Chapter 10

854 30 0
                                        

Habang naguusap kaming apat ay biglang tumahol si Coco kaya nagtataka ako.

"Nandiyan na yata ang delivery." Nakita kong tumayo na si Buck sa kinauupuan niya. "Ako na ang kukuha."

Kumunot ang noo ko dahil curious ako kung ano ang niregalo sa akin ng mga kaibigan ko.

"Pwede bang makahingi ng clue kung ano man yung regalo niya sa akin?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nope but you will found it later." Sagot ni Aizen.

Bigla na rin tumahimik si Coco sa kakahol niya, wala na siguro yung delivery man kaya tumahimik na si Coco pero kumunot ang noo dahil makangiti sina Aizen at Alex wagas.

"Makangiti man kayong dalawa para naman wala ng bukas."

"Don't mind us, Luca. Naparami na yata ang inom namin." Natatawang sabi nito.

Magsasalita pa sana ako pero may pumalibot sa leeg ko mula sa likuran kaya agad ako lumingon at namilog ang mga mata ko noong malaman kung sino.

"Wha-- Paano?" Hindi ko na tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Dude, naaksidente ko nakita kahapon ang babaeng mahal mo."

"Babaeng mahal pinagsasabi mo diyan?" Yumuko na lang ako dahil nakikilig ako. Shit! Nakakabakla.

"Sus, pakipot pa itong si Luca." Natatawa ni Aizen.

"Fuck you, Aizen!" Lalo pa tuloy tumawa ang lalaking ito.

"Kinikilig ka naman, Luca." Pati ba naman si Alex na sobrang bait ay naimpluwensyahan na ng dalawanv ito. My Gosh!

"Happy birthday, Luca." Bati niya sa akin kaya tumango lang ako.

"T-Thank you..."

Bakit ba ako nauutal?!

Tumikhim ako at pinapakalma ko ang sarili ko. Lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Alex, Aizen, iwanan na muna natin silang dalawa." Sabi ni Buck.

"Mabuti pa nga." Pagsasang ayon nila Aizen at Alex bago sila tumayo sa kinauupuan nila.

"Dude, pahiram na muna sina Coco at Buster ah. Babalik rin namin mamaya." Pahabol ni Buck pero tinawag na niya ang dalawang aso.

Huminga ako ng malalim para kumalma. Puso tumigil ka!

"Parang nangayayat ka ah."

"Sobrang busy ko sa trabaho kaya wala na akong oras kumain."

"Dapat hindi ko hinahayaan ang sarili mo baka magkasakit ka niyan." Humarap ako sa kanya after 3 months ay wala pa rin nagbago sa kanya. She still concerned about me. "At mukhang wala ka nakukuhang sugat at galos ah. Bagong buhay na?"

"Wala na kasi gumagamot sa sugat ko kaya umiiwas na ako sa gulo." Sagot ko pero nagsasalin pa rin ako ng tequila sa baso bago ininom.

"Ngayon bumalik na ako, may balak ka ulit bumalik sa gulo?" Mabilis akong umiling. Noong huling gulo napasok ko noon a months ago ay muntik ko ng ikamatay at muntik na rin ako makulong pero wala nakakaalam noon maliban kay Aizen at Alex.

Natauhan rin ako noong pinagalitan ako ni Aizen dahil ayaw na niya mawalan pa ng isang kaibigan.

"Wala na akong balak bumalik dahil noong huling sabak ko ay muntik na ako mamatay."

"Oh God! Mabuti naisip mong umalis na."

"Natauhan ako noong pinagalitan ako ni Aizen. Namatay ang isang kaibigan namin kaya ayaw ko mawala rin sa mundo. Doon ko rin naisip na malulungkot si mama at Lucy."

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon