Chapter 18

931 25 0
                                    

Bumalik na rin ako sa trabaho ko dahil na miss ko na ang ginagawa ko sa araw-araw. Isang buwan na ako nasa bahay simulang bumalik ako rito.

"Sobrang na miss ka ni boss." Sabi ni Hubert sa akin. Nakaupo siya ngayon sa harap ng desk ko.

"Sira. Lalaki iyon. Bakit naman ako na miss?"

"Wala kasi yung magaling niyang programmer at correction bakla ang boss natin. Alam ng lahat na empleyado dito ay may type sayo si boss."

"Sorry pero hindi ako pumapatol sa kapwa ko at saka may girlfriend na ako."

"Ouch. Busted agad si boss, wala pa nga." Napailing na lang ako sa kasama ko.

"Wala ka bang gagawin? Baka mapagalitan ka pa kapag nalaman nandito ka."

"Ayos lang iyan. Malakas ka naman sa boss natin. Kaya nga hindi siya naghanap ng ibang empleyado papalit sayo dahil umaasa siyang babalik ka at hindi nga siya nagkamali."

"Balak ko na nga sana mag-resign."

"Hala, bakit naman? Ang laki kaya ng kinikita mo kumpara sa amin."

"Ang balak ko na sana mag-focus na lang ako sa bar ko. Wala na rin naman ako para hindi na ako mukhang zombie nito lalo na't bumalik ako rito."

"Kahit magmukha kang zombie ay gwapo ka pa rin."

"Kung hindi ko lang alam na may asawa ka na baka isipin kong nababakla ka rin sa akin." Pabiro ko kay Hubert.

"Baliw ito." Natatawang saad nito.

Napatingin ako sa relos ko dahil lunch break na pala kaya pumunta ako sa opisina ng boss namin dahil kailangan ko siyang kausapin tungkol sa pagre-resign ko.

"Hi, boss."

"Oh, mr. Salvador. Ano ang maitutulong ko sayo ngayon?" Tanong nito. Kahit rin naman ako ay alam kong bakla niya pero hindi mo maiisip na isa pa lang bakla ang boss namin.

"Gusto ko lang pong sabihin sa inyo ang tungkol sa pagre-resign ko."

"Pagre-resign mo?" Kunot noo itong nakatitig sa akin. "Kulang pa ang binibigay kong sweldo sayo?"

Parang sinasabi niya na mahirap lang ako kaya hindi ako pumayag noon sa promotion.

"No, sir. Sobra-sobra pa nga yung sweldo ko buwan-buwan pero kailangan ko na rin umalis dahil nakakahiya na rin. Tatlong taon na ako wala sa trabaho tapos tatanggapin niyo ulit ako."

"You know the rules, mr. Salvador. Hindi ko pwedeng tanggihan ang mga empleyado ko na gustong umalis."

"Maraming salamat, boss."

Kaninang umaga ay tinatapos ko na ang ginagawa ko habang kinakausap ako ni Hubert para ngayon ay aalis na ako.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko sinagot kahit hindi ko pa tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Luca, pwede ba tayo magkita?" Napangiti ko nang marinig ang boses ng babaeng pinakamamahal ko.

"Sure. Pupuntahan kita diyan sa inyo. Hintayin mo lang ako."

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Nagresign na ako sa trabaho kanina dahil gusto ko mag-focus na lang ako sa bar."

Pagkarating ko sa bahay nila Kristine ay sinalubong niya ako ng yakap.

"Nagkikita naman tayo araw-araw ah. Parang sobrang miss mo na ako."

"Pasok ka na muna. May gusto lang kasi akong sasabihin sayo kaya pinapunta kita rito." Pag aya niya sa akin kaya pumasok na ako sa loob ng bahay nila

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon