When I met a girl during my high school days ay ang akala ko siya na ang babae para sa akin pero hindi pala. Sabagay, sino bang pamilya ang may gusto magkaroon ng boyfriend ng anak nilang babae? Siyempre wala dahil unang una, isa akong gago pangalawa, palagi akonv pumapasok sa gulo at ang huli hindi seryoso o pumapasok sa isang relasyon.
But believe or not isa akong successful programmer sa isang sikat na game company. Dating pinapasukan ko ay ordinaryong kumpanya lang pero umalis na rin ako doon dahil naalala ko sa kumpanyang iyon ang first love ko kahit hindi naman siya doon nagtatrabaho.
Dahil gabi na ay dumeretso na ako sa business kong bar pero inikot ko ang mga mata ko noong makita ang dalawanv kumag kong kaibigan.
"Okay, then. What are you doing here?" Medyo naiinis yung boses ko pero hindi ko pinapahalata sa dalawang ito.
"Nageenjoy lang naman kami ni Buck dahil hanggang ngayon ay single pa rin kami." Sabi ni Chuck na lasing na rin. Ilang bote na ba ng alak ang nilagok nito? At parang may masakit nakaraan kaya naglalasing ngayon.
"Huwag mo ko idamay diyan, Chuck. Ikaw lang naman ang may gusto magenjoy. Naka limang shot ka na ngayon." Tumatawa pa itong si Buck.
"Parang sawi ka sa pagibig ah." Pabiro ko kay Chuck kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit napapadalas ang punta ni Chuck rito pero tiningnan lang niya ako. "What? Bakit ganyan ka makatingin?"
"Dude, hindi mo ba alam may gusto ang kaibigan natin sa half sister ni Aizen."
"Alam ko na iyan dahil sinabi na sa akin ni Chuck dati." Ang pagkaalam ko sinabihan na siya ni Aizen na lumayo kay Nika dahil off limit daw ang half sister niya. Overprotective brother. Sabagay, noong akala niyang step sister niya si Aya ay sobra pa ang pagiging protective kay Aya, eh. Yun pala may something ang dalawa na hindi man lang namin alam na tatlo. Tinago kasi sa amin ni Aizen tungkol sa relasyon nila ni Aya. Hindi kami mapaghusgang tatlo sa kaibigan dahil totoo at tapat kami sa mga kaibigan namin. Kahit anong mangyari ay sinusuportahan namin ang isa't isa. "Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Nika, pre?"
Isang taon na rin kasi noong huling bisita ni Chuck rito dahil ang balita ko ay project daw ito ginagawa kasama si Buck sa Baguio kaya isang taon ko hindi nakasama ang dalawa. Tapos isang araw ay naaksidente kong nakita si Nika sa bakery na may kasamang bata, anak daw niya iyong kasama niya at hindi lang iyon dahil nakikita ko sa batang iyon si Chuck.
"Nakausap na dahil bumisita siya sa bahay ko. Ang kapal nga ng mukha pumasok sa bahay ng my bahay at magpakita sa akin pagkatapos niya akong iwanan ng isang taon." Umorder na naman ito ng maiinom kahit inaawat na namin siya ni Buck pero ayaw magpaawat. Lasing na, eh. Ganoon kamahal ng kaibigan ko si Nika kaya siya nasasaktan hanggang ngayon.
"Bwesit naman kasi ito puso, eh. Titibok na lang sa maling babae pa." Pinaghahampas niya ang kanyang didib pero maya maya ay ginugulo na niya ang kanyang buhok. "Fuck this life!"
Tumingin ako kay Buck para maiuwi na niya si Chuck sa bahay nito. Lasing na talaga.
"Buck, i-uwi mo na si Chuck ngayon. Lasing na ang kaibigan natin."
"Hindi pa ako lasing kaya hindi pa ako uuwi sa bahay. Sa tuwing umuuwi ako naalala ko ang lahat." Kumunot ang noo ko sa sinasabi nito.
"Naalala ang lahat?" Tanong ko sa kanya. Dahil kapag lasing ay kung anu-ano ang pinagsasabi at minsan hindi nila alam naikukwento na nila ang nangyari sa kanila noon na dapat walang nakakaalam. Kaya nga iniiwasan ko na ang maglasing. "May nangyari sa amin."
"I know that. Kaya nga nagkaroon ng bunga, eh." Sabi ko sa kanya at tumingin ako kay Buck. Mukhang may alam na rin siya sa pagkakaroon ng anak ni Chuck.
"Sa tingin niyo ba kailangan kong suportahan ang bata?"
"Tanga ka ba? Malamang kailangan mo suportahan yung bata dahil anak mo rin yun." Sagot ni Buck. Sa kanya pa nanggaling iyon ah. Sabagay may dalawang bata siyang inaalagaan at tinuring na niyang tunay na anak ang dalawang anak ng kapatid niya.
"May outing dahil nagyaya si Aizen. Sasama ka ba, Chuck?" Tanong ko sa kanya pero sa baso pa rin siya nakatingin.
"Nope. Ang balita ko kasi kasama rin siya sa outing. Ang bata lang ang susuportahan ko, hindi ang nanay kaya iiwasan ko siya."
"Paano mo naman iiwasan si Nika kung madalas mong kasama si Patrick?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ewan ko. Bahala na kung ano ang mangyayari." Tumingin naman ito sa gawi ni Buck. "Nakita ko kasama niya yung kliyente mo ah. Mukhang may relasyon silang dalawa."
"Si Cyrus Jimenez?"
"May naging kliyente ka ba na kilala ko?"
"Wala na. Maliban na lang sa kanya."
"Nagdedate ang dalawa kasama si Patrick. Takte! Saan ka ba nakikitang date kasama ang anak?! Sarap bugbugin ang mukha ng lalaking iyon. Tapos hindi nila alam nawawala na pala si Patrick kung hindi lang lumapit sa akin yung bata ay hayayaan ko na lang siya umiyak kakahanap sa bata." Kwento niya sa amin. Ayaw man aminin sa amin ni Chuck ay alam kong concern siya kay Nika hindi dahil ina ito ng anak niya pero mahal pa rin niya ito. Hindi naman magiging ganito ito kung hindi. Selosong boyfriend lang?
Nagpaalam na ako sa kanila dahil may aasikasuhin pa ako sa loob.
Noong magsarado na yung bar ko ay mabuti na lang naisipan na ni Chuck umuwi na.
Habang naglalakad ako pauwi dahil malapit lang naman ang tirahan ko sa bar ay may nabangga akong babae. Nasalo ko siya bago pa siya mapaupo sa semento.
"Miss, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siy sa akin.
"Salamat pero nagmamadali na ako." Sabi nito at naglalakad ng mabilis palayo sa akin. Ang ganda niyang babae pero mukhang malungkot.
Mabilis akong umiling.
Ano ba itong iniisip ko? Simulang kinasal si Callie ay hindi ka na nagkakagusto sa ibang babae, Luca. Umayos ka! Kung ayaw mong masaktan ulit.
Si Callie lang naman ang babaeng minahal ko pero nagparaya ako dahil nakikita kong masaya siya sa tuwing kasama si Alex. Kung ako ang nakatuluyan niya ay baka hindi ko magawa ang katulad nang ginagawa ni Alex sa kanya. Hindi ko rin naman masisi si Alex dahil mabait siyang tao kaya wala akong laban sa kabaitan niya. Sa angas pwede pa ako manalo pero sa kabaitan malabo.
~~~~
Alam kong kanta yung title ng story ko haha
And ms. osoteo26 salamat dahil maging bahagi ka ng kwento and of course welcome :)
Konti pa lang ang part mo pero sa susunod na chapters dadami na.
-Skye
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...