Chapter Seven: BANYO

3.4K 80 30
                                    

Chances

Tita Cheska was very fond of me. Kaya no'ng graduation ni Sac, which was three years ago, pinapunta niya ako sa States para surpresahin ang anak niya. Gumraduate with flying colors si Sac, sobrang talino niya din talaga kasi. Mana daw kay tito Isaac, sabi ni tita.

"Nathan, congratulations."bati ng isang matangkad at magandang babae kay Sac na humalik pa sa pisngi niya. "So proud of you sweetheart."dugtong nito.

Hindi ko siya pinansin kahit nang makauwi na kami sa bahay nila. No'ng gabing 'yon, sa kalagitnaan ng party, niyaya ako ni Sac na umalis.

"Nakakapagod makipagkamay sa mga kaibigan nina mom at dad."sumbong niya habang naglalakad palabas ng makaking bahay. "Ba't ang tahimik mo? Nakakapanibago? Nagbago na ba si Chan-chan?"

"Ano'ng pinagsasabi mo diyan?"

"Finally, she talks."

"Oo nga pala. Ang ganda no'ng girlfriend mo. Di mo man lang pinakilala sa'kin."

"Tampurorot ka naman eh. Wait—sinong girlfriend? Wala akong girlfriend, alam mo yan."pagde-deny niya sa babaeng humalik sa kanya after the graduation ceremony.

"So proud of you sweetheart."pagmimic ko sa babae.

"Ah! Si Atasha! Haha. Ex. Exgirlfriend."

"Ex? Di ko man lang nalaman na naging kayo?"

"Naging kami lang for a dare. It didn't last long though. I don't have feelings for her. So ex na. I didn't tell you about her because she's not someone important."paliwanag niyang lihim na nagpasaya ng puso ko. "Sandali lang, nagseselos ba ang baby Chan-chan ko?"

"Sabi mo naman ex e ba't ako magseselos?"

"So kung di ko sinabi, magseselos ka?"

"Ano naman ngayon kung magselos ako?"

Sinagot niya ako ng isang halik. That kiss was my first on the lips after that stolen smack he did when I was nine and he's twelve.

"Chan, alam mo namang mahal kita diba? Sobrang mahal kita. Hindi kita nililigawan dahil gusto ko munang magtapos ka. Kapag nangyari na 'yon, hindi parin kita liligawan."pilyong sabi niya na nagpaiyak sa'kin. "Kasi papakasalan na kita. Ayaw kitang gawing girlfriend kasi nagkaroon ako ng maraming gano'n before. I want you to be my only wife."

Sobrang saya ko ng gabing 'yon. He did not give me an engagement ring but we made a promise. Na sa isa't isa lang kami magpapakasal.

Kinailangan niyang magtake-over sa kompanya nila sa labas ng bansa two years ago nang mamatay si tito Isaac. Hindi na siya nakabalik ng Pinas hanggang ngayon. Naging means of communication namin ang social media. Okay naman ang naging takbo ng lahat...

Okay sana hanggang dumating ang isang Zacchary Harrison para gawing kumplikado ang simpleng buhay na meron ako.

"You tell me about Divina."utos ko.

"She's no one."diretsang sagot niya. "Isa pa di mo pa sinagot kung bakit hindi naging kayo ng Sa-ack na 'yon?"

"Wag mo ngang tinotorture ang pangalan ni Sac."

"Sa-ack. Pinagtatanggol mo pa."

"Alam mo, hindi sila maniniwalang tayo kapag tinanong ako ng magulang mo tungkol sa nakaraan mo with Divina."

"She's really just no one—"

"No one but your first love, right?"

"Where did you get that from? Si Nana ba'ng nagsabi sa'yo?"

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon