Chapter 8

840 27 1
                                    

Naglalakad kami ni Kristine papunta sa sakayan ng taxi para makauwi siya ng ligtas sa kanila pero hinakawan ko ang kamay niya para huminto sa paglalakad.

"Bakit, Luca?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.

God! Ano ba iyong ginagawa ko?

Nagulat na lang ako noong tumugon siya ng halik sa akin.

Pero humiwalay rin ako sa kanya agad nang narealize kong hindi tamang halikan siya. Ni hindi ko nga siya girlfriend.

"Sorry." Nauna na ako sa kanya maglakad hanggang nakarating na kami sa sakayan ng taxi.

Ang dami yata uuwi ngayon ah.

Napatingin ako sa kamay namin dahil ginawakan niya ang kamay ko bago sa kanya.

"B-Bakit mo ko hinalikan kanina?"

"Sorry kung hinalikan kita kanina. Wala naman tayong relasyon."

"Ayos lang. Hindi naman ako galit sayo kahit ninakaw mo ang first kiss ko." Napanganga ako sa gulat dahil first kiss niya iyon.

"Oh Gosh! I'm not the right guy for you, Kristine. I'm really sorry."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I will cause much trouble... Ang sabi ng ibang tao ay may sumpa ako dahil kahit saan ako pumunta ay may gulo nagaganap. I don't want to put you in any trouble kaya mas mabuti na ito ang huling pagkikita." Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "I'm sorry."

Hindi ko na hinintay ang gusto niyang sabihin sa akin dahil umalis pero bigla kong naalala wala pala siyang pera pangbayad sa taxi.

"Oh shit!" Bumalik ako sa sakayan pero wala na si Kristine doon sa pila. "Excuse me... Yung babae dito kanina nasaan siya?"

"Umalis na siya." Sagot ng isang babae sa akin kaya agad ko siya hinahanap.

Damn! Nasaan na ba ang babaeng iyon?

Hindi ko pa naman alam ang contact number niya pero ang alam ko lang kung saan siya nakatira.

Habang hinahanap ko si Kristine ay napadpad ako sa park kung saan ako madalas dinadala ang mga alaga ko. Until I saw someone familiar who sitting on the bench. Kaya lumapit na ako sa kanya at inangat naman niya ang kanyang ulo para tingnan ako.

"Ano ang ginagawa mo rito? Akala ko ba mapapahamak ako kapag kasama kita."

"Nakalimutan kong wala kang pera para pangbayad."

Mabilis siyang umiling at ngumiti siya ng pilit sa akin.

"Ayos lang. Hihintayin ko na lang ang pagdating ni papa dahil tinawagan ko na siya kanina at susunduin na niya ako. Kaya wala kang ipagalala dahil makakauwi ako sa amin ng ligtas."

Bakit nakaramdam ako ng guilt?

Umupo ako sa tabi niya.

"I won't leave you until your father came. After this hindi na talaga, back to our normal life like a stranger."

Hindi naman katagalan ay dumating na ang papa ni Kristine kaya umalis na rin ako agad sa park na hindi man lang nagpaalam sa kanya.

Kinabukasan...

Maaga ako pumunta sa ospital dahil maaga ang operasyon ni Lucy at hindi nga ako masyado nakatulog kagabi.

"Pre, ikaw na bahala sa kapatid ko." Tumango sa akin si Aizen bago pumasok sa loob ng OR.

Ilang oras rin ako naghintay dito sa labas ng OR pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Aizen kahit si mama ay wala rin dito sa ospital ngayon.

Tiningnan ko ang relos ko dahil halos tatlong oras na pala ako naghihintay para matapos ang operasyon ni Lucy.

"Luca..." Tumingin ako sa nagtawag sa akin. Si Buck kasama si Chuck.

"Wala pa rin ba?" Tanong ni Chuck sa akin.

"Hindi pa rin lumalabas si Aizen sa loob." Sagot ko.

Yumuko ako at pinikit ko ang mga mata ko para magdasal kahit hindi ko ito madalas ginagawa. Para sa kapatid ko.

"May problema ba?" Napatingin ako kay Buck nang tanungin niya ako.

"Wala naman. Bakit?"

"Ang tahimik mo kasi ngayon, Luca. Hindi lang ako sanay pero hindi ko naman sinabing maingay ka."

"Kinakabahan lang ako para sa kapatid ko."

"Parang hindi iyon ang nakikita ko ngayon." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Buck. "Dahil ba sa babaeng nakilala mo noong sa club?"

"Sinong babae? Club? Bakit hindi niyo inimbitahan na pupunta pala kayo ng club?" Sunod-sunod na tanong ni Chuck. Wala pala nga siya noong pumunta kami ni Buck sa club noong gabing iyon dahil may atraso si Chuck sa kanya.

"Gago ka ba? Pagkatapos mo ko sinukahan noong isang gabi tapos gusto mo sumama sa amin sa club." Namilog ang mga mata ni Chuck sa kanyang narinig.

"Sinukahan kita? Fuck, sorry."

"Kalimutan mo na lang iyon." Tumingin ulit si Buck sa akin. "Mahal mo, no?"

"Mahal agad?" Baliw talaga itong si Buck kahit kailan.

Mahal ko na ba?

"Palagi ako pumupunta sa bahay mo pero palagi ka naman wala doon. Alam ko naman maaga kang umaalis sa trabaho mo. Tell us, dude."

"Kahapon lang ang huling pagsasama namin ni Kristine. Huwag niyong gawan ng malisya kung bakit kami magkasama na dalawa."

"Huling pagkikita? As in hindi na kayo magkikita ulit?" Tanong ni Buck.

"Hindi na. Ayaw kong mapahamak siya nang dahil sa akin. Alam niyo naman kung nasaan ako ay may gulong nagaganap."

"Naniniwala ka sa sumpa na meron ka? Luca, sa tagal na natin magkakilala pero ni minsan hindi ko iniisip ang bagay na iyan." Sabi ni Chuck at tumango naman si Buck bilang pagsasang ayon niya.

"Pero mga pare alam niyo rin naman minsan lang magtiwala si Lucy sa ibang tao pero noong nakita niya si Kristine ay kitang kita sa mukha ng kapatid ko ang saya at tinutukso pa ako."

"Baka naman gusto ng kapatid mo yung babae nakilala mo para sayo. Pero ano ang nararamdaman mo para sa kanya?" Tiningnan ko lang si Chuck. Ano ba talaga ang nararamdaman ko?

"Hindi ko alam. Hindi pa ako handan pumasok sa isang relasyon dahil si Lucy ang priority ko ngayon. My little sister needs me."

"Aw... Si Aizen may Aya, si Alex may Callie, si Chuck may Nika at ikaw may Kristine tapos ako zero. Itlog." Lumabi pa itong si Buck. Hindi bagay!

"Sino naman nagsabi sayo na may Nika ako? Hindi kami dahil walang kami. Huwag matigas ang ulo, Buck."

"Okay, okay wala kayo. Kaya tayong dalawa na lang single sa grupo."

"Single rin naman ako ah." Sabi ko kay Buck bago tumingin kay Chuck. "Pero may anak ka na sa kanya."

"Pero hindi na aso ang mabubuntis ni Luca." At pumapalaklak pa ang gago.

"Aso? Paano naman makakabuntis ng aso si Luca?" Takang tanong ni Chuck.

"Ewan ko ba diyan sa kaibigan natin."

"Si Coco kasi palagi kasama ni Luca baka magulat na lang ay mabuntis niya ang Coco ko."

"Gago. May Buster siyang kasama sa bahay. Si Buster ang ama ng mga tuta."

"Nga pala, napapansin ko lang ay ang daming band aid sa mukha mo ngayon." Napatingin ako kay Chuck.

"Napaaway lang ako kahapon."

"Let me guess, si Kristine ang naggamot ng sugat mo." Napamgiti ako sa sinabi ni Buck. "In love na itong kaibigan natin, Chuck."

"Oo nga. Nakakaamoy na ako ng love life ni Luca ngayon."

"Mga baliw."

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon