Umalis na muna ako sa ospital dahil ilang araw na akong absent kaya si mama na muna ang magbabantay kay Lucy ngayon. At saka ayaw ko makita si dad dahil hindi maganda ang samahan naming dalawa simulang bumalik ako ng bansa kaya noong grumaduate ako ng college ay umalis na ako sa amin at naghanap ng sariling bahay. Yung una kong bahay ay yung tama lang sa akin pero noong nakakuha na ng dalawa kong kaibigan ang lisensya nila ay naisipan nila gumawa ng kanyang kanya bahay, sinama na ako pati rin nga kila Aizen. Kaya nga yung bahay ko malaki para sa isang tao lang at mabuti na lang may kasama akong dalawang aso.
Humihikab pa ako habang papasok ng kumpanya. Wala pa kasi ako masyadong tulog dahil napapadalas ang pananakit ng dibdib ng kapatid ko.
"Good morning, sir." Bati sa akin ni kuya guard.
"Morning." Bati ko rin at dumeretso na ako sa elevator.
"Mukhang pagod na pagod ka yata, Luca." Tumingin ako sa nagsalita. Si Hubert, isa sa mga empleyado rito.
"Wala pa ako masyadong tulog simulang naospital ang kapatid ko."
"Narinig ko nga kay boss naospital daw kapatid mo. Musta na siya? Ano ba sakit?"
"Heart problem. In born na kasi siya may sakit sa puso."
"Bata pa ba siya?" Tumango ako sa kanya.
"Ang sabi ng kaibigan ko ay kailangan na daw operahan."
"If you need money..."
"Hindi namin kailangan ng pera. May kaya ang pamilya ko at may pera naman ang ama ko, no!"
"Sorry, nawala sa isip ko ang Salvador pala ay mayaman pero hindi naman iisipin dahil dito ka nagtatrabaho."
"Malaki naman ang kinikita ko sa kumpanya. Sobra-sobra pa nga para buhayin ko ang sarili ko at ang dalawa kong alagang aso sa bahay."
Pagkatapos ng trabaho ko ay dumeretso na muna ako sa bakery shop para bilihan ng chocolate cake si Lucy dahil paborito niya ang chocolate cake.
Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ng kapatid ko ay narinig ko ang boses ni dad kaya nagaalanganin akong pumasok sa loob dahil paniguradong sisigawan niya lang ako. Kaya nagpasya na umupo na muna ako pero nakita kong parating si Aizen.
"Oh, bakit hindi ka pumasok sa loob?"
"Nasa loob si dad at ayaw ko makita ni Lucy nagaaway kaming dalawa." Tumingin ako kay Aizen at inabot sa kanya yung box ng cake. "Ikaw na lang ang magbigay sa kapatid ko."
"Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo kaya sige." Kinuha na niya yung box ng cake at tumayo na ako.
"Salamat." Tinapik ko ang balikat niya. "Uuwi na ako. Gusto ko na muna matulog."
Tumango lang ito bago pumasok sa loob ng kwarto ni Lucy kaya umalis na rin ako agad.
Nang nakauwi ako ay sinalubong ako ng dalawa kong aso.
"How's your little sister?" Lumingon ako sa nagsalita. Si Buck at nakadekwatro pa.
"Still the same. Paano mo pala nalaman ang tungkol sa nangyari kay Lucy?"
"Tinawagan ako ni Aizen na sinugod daw noong isang araw si baby Lucy. Ano ang plano niyo?"
"Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong paoperahan na si Lucy pero sa narinig ko kanina na sinabi ng sarili kong ama ay gastos lang ang pagpaopera ng kapatid ko. In other word ayaw niya."
Ayaw ko na rin kasi mahihirapan pa si Lucy kaya napagisip na ako na papaopera na siya para hindi na siya mahirapan pa. Maging normal na siya katulad ng ibang bata.
Umupo na ako sa tabi ni Buck at tumingala sa kisame.
"Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Gusto ko mabuhay ng matagal ang kapatid ko pero ayaw naman ng magaling naming ama."
"Bakit hindi na lang ikaw ang gumastos sa pagpaopera kay baby Lucy? Hindi ba sobra-sobra pa yung kinikita mo buwan buwan? Wala ka naman binubuhay maliban sayo at sa dalawa mong aso." Napatingin ako bigla kay Buck at napaisip. Tama siya. Marami na rin naman akong pera para pwede siyang operahan na hindi ginagamit ang pera ng magaling kong ama.
"You gave me hope. Thanks, Buck." Ngumiti ako sa kaibigan ko.
"Ano ka ba. Ang drama mo, Luca. Hindi bagay sayo." Natatawang wika nito.
Mga ilang linggo na ang nakalipas ay kinausap ko si mama na ako ang gagastos para sa operasyon ni Lucy at pumayag naman siya sa kagustuhan ko dahil iyon rin ang gusto ni mama para maging normal na ang buhay ni Lucy.
"At talagang humingi ka pala ng tulong dito!" Turo sa akin ni dad.
"Tumigil ka na, Gery." Mahinamon na sabi ni mama.
"Kung ayaw niyo gumaling si Lucy, pwes ako gusto kong mabuhay ng matagal ang kapatid ko!" Singit ko sa kanila.
"Aba't sumasagot ka pa!" Sigaw ni dad at sinuntok niya ako sa mukha. "Tandaan mo ito, Luca hindi ka na parte ng pamilyang ito kaya wala kang pakialam kung ano ang naging desisyon ko!"
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Baka mawala sa isip ko na sarili kong ama ang nasa harapan ko at ano pa ang magawa ko. Baka makapatay pa ako wala sa oras.
"Tito, hindi naman yata tama ang ginagawa niyo kahit itakwil niyo pa si Luca sa pamilya niyo ay dugo't laman niyo pa rin ang dunadaloy sa kanya." Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Aizen na seryoso ang mukha kasama rin niya si Alex.
Oo nga pala dito rin pala nagtatrabaho si Alex.
"Labas ka rito! Kaya huwag kang sasabat sa usapan namin."
"Ayaw ko naman pong maging bastos sa inyo.... May kapatid ako kaya naiintindihan ko ang sitwasyon ni Luca." Sabi ni Aizen.
"Naramdaman ko rin ang kalagayan ni Lucy dahil simulang pinangak ako ay may sakit na rin ako sa puso."
"Bahala kayo!" Sigaw ni dad sabay walkout.
"Gery!" Tawag ni mama.
"Salamat, guys."
"Doctor ako, Luca kaya gagawin ko ang lahat na makakaya ko para maging tagumpay ang operasyon. So, kailangan na natin mag-schedule sa operasyon ni Lucy." Tumingin si Aizen kay mama. "Tita, huwag na po kayo magaalala dahil hini ko hahayaan si Lucy."
"Salamat, hijo." Tumango lang si Aizen kay mama.
"Kailan ang operasyon ng kapatid."
"Kung ayos lang bukas na bukas din gaganapin ang operasyon ni Lucy para hindi na siya mahirapan pa."
"Save our little angel." Sabi ko.
"Gagawin ko lahat na makakaya ko para maligtas lang siya. May tiwala sa akin si Lucy kaya may tiwala rin ako sa kanya."
"Luca, kahit hindi naging maganda ang samahan natin noon ay sa tingin ko kailangan mo matulog. Nagmumukha ka ng zombie." Sabi ni Alex kaya napangiti ako.
"Kaibigan rin kita, Alex. At kalimutan na lang natin ang nangyari noon."
Nagpaalam na ako sa kanila na aalis na muna ako. Ang akala nila ay uuwi na ako para matulog pero ang totoo ay may pupuntahan pa ako.
~~~~~
Comment and press ☆ to vote
![](https://img.wattpad.com/cover/153363200-288-k707634.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...