Chapter 7

829 27 0
                                        

Pagkarating ko doon ay mukhang sarado pa sila. Ang akala ko pa mas nauuna pa siyang nagigising sa manok. Pero nakita ko ang pagbukas ng pinto ng bahay nila.

"Luca?!" Nagulat pa siya pagkakita niya sa akin.

"Busy ka ba? Uuwi na lang ako." Sabi ko sa kanya.

"H-Hindi naman." Lumapit siya sa akin at napasinghap. "Ano nangyari sa mukha mo?"

"Wala lang ito. Napaaway lang ako sa may kanto."

"Ang hilig mo talaga pumasok sa gulo. Sayang ang gwapo mong mukha kung puro galos lang din naman." Hinila niya ako papasok sa bahay nila. "Maupo ka na muna at gagamutin ko iyang galos mo."

Nang nakabalik na siya may dalang first aid kit ay umupo na siya sa tabi ko para gamutin ang galos sa mukha ko.

"Ow. Dahan-dahan naman."

"Ang angas mo sa labanan pero sa gamot ay takot ka." Tuloy pa rin siya sa paggagamot sa sugat at galos.

"Magkakagusto ka sa isang lalaki na katulad ko?"

What the fuck! Why I ask that kind of a question all of a sudden?!

Napatingil siya sa paggaamot at tumingin sa akin.

"May soft side kang tinatago pero hindi mo pinapakita sa ibang tao iyon. Kaya walang babae ang magkakagusto sayo kapag nakita nila ang other self mo."

Hindi ko alam kung bakit iyon tinanong. I think I'm in love? No, impossible. I don't believe in love since then.

"Bakit mo pala natanong ang tungkol doon?"

"Hindi ko rin alam. Bigla na lang lumabas sa bibig ko."

"Ang weird mo pala, Luca." Natatawang wika nito at niligpit na niya yung first aid kit. "Tapos ko ng gamutin ang sugat at galos mo."

"Salamat."

"Anong salamat? May bayad ang paggagamot ko sayo."

"Oh. Magkano ba?"

"Libre mo na lang ako ng ice cream." Napakurap ako sa sinabi niya at napangiti ako.

"You're weird too." Tumayo na ako sa pagkaupo. "Okay. Tara. May alam akong ice cream parlor na malapit lang rito."

Pagkarating sa ice cream parlor ay ang daming pila.

"Musta na pala ang kapatid mo?"

"Ooperahan na siya bukas para hindi na mahirapan pa ang kapatid ko."

"That's good. Magiging normal na ang buhay niya pagkatapos ng operasyon niya bukas."

"Ako ang gagastos sa operasyon ni Lucy dahil ayaw ng ama namin gastusan ang operasyon niya. Ayaw niyang gumaling si Lucy."

"Grabe naman. May ganoon pa lang ama. Pero ang ama mo ba ang may gawa niyan sayo." Tumingin lang ako sa kanya. "Tama ba ako?"

"Ayaw ko lang pagusapan."

Nang turn na namin ay nakatingin lang ako sa mga flavor ng ice cream.

"Ano pala ang gusto mong ice cream?" Tanong ko sa kanya.

"Choco mint na lang."

"Isang choco mint at isang... Um, mango na lang siguro." Sabi ko sa vendor kaya kumuha na siya ng flavor na sinabi ko kanina at nilagay sa cup.

Pagkabigay sa amin ng ice cream ay binayaran ko na rin agad at lumabas na kami sa ice cream parlor.

"Saan ang gusto mong pumunta?"

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon