okay naman kami e. Okay sana kami tapos bigla nalang naging- ewan ko ba. Nako-confused ako kung dahil ba tinanggap ko ang trabaho kaya siya nagkakagano'n o dahil nagkita na naman sila ni Divina."

"Besh."tawag ko sabay pisil ng kamay niya. "Kailangan niyo 'tong pag-usapan."

"Hindi na Neng. Kasi alam ko na man kung saan dapat ako lulugar eh. Pero hindi ko naman kasalanan kung umasa ako eh. Sobrang pa-fall niya. Baliw lang yata ang di mahuhulog sa kanya."

"E di. Bitaw na. Hahayaan mo pa bang masugatan ka ulit saka ka titigil?"tanong ko. "Mas masakit kapag nasugatan ulit ang sugat na di pa naghihilom."makahulugang payo ko sa kanya.

Nagpasalamat siya sa'kin sa pagsama sa kanya before we exchanged goodbyes. Nakakalungkot naman. Kung sana kasi, si Isaac nalang. Kampanteng-kampante akong di siya sasaktan no'n e.

Talking about the guy. Why is he here? Kakauwi ko galing sa review. May hindi kami pinagkaunawaan ni Lendon kaya diretso ako ng uwi sa bahay. Laking gulat ko nalang nang makita siyang nakasandal sa kotse niya na parang may hinihintay.

"Hoy. Napadpad ka rito, Guerrero?"nakangiting bungad ko rito.

"Anne. Buti naman at nandiyan ka na. Something happened to lola Carmella. They're at the hospital right now."

"Ha? Tara! Tara na!"

Walang kasama si Chanchan nang madatnan namin sa labas ng emergency. Iyak lang siya ng iyak. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo at yumakap sa'kin.

"Neng, natatakot ako. Hindi pa ako handang mawala si lola. Ayoko pa... Hindi pa pwede."

Diretso rin akong naiyak pagkasabi niya no'n. Masakit man sa loob ko, wala akong choice kundi ang pakinggan ang hikbi niya habang nakayakap siya sa'kin. Mayamaya nga lanag ay kinailangan kong lumabas para salubungin si Lendon kaya naiwan ko si Chances na kasama si Sac. Ang tagal ng sira-ulo, kanina pa ako nakatayo rito!

"Neng!"

Napalingon agad ako dahil hindi naman 'yon 'yong boses ni Lendon. It's Zacchary. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Nasa'n si Chanchan?"

He came late. Sa'n ba siya galing? Ang buong akala ko ay magkasama nilang dinala si lola ng hospital. Hindi ba sila nagkabati ni beshy no'ng huling magsumbong siya sa'kin? That was about two weeks ago.

"Neng, tara na!"pukaw ni Lendon sa'kin.

"Ah-Zacc. Tara, nasa taas si Chanchan."

Ang perfect lang humanap ng timing ng pagkakataon e. Eksaktong pagbalik ko kasama sina Zacc at Lendon, ang tagpong yakap-yakap ni Isaac ang bestfriend ko ang madadatnan pa namin. Hay naku! Winaksi ko naman agad sa ulo ko ang isiping 'yon nang lumakas ang hagulhol ni Chances.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon