Chapter 16

821 28 1
                                    

Nakatanggap ako ng text galing kay Aizen kaya lumabas na kami ng sabay ni Kristine sa resort dahil kakain na daw ng dinner.

"Walang hiya! Nandito lang pala kayo sa resort at kanina pa namin kayo hinahanap." Sabi ni Aizen kaya natawa ako sa kanya.

"Sorry, pre. Hindi kami pumasyal ngayon... gusto na muna namin magpahinga kaya nakatulog kami. Sorry talaga."

"Natutulog..." Sabay pala sila ni Alex. Obvious ba ako masyado?

Pagkapunta namin sa kainan ay nakaorder na pala si Aizen bago kami dumating dito.

"Mamaya pagkatapos kumain ay mag-bonfire naman tayo." Sabi ni Aya.

"Magandang ideya iyan, wifey."

"And kayo mga bata matulog na dahil hindi kayo pwede magpuyat. Myke ikaw ang nakakatanda sa kanila kaya bantayan mo sila habang wala kami." Bilin ni Aya kay Eizen.

"Okay po, mommy."

Mabait na bata si Eizen kaya siguro maraming babae ang magkakagusto sa kanya.

Pagkatapos kumain ay sinamahan na muna nina Aizen at Alex ang mga bata pero ang hindi nila alam na sumunod ako sa kanila at hinintay ko lang sila sa labas ng kwarto.

"Hey, bakit ka nandito? Wala ka naman anak." Lakas talaga ng trip ni Aizen ngayon ah.

"Soon magkakaroon na ako ng anak pero hindi iyan ang dahilan kaya sumunod ako."

"Eh, ano?" Tanong naman ni Alex.

"I know Aizen you can sing but how about you, Alex? Ang balak ko kasi kantahan natin yung mga babae mamaya."

"Tama lang naman. Hindi naman ako professional singer. Hindi rin naman ako sintunado."

"Okay. May dala akong gitara."

"Iyon ba yung malaking dala mo kanina?" Tanong ni Aizen.

"Yep, balak ko sana kantahan si Kristine mamaya o bukas habang nandito tayo sa beach."

"Okay. Game ako diyan." Sabi ni Aizen at tumango si Alex.

Bumalik na kami tatlo sa girls na naghihintay sa amin. Si Kristine nga hindi pa siya kumportable sa mga kaibigan ko lalo na kay Callie. Ang akala nga niya naging girlfriend ko si Callie kaya nagselos kagabi.

Nag-form na kami ng circle at nasa gitna naman namin ang bonfire.

"Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Callie.

"Let's play truth truth and a lie. Magsasabi ng dalawang katotohanan tungkol sayo tapos isang kasinungalingan then huhulaan ng nakabunot sayo kung alin doon ang kasinungalingan."

"Ohh... Exciting."

Naglabas na ng bowl si Aya at pinabunot na niya si Callie.

"I got Aizen."

"Ako agad?" Pinakita ni Callie ang papel nabunot niya. Pangalan nga ni Aizen ang nakuha.

"Hirapan mo, hubby."

"Grabe ka, sis."

"I like those people who really love me. I love my parents. And I turned into a bad guy when I was a kid. Which of those is a lie?"

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon