Maaga ako nagising dahil ginising ako ng maaga ng mga alaga ko. Hindi ko alam kung bakit ako ginising nina Coco at Buster kaya ngayon ay inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog pero tinatamad na ako bumalik sa kama.
Nakatayo ako ngayon sa may pintuan habang umiinom ng kape pero napaubo ako nang may nakita akong familiar na mukha sa akin.
"What are you doing here? Hindi ko alam may stalker pala ako."
"Stalker agad? Hindi ba pwede nakasalubong ko kanina yung kasama mo kagabi sa club at tinanong ko sa kanya kung saan ka nakatira?"
Si Buck talaga. Makakatikim talaga sa akin ang lalaking iyon.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Coco sa pagtatahol. Ngayon pa lang kasi niya nakita ang babaeng ito kaya ganito si Coco.
"Coco, behave." Saway ko sa asawa kong aso. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatago sa likod ng gate. "Huwag ka magaalala mabait na aso si Coco. Hanggang tahol lang ito at hindi nangangagat."
"S-Sure ka?" Pauutal nito. Gusto ko matawa pero pinigilan ko na lang.
"Oo. Ako ang nagalaga kay Coco kaya alam ko ang ugali niya. Makulit at maingay pero mabait at friendly."
Lumabas na rin si Buster at humihikab pa ito sa tabi ni Coco. Mukhang inaantok pa si Buster.
"Oh God! May isa pa."
"Takot ka ba sa aso?"
"H-Hindi naman pero ang laki nila at baka kagatin nila ako bigla. H-Hindi pa nila ako kilala."
"Hindi iyan. Subukan mo silang hawakan."
Lumalapit na siya sa dalawang aso pero nanginginig siyang nilalapit ang kamay sa ulo ni Coco. Nang nakalapit na niya ang kamay niya ay walang imik si Coco dahil iyon ang gusto nila pareho ni Buster, minsan papakamot sa may tyan nila.
"See? Hindi ka niya kinagat dahil walang imik si Coco kasi gusto niyang hinahawakan siya sa ulo, minsan papakamot sa tyan."
Nakita kong dinidilaan na ni Coco ang palad nito.
"Bakit pala ang aga mo yata nagising?" Tanong nito sa akin.
"Dahil ginising ako ng dalawa konh alaga. Hindi ko alam kung bakit. Ikaw?"
"Maaga talaga ako nagigising katulad ng manok." Tumango lang ako sa kanya at umiinom ulit ako ng kape. "Wala ka bang pasok ngayon?"
"Meron. Maaga pa naman kaya hindi pa ako kumikilos."
"May oras ka pa naman kaya ilakad natin yung dalawa mong aso."
Tumingin ako sa dalawa kong aso dahil nakatingin sila sa akin as if naiintindihan nila ang sinasabi ni Kristine.
"Sure. Pagpawala na rin siguro ng antok." Ngumiti ako sa kanya bago kinuha ang leash nina Coco at Buster.
Hindi rin naman masama kung magalakad lakad sa umaga. Exercise na rin ito.
"Ano pala work mo?" Tanong nito. Kahapon lang kami nagkakilala pero ang dami na agad tanong sa akin. Hindi ko alam may question and answer portion pala ngayong umaga.
"Isa akong programmer sa isang game company." Sagot ko.
"Programmer? Hindi ba sobrang hirap noon?"
"Yes, kaya nga palagi sumasakit ang ulo ko tuwing umuuwi ako sa bahay."
"So, magisa ka lang ba sa bahay mo? Baka magalit ang girlfriend o--" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil tiningnan ko siya ng masama kaya agad siya nag-peace sign sa akin. "Sorry, wala ka nga pa lang interest sa mga babae kasi lalaki--"

BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...