Chapter 14

781 28 0
                                    

Kinaumagahan ay hinatid ko na si Kristine sa kanila pero sa hindi inaasahan ay magkikita kami ni Buck sa daan.

"Bakit ba ayaw sumama sa outing? Ayaw mo ba maging seventh wheel?"

"Sira. Hindi porket may girlfriend ka na ganyan ka na sa akin, dude. At saka kaya lang naman ako hindi sumama dahil malapit na matapos ang ginagawa naming townhouse sa Ilocos. Hindi nga natuloy iyon simulang namatay si Chuck."

"Kuya Buck. Kuya Luca." Pareho kami ni Buck napalingon sa nagtawag sa amin.

"Oh, Nika."

"Bakit ka nandito ngayon?" Takang tanong ko.

"Gusto ko lang kasi makasigurado."

Napatingin kami ni Buck sa isa't isa bago tumingin ulit sa kanya.

"Makasigurado? Saan?" Tanong ko ulit.

"Para kasi noong isang araw ay nakita ko si Chuck." Sagot nito. Imposibleng buhay si Chuck dahil tatlong taon na siyang patay.

"Nika, tatlong taon na ng patay si Chuck kaya imposible iyang sinasabi mo." Sabi ni Buck pero umiwas ako ng tingin kahit tatlong taon na siyang patay ay mahirap pa rin sa amin ang nangyari.

"Kahit tatlong taon na nangyari yung sunog sa Ilocos ay ayaw ko pa rin maniwalang patay ni Chuck."

"Ayaw rin namin maniwalang patay na ang kaibigan namin pero kailangan natin tanggapin, Nika." Malungkot na sabi ko sa kanya. Sobrang sakit dahil nawalan kami ng isang kaibigan at kapatid.

"Pero kuya Luca nakita ko nga siya noong isang araw. Nakasuot siya ng hoodie pero may sunog ang kalahating mukha niya." Napapaluha na si Nika. Alam kong sobrang miss na niya si Chuck lalo na't dalawa na ang anak nila. Bago pa nangyari ang sunog ay nakaiskor na naman kay Nika si gago. "Hindi ako pwedeng magkamali. Pareho sila ng height ni Chuck pero iba lang ang amoy niya."

"Alam kong namiss mo lang siya kaya akala mo ay nakita mo siya noon. Umuwi ka na sa inyo, Nika baka hinahanap ka na nina Patrick at Rian." Sabi ko sa kanya kaya umalis na si Nika.

Sa totoo lang gusto ko maniwala kay Nika dahil hindi naman akong naniniwalang patay na ang kaibigan ko. Walang bangkay kami nakita noong nangyari ang paghahanap sa katawan ni Chuck.

"Sa tingin mo ba totoo ang sinabi ni Nika?" Nagkibit balikat ako sa kaibigan ko.

"Gusto ko maniwala kay Nika dahil hindi naman ako naniniwalang patay na si Chuck."

"Yeah. Me too. Hindi ko talaga matanggap nawala na yung partner ko. Nagbalak pa kami na magtatayo ng sariling kumpanya at kami ang partner tapos ganito ang mangyayari sa kanya. Tsk."

Bumuntong hininga na lang ako.

"Lolo ni Nika yung kliyente mo diyan, diba?"

"Yup, pero ang sabi ni Nika sa akin ay binigay sa kanya iyon ng lolo niya. Kaya lang ayaw niya dahil naalala niya si Chuck."

"Bakit kasi nagpapabayani si Chuck?!" May inis sa boses ko ngayon. Naiinis kasi ako kay Chuck.

"Kung hindi sumugod si Chuck, ang lolo ni Nika ang namatay sa sunog. Isa lang kasi ang sinabi ni Chuck bago siya pumasok sa resort na iyon."

"Ano iyon?" Tumingin ako kay Buck.

"Alam kasi ni Chuck na hindi magkaayos sila Nika at lolo niya kaya isa lang ang gusto niya kaya niligtas ni Chuck ang lolo ni Nika. Gusto niya magkaayos ang mag-lolo."

Hindi ko talaga makalimutan yung araw na tumulong rin ako sa paghahanap kay Chuck dahil ayaw ko maniwalang wala na siya hanggang sa may nakita ng mga pulis ang relos niya. Hindi kami pwede magkamali ni Buck sa relos na iyon. Isa lang pwedeng gumamit noon at madalas ginagamit iyon ni Chuck.

"Nga pala, Luca enjoy niyo na lang yung outing next month at saka huwag niyo ko iinggitin ah."

Ngumiti ako ng pagkaloko sa kaibigan ko. May balak kami ni Aizen na inggitin si Buck dahil siya lang ang hindi sasama sa grupo.

"Oh, sure. Bakit naman namin iyon gagawin sayo? Promise hindi ka namin iinggitin." Nakatago ang isang kamay ko sa likod at nakacross finger ako. Gusto ko rin makabawi kay Buck sa lahat na pagaasar niya sa akin noon. Ngayon lang.

"Kilala kita, Luca." Seryoso ang mukha nito.

"Wala nga kami balak sayo. Enjoy lang namin ang outing sa Palawan."

"Sa Palawan pala ang destination ngayon."

"Oo, malapit na ang Summer at bakasyon na rin daw ni Eizen."

"Ang panganay na anak ni Aizen na hindi niya alak na anak pala niya kay Aya." Sabi nito kaya humalakhak ako ng tawa. Sobrang bulag kasi ng kaibigan namin kahit ang sariling anak ay hindi namalayang anak niya pala, kaya hindi na kami nagulat hindi niya napansin na anak ni Chuck si Patrick.

"Paano pa kaya kung magkaroon kayo ng anak ni Kristine? Paniguradong ako hindi mahahalata ni Aizen iyon."

"Tigil tigilan mo ko, Buck. Wala pa sa plano ko ang tungkol diyan." Umakyat na yata ang dugo ko sa taas at paniguradonv namumula na ako.

"Sus, you're blushing." Pangaasar nito sa akin.

"Kapag ikaw nagkaroon ng girlfriend ay aasarin rin kita katula ng pangaasar mo sa akin. Mark my word, Buck."

"Tatanda na ako ng binata dahil busy ako sa trabaho at pagaalalaga sa mga pamangkin ko kaya wala na akong balak maghanap ng babae."

"Sure ka?" Tumango lang ito sa akin.

"Huwag ako ang gawing topic nating dalawa." Sabi nito at pumasok sa isang kainan kaya sumunod ako sa kanya.

"Ano ang ginagawa natin rito?"

"Kakain. Lunch na rin, oh." Tumingin ako sa relos ko dahil past 12 na pala. "Libre mo ko."

"Tumigil ka nga! Hindi pa ako bumabalik sa trabaho ko kaya wala pa akong pera." Umupo na ako sa harapan ni Buck. "Kung alam mo lang ang dahilan kaya ako umalis ng bansa."

"Bakit nga ba?"

"Nalaman kong hindi pala ako tunay na anak kaya ganoon ang pagtrato sa akin ng kinilala kong ama."

"Whoa! Seryoso?" Tumango ako sa kanya. "Rebelasyon na iyan, dude."

"Kaya nga gusto ko hanapin ang tunay kong magulang pero bigo ako. Wala akong alam kung saan sila hahanapin."

"Suggest ko sana sayo mag-hire ka ng private investigator."

"Wala nga akong ideya kahit pangalan nila, wala akong alam. Paano ko naman papahanap sa private investigator ang mga magulang ko?"

"Iyon na nga. Pero bakit gusto mo mahanap ang tunay mong magulang?"

"Gusto ko mahanap rin ang tunay kong pagkatao. Malaman kung anong klaseng pamilya ba dapat ang meron ako. At gusto ko rin malaman kung bakit nila ako iniwan sa labas ng bahay nila mama noong baby pa ako."

"I understand."

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon