Chapter 19

962 31 0
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Kristine sa may ospital dahil dinala ko na siya agad rito ng dinugo siya. Kausap ko na ngayon ang doctor.

"Doc, musta na siya?"

"She's fine pero kailangan niya ng bed rest dahil sa nangyari kanina."

"Ang bata sa sinapupunan namin?"

"I'm sorry, mr. Salvador pero hindi malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan niya kaya namatay agad." Sabi nito. Nagtiim ang panga ko sa galit. Hindi ko makapaniwalang wala na yung anak namin. Ni hindi ko man lang nakarga.

Umalis na yung doctor kaya bumalik na sa ako sa loob at umupo sa silya.

Hindi ko kayang wala akong ginagawa rito kaya humanta sa akin ang matadang iyon. Kahit umabot pa kami sa korte.

Paalis na sana ako ng nay humawak sa kamay ko kaya napalingon ako.

"K-Kris." Lumuhod ako sa tabi ng kama at hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Musta ang pakiramdam mo?"

"Hindi ko alam, Luca... pakiramdam ko parang may kulang sa akin. Yung bata?"

Hindi ako sumagot nang tanungin niya ako tungkol sa bata. Ano sasabihin ko?

"Luca..."

"Hindi nakaligtas yung bata sa sinapupunan mo. Ang sabi ng doctor kanina ay hindi malakas ang kapit niya kaya nalaglag."

Narinig kong paghikbi ni Kristine kaya pinahid ko na ang luha niya.

"S-Sorry, Luca..."

"Shh... Hindi kita sinisi sa nangyari."

"Pero kasalanan ko kung bakit nawala ang anak natin."

"Shh... Stop saying that. Baka hindi pa ito ang tamang oras para magkaroon tayo ng anak." Hinahaplos ko pa rin ang pisngi niya bago tumayo at nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan sa labi.

Habang hinahalikan ko siya ay may tumikhim sa likuran ko kaya huminto na kami para lingunin ko kung sino. Isturbo kasi.

"Isturbo ka, Aizen."

"Sorry pero ospital ito hindi hotel o bahay niyo. And sorry sa pagkawala ng anak niyo."

"Masakit pero kailangan tanggapin. Baka hindi pa ito ang tamang oras para maging magulang kami."

"Sabi na nga ba mauuna rin ang honeymoon niyo."

"Tumigil ka, Aizen."

Humalakhak ng tawa si Aizen. Dapat nasa mental na ang lalaking ito kaya sa rehab center na siya ngayon.

"Ano na pala balak mo?" Mabilis akong umiling dahil ayaw ko pagusapan ang tungkol diyan dito. Sa harap ng girlfriend ko.

"Magpapakasal pa rin kami."

"Luca..." Tumingin ako sa likod at ngumiti ng pilit kay Kristine.

"Yes, hon. Tuloy pa rin ang planong kasal kahit wala na yung anak natin. Papakasalan kita hindi dahil sa bata, papakasalan kita dahil mahal kita."

"Aw, sweet." Tiningnan ko ng masama si Aizen pero may tinuro siya sa kanyang likuran. Nakita ko si Aya. Nawala sa isip ko dito rin pala nagtatrabaho sila Aya bilang assistant niya. "Ang laki na talaga pinagbago mo, Luca."

Kilala ko rin kasi si Aya dahil simulang mga bata pa lang kami ay magkakilala na pero hindi kami close sa isa't isa. Madalas ko lang siya nakikita dahil sa pangaasar ni Aizen sa kanya na nerd. Isang nerd naman talaga si Aya pero hindi siya yung katulad na nerd makikita natin. Na may malaking salamin, baduy kung manamit. Magandang babae si Aya kaya hindi talaga iisiping nerd siya.

"Wifey, in love ang kaibigan ko."

"Nakakilig nga, eh."

"Ganyan rin naman-- ouch." Kinurot kasi siya ni Aya sa taligiran.

"Hindi ako kinikilig sayo. Maharot ka dahil halos lahat na babae pinapatulan mo noong high school pa tayo."

"Hindi kaya. Hindi ba, Luca?"

"Sang ayon ako kay Aya dahil hearttrob ka sa EA noon."

"See? Sang ayon sa akin si Luca kasi naman gwapo ka na, magaling ka pa sa basketball."

"Si Caleb lang iyon." Natawa ako sa sagot ni Aizen. Si Caleb kasi ang naging karibal ni Aizen kay Aya. Pero si Aizen pa rin ang pinakasalan ni Aya.

5 months later...

Limang buwan na rin simulang nangyari noong nawalan kami ng anak. Kaya ito balak ko na magpropose kay Kristine kaya humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko.

"Okay na ba ang lahat? Papunta na kasi dito sa park si Kristine kaya handa na kayo." Sabi ko sa kanila. Ayaw ko kasi masira ang surprise ko para kay Kristine.

"Dude, relax lang. Ayaw naman namin masira ang surprise mo sa girlfriend mo." Sabi ni Buck.

"Nandito na siya, Luca." Sabi ni Callie kaya bigla tuloy akong pinakabahan. Magiging maayos ang lahat.

Lumapit na ako kay Kristine na may hawak na isang bouquet ng rosas.

"Luca, ano meron?"

"Gusto ko lang iparamdam sayo kung gaano kita kamahal, Kris."

"Hindi mo naman kailangan dahil nakikita ko naman kung gaano mo ko kamahal." Ngumiti ako sa kanya bago nag-play ang music.

105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do.

Sinasabayan ko lang yung tugtog. Nakita ko ang pagluha ni Kristine pero wala pa rin siyang ideya kung bakit nandito kami ngayon.

And you know one of these days when I get my money right
But you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you liud enough

Nakikita kong nasisilabasan na yung mga kaibigan ko na kanina pa sila nagtatago.

I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me

Tumalikod na silang lahat at may kanya kanyang letra sila sa likod. May nakasulat na W I L L Y O U M A R R Y. At tumalikod na rin ako, may nakasulat rin sa likuran ko na M E ?

Tuloy tuloy pa rin ang tugtog bago ako lumapit kay Kristine at lumuhod sa harapan niya. May nilabas na akong kulay pulang kahon na nilalaman ng isang singsing.

"I know I'm not a perfect pero ako pa rin ang minahal mo. Will you marry me?"

"Yes na iyan!" Sigaw ni Buck.

"Yes, I will marry you." Ngumiti ako dahil pumayag siyang magpakasal sa akin.

"Yes! Thank you, hon." Sinuot ko sa daliri niya ang singsing bago tumayo para yakapin siya. Nagsipalakpakan na ang mga kaibigan ko.

~~~~~

Comment and press ☆ to vote

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon