3 months later...
Sa loob ng tatlong buwan ay sobrang busy ko at tatlong buwan rin ay palagi kong tinatanggihan ang imbitasyon ni Buck para sa gimmick namin sa mga club. Gusto ko inabala ang sarili ko sa trabaho kaysa sa ibang bagay.
Nag-unat ako ng katawan dahil sumasakit na at minamasahe ko pa ang balikat ko.
Gusto nga ng boss ko ma-promote ako pero tinatanggihan ko dahil gusto ko ang trabaho ko. May iba pang empleyado na deserving ang maging head director kumpara sa akin.
"Kuya!" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Lucy kaya kumunot ang noo ko.
"Little angel, ano ang gingawa mo rito?" Napapatingin ako sa ibang kasamahan ko dahil nakatingin na sila sa akin at tiningnan ko ulit si Lucy. "Sino kasama mo?"
"Si mommy pero kausap ni mommy si daddy sa phone kaya nauna na ako sa kanya." Tumango ako sa kanya, pero napaisip ako kung paano nalaman ng kapatid ko kung saan ang opisina ko.
Naging tagumpay naman ang operasyon niya at mga dalawang buwan lang siya sa ospital pagkatapos ng operasyon dahil inaaway na niya si Aizen kasi gusto na niya umuwi sa bahay. Kaya yung kaibigan ko ay walang magawa kaya pinayagan na siya umuwi.
"Kuya, kumain ka na po ba?" Tumingin ulit ako sa kapatid ko na ngayo'y nakaupo na siya sa tabi ko. "Nangayayat na po kayo."
Hindi na rin kasi masyado nakakain ng maayos kaya laki ng nabawas na weight sa akin sa loob ng tatlong buwan.
"Don't worry about me. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo dahil hindi pa pwedeng mapagod. Kailangan mo pang magpahinga, Lucy."
"Pero bored na ako sa bahay." Lumabi na itong kapatid ko. Hindi na niya kailangan gawin iyan dahil cute na siya.
"Okay. Hintayin na lang natin si mama para kumain na rin tayo lunch." Tumango ang kapatid ko kaya bumalik na ako sa trabaho. Mabait naman si Lucy kaya hindi siya nanggugulo sa akin habang nagtatrabaho.
"Hi, son." Tumingala ako sa narinig ko. Si mama. "Sorry kung natagalan ako kasi ang dad niyo..."
"No, ma. It's okay."
"Hindi ka ba ginugulo ng kapatid mo?" Mabilis akong umiling at ngumiti kay mama.
Shinut down ko na ang computer ko at inayos ko na muna ang mga gamit ko sa desk bago tumayo.
"Let's eat." Pagalok ko sa kanilang dalawa kaya tumayo na rin si Lucy sa kinauupuan niya.
Nandito kami ngayon sa malapit na restaurant para kumain ng lunch.
"Musta ka naman, Luca?"
"Ayos lang po ako. Masyado nga lang busy sa trabaho." Sagot ko sabay subo sa kinakain ko.
"Masyaso ka na ngang busy sana naman hindi mo pinapabayaan ang sarili mo. Tingnan mo nga nangayayat ka na. Kumakain ka ba sa oras?" Ngumiti lang ako kay mama dahil alam kong nagaalala siya sa akin. Hindi na nga ako sumasabak sa mga gulo dahil wala na rin naman ang gagamot sa sugat ko. "Anyway, why I haven't seen the girl you brought last time noong unang beses ka bumisita kay Lucy?"
Hindi ko tuloy alam ano ang isasagot ko kay mama ngayon.
"Ma, bakit ba po kailangan? Hindi ko naman po siya girlfriend para palagi ko siya kasama araw-araw."
Ang totoo niyan miss ko na si Kristine dahil tatlong buwan na rin noong huling pagkikita namin.
Heto naman ang ginusto mo, diba? Ang hindi na siya lumapit sayo para hindi siya mapahamak sa mga gulo napapasok mo.
"I like her for you, son." Ngumiti ako kay mama.
"Oo nga, kuya. Gusto ko rin siya para sayo." Ginulo ko naman ang buhok ni Lucy.
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomansaLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...