Chapter Nineteen: MANLILIGAW

3.4K 64 30
                                    

Anelyn

Ano'ng ibig sabihin niya kanina? Three years isn't a lifetime. Totoo naman 'yon pero bakit niya sinabi 'yon? Gusto ko siyang tanungin kanina pero dumating nalang bigla si Zacc kaya napilitan kaming magpaalam sa isa't isa.

Naglalakad ako palabas ng campus na iniisip parin ang tungkol do'n. Mahaba ang pila para sa sakayan ng jeep at ang mas nakakaasar, hindi ko kasama si Lendon. Walang sisingit ng pila para sa'kin. Ba't nga pala siya nag-absent?

May narinig akong busina ng kotse na sobrang familiar sa'kin. Luminga ako sa paligid hanggang sa mapatingin ako sa kotseng nakaparada sa may unahan ng jeep. Sinisita nga ng mga driver 'yong tao.

"Excuse me mga kuya!"tawag ko sa mga driver na galit sa pagharang ni Sac ng kotse niya. "Aalis na ho kami. Isa kasing foreigner ang kaibigan ko. First time niyang mapunta rito."pagsisinungaling ko para depensehan si Sac.

"Wow. Thanks about that."aniya nang makapasok na kaming pareho sa kotse niya. "Hindi mo na yata ako iniiwasan."

"Hindi naman talaga kita iniwasan."pagkakaila ko.

"Tss. Tinakbuhan mo nga ako nong nakaraang araw."sagot niyang nagpakonsensiya sa'kin. 

Ang tagal ko narin kasing kilala si Sac. Kung papipiliin, mas boto ako sa kanya kaysa kay Zacchary. Ano ba kasing alam ko kay Zacc maliban sa pagiging mayaman at sikat? Mukha namang mabait siya; pero iba si Isaac. Sa kanya, sigurado akong mabait siya.

"May kailangan lang talaga akong habulin no'n."

"Anne, pwede ko bang malaman ang alam mo?"tanong niyang nagpaalala sa'kin sa sinabi kanina ni Chanchan.

"Sac, para na kaming magkapatid ni Chanchan. Minsan nga, hindi na niya kailangang sabihin sa'kin para malaman ko. At dahil sa pagkakaibigan namin, hindi ko siya tinanong tungkol sa'yo. Pero malinaw sa'kin kung bakit Sac."

Napahinto si Sac sa pagmamaneho para tingnan ako. Naghihintay siya sa sasabihin ko.

"Hindi sapat panghawakan ang pangako. Iyon 'yong mali mo. Pinangakuan mo lang 'yong kaibigan ko Sac e. Everybody wants commitment. Lahat ng babae gusto no'n. Kaya nga siguro ng dumating si Zacc sa buhay niya, nagbago lahat. Zacc was there to give her something more than a promise; the commitment my bestfriend once hope she'll have with you."

Hindi ko inasahang makita lumuha siya. Alam kong umiiyak rin ang mga lalaki pero di ko alam na ginagawa rin nila 'yon sa harap ng ibang tao.

"Kaya ko nga 'to ginagawa e. Kasi alam ko 'yong mali ko. And heaven knows how much I wanted to make things right. Anne, I won't stop until I get her back. She was mine and was supposed to be just mine."

"Hindi Sac. Kailangan mo ng itigil 'to. Masasaktan ka lang lalo. And worse, baka masaktan mo narin ang kaibigan ko."

Umiling siya. "Hindi. Hangga't nakikita kong may pagmamahal pa si Chances sa'kin, hindi ko siya susukuan. I saw it in her eyes. She still have left something for me."

Gusto kong tumutol pero alam kong magiging walang kwenta lang din 'yon. Nakikita ko e. Sobrang desidido niyang kunin ang kaibigan ko. And at the back of my head, napapasang-ayon ako sa kanya. Mukhang tama nga naman siya at may pag-asa pa. Kasi parang may mali. Minsan ring nabanggit ni Chanchan ang tungkol sa three years maliban kanina. Kaya aalamin ko lahat.

Gano'n kagulo ang isip ko pero mas naging magulo pa 'yon ng madatnan ko sa kwarto ko si Lendon. Nakasunglasses siya na mala-Daniel Padilla na nagpakunot ng noo ko.

"Ano'ng problema mo? Nag-absent ka pa."sita ko habang isinabit ko ang bag ko sa dingding. "Hoy!"pukaw ko rito ng hindi siya sumagot.

Naasar ako kaya hinablot ko ang suot niyang eyewear. Ayon, tumambad sa'kin ang mata niyang nag-uube ang paligid.

The Stranger's Charade °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon