Chapter 20 (Finale)

1.7K 37 1
                                    

Napansin kong lumabi na naman si Buck kaya binatukan ko at hinamas niya ang likod ng ulo niya.

"Bakit ka ba diyan nangbabatok?" May inis sa kanyang boses dahil sa ginawa ko.

"Ang panget. Huwag kang lumabi diyan dahil hindi bagay sayo."

"Ang sama niya! Pero ano pala ang dahilan mo kung bakit mo ko pinapupunta dito sa bahay mo?" Nandito kasi siya ngayon sa bahay ko. Balak ko kasi renovate.

"Gusto ko renovate ng bahay."

"Luca, Luca, architect ako hindi interior designer ah."

"Sa tingin mo ba pinapupunta kita dito kung may kilala akong interior designer? At saka gusto kong renovate ang isang kwarto rito."

"Aling kwarto? Tatlo ang kwarto mo rito, dude."

"The music room and empty space. Ang balak ko kasi tatanggalin ko na yung music room and the other room ay ang guest room."

"Why is wrong with the music room? Paano na yung piano?"

"Dito sa sala na yung piano, tutal iyan lang naman ang laman ng music room. At ang music room ngayon ay magiging kiddie room. Ano sa tingin mo?"

"Okay lang naman ang ideya mo pero paano naman yung tatlong aso?"

"Doon na muna sila sa kwarto ko matuloy habang inaayos yung dalawang kwarto."

Kinuha yung damit na pang aso nasa table.

"What the-- tuxedo?! Sino naman magsusuot nito?"

"Si Mufasa dahil sa kanya lang naman iyan kakasya."

"Bakit ka naman bumili ng damit ni Mufasa? At tuxedo pa talaga." Natatawang saad nito. Pati tuloy ako natawa.

"Hindi ako may gusto niyan. Ang future wife ko, siya ang may sabi na imbitado rin ang tatlong aso sa kasal."

"Seryoso?! Ngayon lang ako nakakitang aso imbitado sa kasal ng amo nila."

"Hey, normal lang iyon dahil Coco, Buster and Mufasa are part of my family."

"Kailan ba ang kasal niyo?"

"Next week na kaya kung matatapos ito agad."

"Ang guest room matatapos agad dahil pwede magpagawa ng kama and may cabinet at ibang gamit naman diyan pero ang isang kwarto hindi."

"Hindi naman ako nagmamadaling matapos agad ang kiddie room dahil wala pa naman kaming anak."

"Okay. Kailan mo gusto magsimula?"

"Bukas sana dahil sa weekend ay kailangan kita."

"Bakit?" Tumingin ito sa akin. "Ano meron sa weekend?"

"Susukatan ka ng tuxedo kasama na sina Alex, Aizen at Hubert."

"Bakit wala si Caleb? Hindi pa rin kayo close?"

"Kahit kailan hindi naman kami close ni Caleb."

"Eh, si Enzo? Sinabihan mo na ba siya na malapit na ang kasal mo?"

"Akala ko ba architect ka? Parang wedding planner ka."

"Beshie, mas magaling pa ako sa mga wedding planner." Natatawa ako dahil naging bakla na si Buck.

"Tigilan mo ko, Buck." Tuloy pa rin ako sa pagtawa dahil sa kalokohan nito. "Kaya siguro walang babaeng nakakainteresado sayo dahil bakla ka."

"Grabe siya. Hindi ako bakla. Gusto lang kita mapatawa."

Saturday...

Pumunta kaming lima sa boutique para sukatan na kami ng tuxedo at pagkatapos kami sukatan ay nagpaalam na sa akin si Hubert dahil kailangan na daw niyang bumalik sa trabaho niya, trabaho sa bahay nila dahil tinutulungan niya ang kanyang asawa.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon