Chapter 17

837 28 0
                                    

Bandang hapon ay nagkayayaan sila Aizen na magswimming sa beach kaya sumama na rin kami dahil naudlot ang swimming ni Kristine kahapon. Pinagselos rin niya ako, eh.

"Hindi ba sabi ko huwag kang magsusuot ng two piece?" May inis sa boses ko.

"Wala ako magagawa dahil ito lang ang dala kong swimsuit."

"Bawal ka magswimming kung iyan ang susuotin mo. Mas okay sana kung private beach ang pinuntahan natin pero hindi."

"Fine. Magsusuot na lang ako ng shirt." Bumalik siya sa loob ng banyo at padabog sinarado ang pinto.

May narinig akong katok sa pinto.

"Ang tagal niyo naman. Baka may ginagawa na kayong milagro diyan." Sabi ni Aizen sa labas ng kwarto namin.

"Gago! Huwag mo ko gayahin sayo nauna ang honeymoon kaysa kasal niyo ni Aya!" Narinig ko ang pagtawa ni Aizen.

"Ganoon talaga kapag nagmamahalan. Una honeymoon." Inikot ko ang mga mata ko dahil sobrang baliw na ng kaibigan ko. Dalhin ko kaya ito sa mental at sabihin na lang kay Aya dalawin na lang niya si Aizen sa mental.

"Susunod na lang kami ni Kristine."

Nakita ko si Kristine lumabas na sa banyo pero nakasimangot at lumapit ako sa kanya.

"Ayaw ko sayo!"

Ouch!

"Ayaw ko lang naman na may mapatay akong lalaki dahil tinig na tinig sila sayo. Akin lang iyang katawan mo."

"T-Tumigil ka, Luca." Inirapan na niya ako pero nakita ko ang pagpupula ng mukha niya. Napangiti na lang ako.

"Kung pwede nga lang huwag na tayo magswimming sa beach pero hindi, eh naghihintay yung iba sa atin."

"Gusto ko magswimming. Pinigilan mo ko kahapon."

"Dahil nagselos ako kahapon."

Pagkarating namin sa beach ay nakita ko agad si Eizen nakaupo sa buhangin habang gumagawa ng sand castle.

"Eizen." Tawag ko sa kanya kaya napalingon ang bata sa akin. "Nasaan sila?"

"Doon po." Tinuro niya kung nasaan sila Aizen.

"Okay. Thank you."

Pumunta na kami ni Kristine kung nasaan yung iba at may hawak na bola pang beach volleyball si Aizen.

"Hubby, pang beach volleyball iyan hindi pang basketball ah."

"Alam ko naman, wifey."

"Ano ang gagawin natin? Maglalaro ng beach volleyball?" Tanong ko sa kanila.

"Yep. Boys vs girls ang labanan. Alam ko naman mahina sa sports si Aya." Pang aasar ni Aizen sa kanyang asawa.

"I hate you, Zen."

"Para masaya naman yung laro kung sino matatalo ay magiging slave." Sabi naman ni Callie.

"Babe.."

"Bakit, babe? Takot ka maging slave ko?"

"Taas ng fighting spirit mo, babe. Baka ikaw pa ang maging slave ko."

"Let see." Ngumisi lang si Callie kay Alex.

Sa kalagitnaan ang laro ay nagulat na lang kaming mga boys dahil nakakalamang sa amin ang mga girls.

"Luca, hindi mo naman sinabi sa amin marunong pala sa volleyball ang girlfriend mo." Sabi ni Aizen sa akin habang nagpupunas ng pawis.

"Hindi ko rin. Pati ako ay nagulat."

Hanggang natapos na yung laro ay natalo kaming mga lalaki. Dahil talo kami ay magiging slave kami ng mga babae hanggat sinabi nila tapos na yung pagiging slave namin.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon