Namdito pa rin kami ni Buck sa club at naguusap ng kung anu-ano...
"Ano ang masasabi mo kay Chuck ngayon?" Biglang tanong niya sa akin.
"Nagkaroon na sana ng love life pero biglang nawala." Sabi ko sabay inom ng vodka.
"Nakakaamoy na rin sana ako ng love life sa kaibigan natin." Nakipag fist bump ako kay Buck dahil pareho kami ng iniisip. "Pero wala ka ba talagang balak?"
"Wala." Mabilis kong sagot.
"Good... Para naman may karamay ako. Wala akong love life rin."
"Ewan ko sayo, pre. Bakit kasi hindi ka maghanap ng babae? Ang dami diyan."
"Hindi kasi ako naghahanap. Naghihintay ako na baka isang araw ay dadating siya para sa akin." Nakangiti lang ito habang nakatingin sa hawak nitong baso.
"Baka sa paghihintay sa mystery girl na iyan ay tumanda ka ng binata."
"Mas gugustuhin ko pa iyan. Busy ako sa trabaho at pagalaga kay Cress habang pumapasok naman si Chase."
"Hmm... Tatanda ka talagang binata."
"Ganoon ka rin naman ah. Wala ka ngang girlfriend, kahit noon dahil wala kayo ni---" Sinapok ko ulit si Buck. "Aray. Quota ka na sa akin, dude."
Sasagot pa sana ako nang may naramdaman akong tao nakatayo sa likuran namin kaya lumingon ako.
"Do you need something, miss?" Nakakunot kong tanong sa babaeng niligtas ko kanina.
"Sana payagan mo kong gamutin ko yung galos nakuha mo kanina." Sabi nito.
"Dude, pumayag ka na. Chicks rin ito."
"Sira ulo ka talaga, arch. James Fernandez." Tiningnan ko ng masama si Buck.
"Wow. Kinumpleto pa talaga ang pangalan ko."
Inirapan ko na lang ang kaibigan ko bago tumingin ulit sa babae.
"Please, mister? Para naman magpasalamat ako ng maayos sayo."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Fine. Para naman tumigil ka na sa pangungulit sa akin, miss." Napangiti siya sa akin, pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong ngumiti siya? Shit. Nakakabakla naman nito.
"Kristine." Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko naman hiningi ang pangalan niya.
"Wala akong balak makpag--" Bigla akong siniko ng katabi ko.
"Ano ka ba, dude? Be gentleman naman."
Gentleman my ass. Ganito ako kahit noon pa kaya nga dinala ako sa Canada noong maliit pa ako baka daw magbago ang ugali ko pero bigo naman sila.
Luca Salvador is still the same... The bad boy na palaging pumapasok sa gulo.
Marami nga nagsasabi may sumpa daw ako dahil kahit saan ako pumunta ay gulong nagaganap. Mukhang tama sila.
"Halika na, mister." Hinawakan niya ang kamay ko pero kumunot ang noo ko noong may naramdaman akong kuryenteng dumaloy.
What the fuck!
"You don't know me yet, miss tapos gusto mong sumama ako sayo."
"As long as magpakilala ka sa akin." Tumingin siya sa akin pero hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.
"Tama naman siya, Luca." Sabi naman itong kasama ko.
"So, pangalan mo pala ay Luca."
"Yes, Luca Salvador ang pangalan ko. Ngayon alam mo na ang pangalan ko."
"Hi, Luca. Nice to meet you." Hinawakan niya ang kamay ko para makipag kamayan. "Ngayon kilala na natin ang isa't isa kaya sumama ka na sa akin para gamutin ko na iyang galos sa pisngi mo."
"Sumama ka na sa kanya, dude. At bago kayo umalis ay mang iwan ka na muna ng pera pangbayad."
Aish...
Nilabas ko ang wallet ko at binigyan ko ng pera si Buck.
"Ayan ang pangbayad sa lahat na ininom ko kanina."
"Hindi mo ba ako ililibre?" Nakatingin lang ito sa pera nasa palad niya.
"Baka gusto mo makalibre ng suntok, pre? Makalimutan kong kababata kita."
"Heto naman! Hindi ka na mabiro." Sabay tingin niya sa babae na kanina pang kumukulit sa akin. "Pagpasyehan mo na itong kaibigan ko ah. Broken hearted lang kasi siya kaya ganyan."
Binatukan ko na muna si Buck bago lumabas sa club na tinatambayan namin.
Sumakay kami pareho sa taxi hanggang nakarating sa isang clinic. Kaninong clinic ito?
"Nandito ka na pala, Kristine." Sabi ng isang matandang lalaki nakasuot siya ng doctor attire. Pero napatingin naman siya sa akin. "Sino naman itong kasama mo?"
"Si Luca po, pa."
"Magandang gabi, sir."
"Gabi na at nagdadala ka ng lalaki dito."
"Pa, dinala ko po siya rito para gamutin ang galos nakuha niya kanina noong niligtas niya ako sa mga lalaking nagbabastos sa akin." Hindi na niya hinintay sumagot ang papa niya dahil hinihila niya ako papunta sa isang sofa. "Maupo ka na muna diyan at kukunin ko lang yung first aid kid."
May magagawa pa ba ako? Nandito na rin naman ako sa clinic kahit ayaw kong sumama sa kanya pero mapilit.
Bumalik na siya dala ang first aid kid, pero ano ito? Bakit biglang huminto ang oras? Ang weird.
Mabilis akong umiling.
Nababaliw ka na, Luca.
"Shit." Napakit ang isang mata ko ng mariin dahil ang hapdi.
"Sorry. Dahan-dahanin ko." Pinahid niya ulit ang galos ko sa mukha. Ngayon ay hindi na mahapdi ang ginagawa niyang paggagamot sa akin.
"Ano ang ginagawa mo sa club na iyon?"
"Nagimbita kasi ang kaibigan ko pero mga isang oras ay bigla na lang siya nawala sa table namin kaya hinanap ko siya."
Ganoon pala ang nangyari...
"Eh, ikaw? Ano naman ang ginagawa mo sa club? Girls hunting katulad ng ginagawa ng mga lalaki sa tuwing pumupunta sila ng club?"
"I'm not that kind of a guy. Siguro nga mukha akong playboy dahil may itsura ako at habulin rin ng chicks pero wala akong interesado sa mga babae."
"Baka naman lalaki ang gusto mo." Sabi niya at nakatingin lang ako sa kanya ng masama.
Tangina naman, oo!
"Hindi ako bakla kaya tumigil ka!" Singhal ko sa kanya. Hindi porket walang interesado sa babae ay lalaki na ang gusto. Psh.
"Patunayan mo nga." Paghahamon nito sa akin. Nilagyan na rin niya nv band aid sa may labi dahil pumutok ito kanina.
"Wala akong papatunayan sayo." Tumayo na ako ng tapos na niyang gamutin ako. "Salamat sa paggamot sa akin kaya uuwi na ako."
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng dalawa kong bantay. Na miss ako nina Coco at Buster. Si Coco nga tumatayo pa para yung dalawang paw niya ay nakapatong sa akin at tumahol saglit.
"Na miss niyo ko agad." Ngumiti ako pero sobrang sakit ng sugat ko sa labi kaya napapikit na lang ako ng nariin.
They both whimpered...
"I'm fine kaya huwag na kayo malungkot." Hinaplos ko ang ulo nila pareho.
Pumunta na ako sa kusina para bigyan na ng dog food ang dalawa kong alaga at binigyan ko na rin ng tubig ang isang bowl nila. Apat ang dog bowl kaya tig dalawa sila.
Ininit ko na yung inulam ko kaninang tanghali at inaayos ko na rin ang mesa para makakain na ako. Nakakalungkot kumain na magisa pero sanay na rin naman ako. Basta kasama ko lang sina Coco at Buster ay masaya na ako.
~~~~
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...