"Arthur anong surprise mo ?" Tanong ko kay Arthur habang nakahiga ako sa dibdib nya nilalaro ko ang buhok nun at nakayakap sya sakin.
"May 1 week vacation ako out of town sa palawan yun, gusto kong kasama ka" sabi nya ng nakangiti di ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Ayoko Arthur!"
"Pero ikaw ang gusto kong kasama, buntis nga pala si Amanda ngayon di rin sya pwedeng bumyahe kaya ikaw ang isasama ko"
"No! Ayoko, may trabaho ako kaya di pwede"
"Babayaran ko ng double ang sweldo mo sumama ka lang"
"I said NO!"
Nainis na ko kaya nagbihis na ko ng damit ko, eto ba yung surprise nya well di ako natuwa! Ayoko ng para kong kinukulong, at yun yung pakiramdam kong mangyayari kung sasama ko.
"Listen Baby ok, if ayaw mo cge hindi na please don't leave me here."
"Congrats pala sa inyo ni Amanda, and by the way were over"
"What baby please, i like you and I need you"
"Oh Yeah Arthur, I like myself too . Bye"
Paglabas ko sa pinto nabungaran kung nandun si Amanda, nung nakita nya ko nagalit sya at sinabunutan ako.
"Hayop ka Angela, pumupunta ka pa kunwari sa bahay yun pala ahas ka, ano naglalandian kayo no sa mismong bahay namin no?" Sabi nya pero wala talaga akong balak labanan sya dahil alam kong buntis sya at ayokong makunan nanaman sya, home wrecker lang ako at hindi murderer, saktong lumabas si Arthur na naka towel .
"Mga hayop kayo, how could you do this to me Arthur?!" nangaraskas ng takbo si Amanda palabas ng hotel pero si Arthur nakatulala lang mukang shock parin sya na nakita sya ni Amanda.
"Hey asshole ! Habulin mo asawa mo, ano tutunganga ka lang ba dyan?!"
"Shit! Sorry Angela for putting you in this mess, and thank you for everything" sabi nya bago manakbo habulin si Amanda, haha nakalimutan nya atang nakatowel lang sya.***
Galit na galit ako kay mama nung nagkaisip ako nung nalaman ko lahat ng ibig sabihin ng mga sinabi nya at ginawa nya, hinanap ko sya pagkagraduate ko and I finally find her well inasawa sya ng isang congressman, remember yung nagbigay sakin nitong kotse ko ? Sya yun! Ginantihan ko si mama ng di nya alam, may anak na sya dun sa congressman na yun isang 15 years old na lalaki . Nahumaling sakin ang congressman na yun at lahat ng luho ko binibigay nya lahat ng gusto ko sinusunod nya sa mga special occasions nilang mag.asawa kinukuha ko si Christian di ko sya pinapauwi sa magaling kong ina . Hanggang sa sinundan nya kami ni Christian habang naglalakad kami bigla na lang may humila sa buhok ko .
"Malandi kang babae ka, di mo ba alam may asawa na yang lalaking yan."
Habang hawak.hawak ni Christian si Beth para pigilang masaktan sya.
"Beth let's go home, dun tayo mag.usap." pigil.pigil nya si Beth na hanggang ngayon gustong-gusto kong sugurin.
"Hindi! Bakit nahihiya ka ? Nahihiya yang kabit mo" pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa iskandalosa kong ina.
"Oh Beth, ikaw pala yan? Ang tagal nating di nagkita no ? 16 years right ?"
"Sino kang malandi ka?di kita kilala kaya tumigil ka, putangina mo maninira ka pa ng pamilya hah ."
"Really you didn't know me ? I am Angela Ramirez, well malandi talaga ako mana ko sa nanay ko ii, manang.mana ako SAYO!" Gulat ang nakita ko sa muka nya, di nya yata ineexpect na ako na to . Ganun sya ka walang kwrntang ina para di makilala ang kanyang anak.
"Angela ? Angela, anak?" Naiiyak ako pero pinigilan ko.
"Wag mo kong ma.anak.anak dahil wala na kung nanay, nung umalis ka sa bahay tinatawag kita, nakikiusap ako na tulungan mo si papa pero anong ginawa mo ? Dahil sayo namatay ang papa ko, dahil sayo naghirap ako, dahil ka kakatihan sa katawan mo pinili mong iwan ang pamilya mo . Wala na kung ina matagal ng patay mal." Iyak ako ng iyak pagtapos kung sabihin yun sobrang nanghihina ako . Di ko alam nangyayari sa paligid basta bigla nalang nasa bahay ako, di ako lasing pero di ko alam pano ko naka.uwi .
BINABASA MO ANG
Home Wrecker (completed)
General FictionAng storyang ito ay hango sa aking malawak na imahinasyon lamang. Ang mga pangalan, lugar at pangyayari ay walang katotohanang batayan. Sana ay magustuhan nyo, malaking pasasalamat sa mga mag-iiwan ng mga mensahe, opinyon at konklusyon. Maraming sa...