Chapter Thirteen: TEN SECONDS

3.2K 87 18
                                    

Chances

Nagpaalam ako kay Zacc na lumabas kasama sina Lendon at Anne pagkatapos ng klase. Pumayag siya pero susunduin niya raw ako kapag pauwi na kami. Hindi kami nagkakausap tungkol sa mga nangyayari no'ng nakaraan. Ako naman, tumigil na ako sa pag-aassume kasi impossibleng magugustuhan ako ng bipolar na lalaking 'yon. Isa pa, hindi niya naman malinaw na sinasabi sa'king gusto niya ako. Aminado lang siyang nagseselos siya. Ba't nga ba nagseselos ang isang tao?

"Ba't nga ba nagseselos ang tao?"tanong ko habang kumakain kaming tatlo.

"Well, on my point of view, nagseselos ako kapag gusto ko ang tao pero walang commitment o assurance na ako rin ang gusto niya. In your situation beshy, hindi ka dapat magselos, itigil mo na 'yan kasi halata namang mahal na mahal ka ng fiance mo. And talking about it, my gosh! Ikakasal ka na in two days!"tili ni Lendon.

"Sino ba'ng pinagseselosan mo, Chan? Yong ex-girlfriend niya?"seryosong tanong ni Aneng.

"Ano ba kayo? Hindi naman ako nagseselos eh. Napaisip lang ako no'n randomly."pagsisinungaling ko. Umirap silang dalawa sa naging sagot ko pero nagkibit-balikat lang ako.

"Hi. Can I share a table with you guys?"

Hindi tuluyang naisubo ni Lendon ang fries samantalang napaubo naman si Anelyn. Alam kong nagulat sila ng sobra-sobra ng marinig ang boses na 'yon. Maging ako... Nanginginig ang buong katawan ko na para bang binuhusan ako ng balde-baldeng yelo. After a few seconds, nagawa kong lumingon at makita ang lalaking alam kong sobrang kong minahal.

Walang babalang tumulo ang luha ko. At ang malinaw lang sa'kin ng sadaling 'yon ay ang tumakbo kaya iyon ang ginawa ko.

"Chan!"tawag ni Isaac na nagpahiling sa'kin ng tahimik na sana nabingi nalang ako. "Chan, kausapin mo 'ko."

Dala narin ng paghikbi ko, napaurong ako mula sa pagtakbo. Naabutan agad ako ni Sac at niyakap ng sobrang higpit.

"Baby, why?"naluluhang tanong niya.

"Sac, umalis ka na lang please."

"Gano'n lang, Chan? Grabe ka. Ba't di mo 'ko hinintay?"

"No'ng gabing 'yon, ginawa ko ang lahat para makausap ka! Pero binlock mo 'ko sa lahat ng account mo! Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag o makausap ka!"sumbat kong patuloy parin sa pag-iyak.

"Kasi may dapat pa bang ipaliwanag, Chan? Malinaw naman 'yong video na nakita ko e."umiiyak na sambit niya.

"Paano kung—paano kung palabas lang pala 'yon? Kung hindi pala sana totoo 'yon? Paano kung 'yon 'yong nangyari? Hinusgahan mo 'ko agad. Hindi mo man lang pinakinggan 'yong panig ko."

"I'm here. Well, baby, let me know now."he whispered while crying. Niyakap niya ulit ako. "Chan-chan, mahal na mahal kita. Alam mo 'yan."

Habang humagulhul sa dibdib niya, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sana Sac, ako naman ang hintayin mo. Sana hindi ka mapapagod na hintayin ako.

"I'm sorry. Kailangan ko ng umalis—"

Nahawakan niya ang kamay ko nang umakma akong tumalikod sa kanya. Walang tigil na pumatak ang luha ko nang lumuhod si Sac sa harapan ko.

"Marry me, baby. Please, ako ulit ang piliin mo."

"Sac, please—"

"Chances, mahal kita! Sobrang sakit ng ginawa mo sa'kin but I choke my pride and came home for you. Please. Baby, please... 'wag mo'ng gawin 'to. Don't leave me."pagmamakaawa niya.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon