Chapter 5

844 25 0
                                    

Nakatayo lang ako sa labas ng kwarto ni Lucy at tinitingnan ang kapatid ko mula rito.

"Sino itong kasama mo, anak?" Tumingin ulit ako sa kasama ko bago kay mama.

"She is Kristine. An acquaintance, I guess."

"You guess? I know you, son. Hindi ka magsasama ng babae kung---"

"Mom, alam niyo naman po na pagkatapos kinasal ni Callie ay wala na akong balak sa ganyang bagay. Ang priority ko lang sa ngayon ay si Lucy."

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Lucy at umupo sa silya malapit sa kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya pero tumutulo na naman ang luha ko.

God! She is only 6 years old. Sana akin na lang ang sakit ng kapatid ko.

"My little angel, nandito na si kuya kaya magpalakas ka ah. Pangako paglabas mo rito ay papasyal tayo." Hinahaplos ko ang buhok ng kapatid ko habang hawak pa rin ang kamay niya pero nakita kong gumalaw ang daliri nito at dumilat na ang mga mata niya. "Lucy..."

"K-Kuya..." Nahihirapan magsalita ang kapatid ko. "Ang sakit..."

"Anong masakit sayo? Tatawagin ko lang ang kuya Aizen mo ah."

Sa daming pumapasok na cardiologist dati para tingnan si Lucy ay si Aizen lang ang paborito niya dahil kaibigan ko daw kaya may tiwala sa kanya ang kaibigan ko.

"Oh? May nangyari ba kay Lucy?"

"Pumunta ka rito, Aizen. May masakit nararamdaman si Lucy kaya kailangan kita dito."

"Okay, papunta na ako diyan."

Kung ano ang lakas ko sa ibang tao ay iyon naman ang kahinaan ko sa kapatid. Ang totoo niyan hindi naman talaga ako malakas dahil pakiramdam ko ay sobrang hina kong tao.

Pinalabas na muna ako ni Aizen sa kwarto para tingnan nila si Lucy.

"Luca..." Tumingin ako kay mama na may namumuong tubig sa mga mata ko. Pinipigilan ko lang na hindi ako umiyak dahil alam kong lumalaban ang kapatid ko. Nang niyakap ako ni mama ay doon na rin tumulo ang luha ko. "It's okay to cry, son."

Noong dumating sa amin si Lucy ay may edad na si mama at hindi naman inaasahan ang pagdating ng kapatid ko. Masaya naman ako dahil nagkaroon ako ng kapatid at madalas ko rin tinutulungan si mama sa pagalaga kay Lucy. Noong baby pa siya bigla rin siya namutla kaya nataranta ako dahil hindi ko alam ang gagawin. She is only 6 months that time kaya natatakot ako mawala siya sa amin dahil siya ang anghel namin.

May naramdaman akong kamay sa likuran ko kaya napalingon ako.

"Iyakin mo pala, Luca." Pang aasar ang boses ni Aizen. Kaya agad mo pinahid ang luha ko.

"Ayaw ko makipagtalo sayo dahil ikaw ang doctor ni Lucy at may tiwala sayo ang kapatid ko."

"Heto lang ang maipapayo ko sa inyo, kailangan na talaga operahan ang kapatid mo..."

"Pero masyado pa siyang bata para operahan."

"Pagisipan niyo ng maigi dahil buhay rin siya ang kapalit kapag hindi maagapan ang operasyon."

Tumingin ako kay mama na maiyak iyan na rin sa mangyayari sa kapatid ko.

"I will call you dad and tell him about this dahil nagaalala rin siya sa nangyari kay Lucy." Sabi ni mama. Maswerte si Lucy dahil nasa kanya ang atensyon ng mga magulang namin dahil may sakit ito pero ako ay hindi ako madalas binibigyan ng atensyon noong bata ako hanggang lumaki. Kaya naging rebelde ako sa kanila hanggang pinadala na nila ako sa Canada.

Kahit anong gawin nila ay hindi magbabago ang isang Luca Salvador. Dahil ito talaga ako.

Maya maya pa ay tinawagan ko ang boss ko na hindi na muna ako papasok para bantayan ang kapatid ko at pumayag naman siya kahit biglaan ang leave ko. Magreresesign ako kapag hindi niya ako pinayagan dahil mahalaga sa akin ang buhay ng kapatid ko kaysa sa trabaho ko.

"Hindi ko alam may soft side ka pala." Sabi ni Kristine. Sinamahan niya ako bantayan si Lucy kahit ayaw ko.

"Kung wala ka ng magandang sasabihin ay pwede ka ng umuwi at saka baka hinihanap ka ng ama mo." Nakita ko ang pagdilat ni Lucy. "Little angel, may masakit ka bang nararamdaman ngayon?"

"Wala na po, kuya. Magaling si kuya Aizen." Ngumiti siya pero tipid lang. Alam kong nahihirapan si Lucy ngayon.

"Lumaban ka lang ah. Nandito lang si kuya." Sabi ko habang hinahaplos ang buhay niya.

"Kuya, girlfriend mo po ba siya?" Tanong niya sabay turo sa likuran ko.

"Nope. Kakilala lang siya ni kuya."

"Ate, ano po pangalan niyo?"

"Kristine." Sagot ng tao sa likuran ko.

"Bagay kayo ni kuya." Napangiti ako sa sinabi ni Lucy dahil minsan lang magtiwala sa ibang tao ang kapatid ko. Madalas kasi siya binubully ng mga bata dahil sa sakit nito kaya nawalan na rin siya ng tiwala sa ibang tao. "Huy, si kuya ngumingiti. Kinikilig ka, no?"

"Nandito ka na nga sa ospital nagawan mo pang magbiro." Natatawang sabi ko.

"Ngayon ka lang kasi nagdala ng babae at dito pa talaga sa ospital."

"Makulit kasi. Gusto sumama sa akin." Sabi ko. Para ngang hindi 6 years old ang kapatid ko, eh. Makapag salita akala mo ang tanda na niya.

"Anong makulit? Hindi ako makulit... Nagaalala lang ako sayo dahil hindi mo ko sinasagot sa lahat na tanong ko sayo kanina." Nilingon ko siya at lumabi naman ito sa akin. Ano iyon? Nagpapacute ba siya sa akin?

Oo na! Inaamin kong cute ka at hindi lang iyon dahil maganda ka pa.

"Sorry, nawala yung utak ko kanina noong sinabi ni mama sinugod sa ospital si Lucy. Mahalaga sa akin si Lucy at hindi kayang mawala siya sa akin." I caressed my sister's cheek with my thumb.

"I love you, kuya."

"I love you too, little angel." Ngumiti ako sa kanya.

"Kailan ka po bibisita ulit sa bahay? Miss na miss kita, eh."

"Paglabas mo rito papasyal tayo."

"Talaga po?" Biglang sumigla ang mukha niya.

"Yes. Promise."

Tinaas niya ang kanyang hinliliit.

"Pinky promise, kuya."

I intertwined my pinky finger on hers.

"Pinky promise."

"Um, Luca, alis na ako dahil nagtext na sa akin si papa." Lumingon ako sa likuran dahil nakita ko ng tumayo si Kristine.

"Hatid na kita hanggang sa labas." Tumayo na rin ako at tumingin ulit kay Lucy. "Hatid ko na muna ang ate Kristine mo ah."

"Sige po. Bye, ate Kristine." Kumakaway pa si Lucy kay Kristine.

"Bye. Pagaling ka ah."

Naglalakad na kami papunta sa elevator.

"Kung magkaroon ka ng anak maswerte ang magiging anak mo." Sabi nito habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator.

"Bakit naman?"

"Dahil sa kapatid mo pa lang ay sweet mo na, paano pa kaya kung sariling anak mo?"

"Wala nga ako naging nobya kaya malabong magkakaroon ako ng anak. Si Lucy lang ang priority ko."

"Hindi ba dapat family ang first priority? Kasama na doon ang parents." Hindi na ko kumibo pang muli sa kanya hanggang bumukas ba ang elevator at pinundoy ko na ang G button.

~~~~~

Comment and press ☆ to vote

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon