Nagigising na lang ako na ng may dumidila sa akin kaya dumidilat na ako at nakita ko ang aso kong si Coco, isa siyang siberian husky.
"Coco, stop." Hinahamplos ko na ang ulo ni Coco para tumigil na siya sa pagdila sa akin at tumingin naman ako sa isa pang aso nakaupo lang sa likuran ni Coco na parang walang pakialam sa nangyayari. Si Buster, isa naman siyang golden retriever. "Good morning sa inyong dalawa."
Dahil nga walang pakialam si Buster ay si Coco lang ang tumahol sa akin.
Pumunta na ako sa kusina at sumusunod naman sa akin ang dalawang aso at nilalagyan ko ng dog food ang bowl nila. Simulang puppy pa lang silang dalawa ay kasama ko na pero si Coco ang unang dumating sa akin at noong dumating naman si Buster ay sobrang selosa ni Coco kay Buster kaya palagi galit si Coco pero sabi ko nga walang pakialam sa buhay si Buster. Tahimik lang siyang aso pero playful.
Nagluto na rin ako ng makakain ko ng almusal at dahil wala rin naman akong pasok ngayon kaya ipapasyal ko sa park ang dalawang aso. Iyon naman ang palagi kong ginagawa sa tuwing wala akong trabaho.
"Pagkatapos ko kumain ay naligo na muna bago kami pumunta sa park. Habang naglalakad nga kami ay halatang excited lumabas ng bahay. Palagi silang ganito na dalawa. Nang nakarating na kami sa park ay nakahiga lang sa tabi ko si Coco at si Buster naman ang hyper kaya kaya kinuha ko na ang frisbee disk bago binato at hinahabol naman ni Buster. Nakita ko na si Buster bumabalik sa akin kagat na niya ang frisbee disk hanggang sa napagod na si Buster kakalaro kaya humiga na rin siya sa harapan ko at umupo na ako sa wooden bench dahil ayaw ko pa umuwi sa bahay. Binigyan ko ng tubig si Coco dahil nauuhaw na siya. Hindi pa naman pwede magbilad sa araw ang isang siberian husky dahil sanay sila sa malalamig na lugar. Nang nagpasya na ako umuwi ay binuksan ko na agad ang aircon sa kwarto ko para malamigan si Coco. Napapamahal ang electric bill ko dahil sa asong ito pero ayos lang. Malaki rin naman ang kinikita ko bilang programmer.
"Hello?"
"Dude...." Kumunot ang noo kay Buck. Bakit ba tumatawag ang lalaking ito? Ang alam ko ay may trabaho pa ito.
"Ano?"
"Tara club tayo." Lalong kumunot ang noo ko.
"Tanghaling tapat ay nagyaya kang pumunta ng club." Napapailing na lang ako. Baliw talaga itong kaibigan ko.
"Paps, hindi ko naman sinabing ngayon. Excited?" Natatawang sabi nito sa kabilang linya.
"Fuck, stop calling me paps." Tumatawa lang ito sa kabilang linya. Kabagan ka sana.
"Ano game ka?"
"Kailan ba?"
"Tonight." Kahit hindi ko nakikita si Buck ay alam kong ngumiti ito ng pagkapilyo.
"Tayong dalawa lang?"
"Hindi ko alam kung sasama si Chuck mamaya. Sinabihan ko na rin naman siya pero ang sabi pagiisipan pa daw niya dahil alam mo naman... may hangover pa." Inikot ko ang mga mata ko. Malamang may hangover pa yung tao dahil naglasing pa naman kagabi.
"Huwag mo na isama ang isang iyon baka maglasing na naman iyon. Sige ka ikaw ang maguuwi doon."
"Sige na nga. Huwag na siya sumama dahil may atraso pa sa akin iyon."
"Oh. Bakit naman? Ano ang ginagawa niya sayo?"
"Sinukahan ako. Bwesit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil amoy suka ako." Ako naman ang tumawa sa kwento nito.
"Sige, mamayang 10pm kita kits na lang tayo sa tambayan nating club."
Kinabihan...
Pumunta na ako sa club kung saan ang tambayan namin, hindi ang bar ko dahil sarado ngayon iyon kasi gusto ko rin magpahinga kapag rest day ko at ganoon rin ang mga tauhan ko.
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomansaLuca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero ang akala niya ay siya na kaya lang hindi pala sila ang para sa isa't isa. Nagparaya siya kahit mah...