Nagarkila ng van si Aizen para isang sasakyan lang ang dadalhin papunta sa Palawan.
Okay, kami lang ang walang anak rito dahil ang kasama ko ay may mga anak na.
"Gaano na kayo katagal?" Tanong ni Aya sa amin.
"Wifey..."
"What?"
"Wala. Ang ganda mo kasi."
"Bolero mo, hubby. Magmaneho ka na nga lang diyan."
"Yes, ma'am."
Tumingin ulit sa amin si Aya dahil nakaupo siya sa passenger's seat at si Aizen ang nagmamaneho ng van.
"Gaano na kayo katagal?" Tanong ulit ni Aya sa amin.
"Magiisang buwan na kami." Sagot ko sa kanya.
"Akalain niyo iyon makakahanap ng mamahalin si Luca pagkatapos ng pageemote niya noong kinasal si Callie kay Alex."
"Hoy, Aizen! Kailan ako nag emote?!"
Sira ulo itong kaibigan ko. Ni minsan ay hindi ako nag emote noong kinasal si Callie kay Alex.
"Naging kayo ba ni Callie, Luca." Bulong sa akin si Kristine kaya mabilis akong umiling.
"Nope, hindi ko naging girlfriend si Callie dahil ayaw sa akin ng kakambal niya. Ni hindi nga ako makalapit sa kanya kapag nasa paligid si Caleb.." Bulong kong sagot sa kanya.
Nang nakarating na kami sa Palawan ay dumeretso na kami sa resort sa may El Nido.
"Hey, bakit share kami sa isang kwarto? Hindi naman katulad niyo na kasal na." Napakamot ako ng ulo dahil isang susi lang ng magiging kwarto ang binigay ni Aizen para sa amin ni Kristine.
"Oo nga pala. Sorry."
"Zen, ano ang balak mo? May gusto ka yata binabalak kila Luca at Kristine." May pangaasa sa boses ni Aya.
"Wala akong balak. Nawala lang sa isip ko. Kakausapin ko na lang ulit yung receptionist kung may available pang kwarto." Naglakad na si Aizen papunta sa receptionist.
"Baliw talaga iyang asawa mo, Aya."
"Yeah, I know. Mauna na kami sa kwarto namin dahil pagod na yung mga bata" Tumingin sa akin si Aya kaya tumango ako sa kanya.
Nakita kong bumalik na sa direksyon namin si Aizen.
"Sorry, wala ng available na kwarto ngayon pero nagpalagay na lang ako ng isang kama sa kwarto niyo." Tinapik niya ang balikat ko bago umalis.
"Sira talaga ang lalaking iyon." Bulong ko sa sarili bago tumingin kay Kristine. "Let's go. Alam kong napagod ka sa biyahe kanina kaya pahinga na rin tayo."
Pagkapasok namin sa kwarto ay may dalawang kama na rito kaya nilapag ko sa sahig ang gamit namin para magpahinga na.
"Dito na ako sa isang kama matulog." Humiga na siya sa isang kama.
Kinabukasan...
Nakapaligo na rin ako kaya lumabas na sa kwarto pero nakasalabong ko si Callie sa lobby.
"Luca, nakita mo ba si Alex?"
"Hindi pa. Baka lumabas lang iyon para magpahingin."
"Wala rin kasi yung kambal sa kwarto namin."
"Baka kasama ni Alex at pumasyal. Samahan na lang kita hanapin ang asawa mo."
"Salamat."
Lumabas na kami ni Callie sa resort para hanapin ang nawawalang si Alex at ang kambal nila.
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...