Chapter 11

813 26 0
                                    

Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko yung nangyari kahapon sa birthday ko and of course, I asked her kung pwede ko ba siyang ligawan, mabuti na lang pumayag siya kaya simula ngayong araw ay liligawan ko siya.

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin, inaayos ang suot kong shirt pati na rin buhok ko ay inaayos ko para gwapo at naglagay na rin ako ng pabango habang bakaupo sa tabi ko si Buster at mukhang nagtataka.

"Hi, bud. Kayo na muna bahala sa bahay ah." Bilin ko kay Buster habang ginagalaw nito ang kanyang buntot. Mas lalo sila magiging masaya kapag makikita nilang masaya ang amo nila. Kaya nga man's best friend ang mga aso.

Pagkabukas ko ng gate ay nakatanggap ako ng tawag galing kay mama, agad mo naman sinagot.

"Hello, ma?"

"Musta ka na, son?"

"I'm fine."

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Why po?" Imbes na sagutin ko si mama ay tinanong ko rin siya ng tanong.

"Gusto ko sana imbitahin ka pumunta rito sa bahay para dito kumain ng lunch."

Napahinto ako sa paglalakad. Ano ang gagawin ko?

"S-Sige po. Papunta na po ako diyan." Hindi ko kasi pwedeng tanggihan si mama. Bahala na rin kung ano ang mangyayari mamaya sa bahay na iyon.

Pagkarating ko sa bahay ay huminga ako ng malalim.

"Sir Luca?!" Nagulat pa si manang pagkakita niya sa akin.

"Hello po, manang."

May repesto rin ako sa mga katulong rito lalo na kay manang dahil siya ang nagalaga sa akin noong maliit pa ako.

"Naku, hijo... ano ang ginagawa mo rito? Magagalit ang daddy mo kapag malaman nandito ka."

"Mom invited me to come here. Hindi naman po ako makatanggi kay mama."

"Ganoon ba? Sige, pasok ka na sa loob."

Pagkapasok ko sa loob ay umupo na ako sa sofa dahil tinatawag pa ni manang si mama at bumaba na mula sa taas si Lucy.

"Kuya!" Tumakbo siya papalapit sa akin. Sobrang hyper ng kapatid ko.

"My little angel." Binuhat ko si Lucy at pinaupo ko siya sa kandungan ko.

"Mabuti nakarating ka ngayon."

"This is your idea?" Pasimple siyang tumango sa akin. "Kaya hindi makatanggi si kuya dahil ikaw pala may gusto kasama ako."

Ngumiti sa akin si Lucy. That's reason kaya napapayag ako pumunta rito kahit ayaw ko. Ayaw ko mawala ang mga ngiti sa mga labi ng kapatid ko. All I know ako ang dahilan kaya siya ngumingiti.

"Thank you, kuya."

Namg tawagin na kami para kumain ay nakita ko si dad nakatingin sa akin ng masama kaya iniwasan ko na lang tumingin sa kanya. Ginagawa ko ito para kay Lucy. Hanggang sa pagkain sa hapag.

Takte naman! Naiilang ako sa titig ng matandang ito sa akin.

"May nililigawan ka na ba ngayon, Luca?" Tumingin ako kay mama nang tanungin niya ako.

"Yes po." Simpleng sagot ko.

"Who's that girl? The one I met last time? Siya lang kasi ang unang babaeng pinakilala mo sa akin."

"Yes po. Nagkita mo kami kahapon na hindi ko alam dahil sa regalo nila Buck para sa akin." Nahihiya akong ikwento kay mama ang nangyari kahapon.

"Talaga, kuya? Yay!" Pumapalakpak pa si Lucy. Makita lang masaya ang kapatid ko ay masaya na rin ako. Para tuloy ako ang ama niya, hindi kapatid.

"Margareth, paalisin mo iyang bastardo sa pamamahay ko!" Sabay turo pa niya sa akin. Agad ko naman tinakpan ang mga tenga ni Lucy para hindi niya marinig.

Bastardo. Parang pakiramdam ko ay anak ako sa labas ah.

Kinuha naman ni manang agad si Lucy para dalhin sa kwarto niya.

"Gery, huwag mo naman tawagin si Luca na ganyan."

"Bakit? Totoo namang bastardo ang batang iyan! Ikaw lang naman ang may gustong ampunin iyan!" Namilog ang mga mata ko sa aking mga narinig. Ampon lang pala ako. Hindi ako tunay na anak. Kaya pala ganito ang pagtrato ng matandang ito sa akin.

"Excuse me." Tumayo na ako sa pagkaupo ko. "Salamat na lang sa pagimbita niyo sa akin ni Lucy at sorry kung nasira ko ang lunch niyo."

"Luca!" Tawag sa akin ni mama pero tuloy pa rin ako lumabas sa bahay.

"Kuya!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong tinatawag ako ni Lucy sabay yakal niya sa binti ko. Kaya lumuhod ako sa harapan niya. "Totoo po bang hindi kita tunay na kuya?"

Ngumiti ako ng mapait dahil yung mga ngiti ni Lucy kanina ay napalitan ng lungkot, may luha na rin pumapatak sa mga mata niya.

"Kahit hindi tayo magkadugo ay ako pa rin ang kuya mo, Lucy." Pinahid ko na ang luha niya. "Sige na. Pumasok ka na sa loob."

Sumunod naman sa akin si Lucy dahil pumasok na ito sa loob ng bahay at umalis na ako agad.

Kaya pala ganoon ang trato niya sa akin na parang hindi niya ako tunay na anak pero totoo pala niyan ay ampon ako.

Pumunta na ako sa bar na pagmamayari ko. Sinalubong naman ako ng ibang tauhan ko pero nilagpasan ko lang siya at pumunta sa bar counter para kumuha ng maiinom.

Tinutungga ko ang isang bote ng alak. Gusto ko makalimutan ang natuklasan ko ngayon dahil masakit pala malaman mong hindi ka tunay na anak ng mga kinilala mong magulang.

Sana panaginip lang ito at mamaya ay magigising na rin ako.

Napapaisip tuloy ako, sino ba ang mga magulang ko? Bakit nila ako inabandon?

Ang daming katanungan na lumalabas ngayon sa utak ko.

Sino na talaga ako?

Kinabihan ay dahil ang dami ko na rin nainom kaya lasing na ako. Umupo na lang ako sa labas ng isang bahay habang yakap-yakap ang mga tuhod ko hanggang may tumapik sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

"Luca?!" Nagulat pa siya pagkakita sa akin pero nabawi na rin naman agad. "Ano ang ginagawa-- amoy alak ka ah. Naglasing ka ba ngayon?"

"Hindi ko maiwasan pagkatapos ko malaman na hindi pala ako tunay na Salvador."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ampon lang ako ng mga kinilala kong magulang. Hindi ko alam kung bakit nila ako inampon." Hinila ako ni Kristine para tumayo.

"Ang bigat mo, Luca." Reklamo niya kaya tumayo na rin naman ako.

"Gusto ko na muna hanapin ang sarili ko."

"Iiwanan mo ko?" Umiling ako sa kanya bago ngumiti ng pilit.

"Hindi kita iiwanan pero mawawala lang ako ng ilang araw. Babalik rin ako kaagad. Promise." Hinila ko siya para yakapin.

"Ang baho mo! Amoy alak ka." Napangiti na lang ako. Siya ang dahilan kaya ako nagbago na ngayon. Nakikita kong nagaalala talaga sa akin si Kristine.

Hahalikan ko na sana siya ng may tumikhim kaya pareho kami napatingin.

"Papa?! Um, si Luca po. Siya yung dinala ko rito dati?"

"Manliligaw mo?"

"Yes po?"

Haharap ako sa papa niya na ganito itsura ko. Para akong naka drugs dahil namumula ang mga mata ko kakaiyak kanina. Masakit kasi sa akin ang lahat.

"Magandang hapon po, sir."

"Pasok na muna kayo sa loob." Pagyaya niya sa akin pero naiilang ako pagkatapos nangyari kanina sa bahay namin.

"Salamat po pero aalis na rin po ako agad." Sabi ko bago tumingin kay Kristine. "Kailangan ko ng umuwi."

Kakahiya naman kung ganito ang itsura ko tapos haharap sa pamilya niya.

"Sige. Ingat ka."

Hinalikan ko siya sa pisngi bago nagpaalam ulit sa kanila.

~~~

Comment and press ☆ to vote

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon