7

5.8K 33 4
                                    

***

After ng ganti ko kay Beth sinunod ko si Mike . Nalaman kong kasal na sya . Sabi nila "Keep your friends close and your enemies closer" so I decided to befriend Anika his wife . Di ko ineexpect na magiging alliance pa kami against her husband .

"Kamusta naman yung feeling na may asawa ?" Tanong ko sa kanya, nagmeet kami sa isang event ni Anika at dun ko sya kinaibigan hanggang sa nagopen na sya sa mga personal info nya.
"H.E.L.L" tabang nyang sagot. Kunyari malungkot ako sa sinabi nya.
"Bakit naman di ka ba happy sa buhay mo, biruin mo minuminuto tumatawag sayo hubby mo, oh ayan nagriring nanaman sagutin mo na kaya?"

"Hayst, kung anong drama nanaman ang sasabihin nyan, papauwiin lang ako ng impaktong yun kaya wag na. Ikaw may boyfriend ka na ba ?" Pagiiba nya ng usapan.

"Wala pa yan sa isip ko no, bata pa ko . Ang sarap kayang mag.enjoy, bat ka kasi nagasawa agad tas parang di ka pa masaya, dont tell me nagsisisi ka?"

"Angela, pinilit lang ako ng daddy ko magpakasal dyan sa impaktong Mike na yan . May boyfriend ako nun at dahil anak lang sya ng katulong namin pinilit ako ni daddy na ipakasal kahit labag sa loob ko . Pinagbantaan din nya kong papahirapan nya yung mahal ko sa oras na di ko sundin yung gusto nya . Si Mike lang naman ang nagpupumilit sa sarili nya ii, since nagkita kami muka syang asong ulol na buntot ng buntot hayst, ang hirap" dahil sa mga revealation na nalaman ko, 'so pwede ko palang maging kakampi to' haha .

"Oh, ang hirap nga do you want me to help you ? Kasi alam mo naiingindihan ko yung sitwasyon mo and may atraso kasi sakin ang asawa mo balak ko sanang gumanti sa pamamagitan mo but it turns magiging alliance pa kita"

"So kinaibigan mo lang talaga ko para makaganti ka ?" I nodded "Bitch!" I smirked.
"Fuck you Angela, kala ko kaibigan kita talaga haha . Pasalamat ka bibigyan mo ko ng favor kundi sinabunutan na talaga kita." Natatawang saad nya

"So, Tutulungan kitang tumakas sa asawa mo at magpakalayo.layo kasama ng mahal mo. Haharangan ko lahat ng investigator na magbabalak hanapin kayo. Kapalit nun, paasahin mo muna syang mahal mo sya tsaka mo iwang luhaan . Haha can't wait to see his fucking damn face" evil laugh haha tangina lang ang walang ganti.

"Deal, ipaparamdam ko pano magmahal ang isang Anika Reymonds . Plano kong mamumuhay kami ni Ervin ng tahimik at simple sa Albay Province. Di ko inaasahang mangyayari pa yun akala ko mamamatay na ko sa impaktong Mike na yun, salamat Bitch di ko ineexpect na ikaw lang pala ang tutulong saking makaalis sa impyernong buhay ko. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ko ."

Days passed, at nakatakas na si Anika sa puder ni Mike. Gaya ng inaasahan naghired sya ng mga investigator para mapadali ang paghanap nila kay Anika. Kagaya ng pangako ko ginawan ko ng paraan, kahit makisiping ako sa mga pesteng investigator na yun kapalit ng mga false information, ginawa ko. Di nakapag.focus si Mike sa trabaho nya kaya napabayaan na nya at halos naubos na lahat ng assets nya kakabayad sa pag.hahanap kay Anika, naisanla rin nya sa bangko ang negosyo ng pamilya nya . Lahat yun naubos sa loob ng dalawang taon, sa pera nya kami pinagpalit ng anak nya kaya sisiguraduhin kong maghihirap sya panghabangbuhay at pagsisisihan nya lahat ng kapunyetahang ginawa nya sakin at sa anak ko .

***

Nanaginip nanaman ako, hayst . Araw-araw mga alala ng nakaraan ang gumigising sakin kada umaga . Kaylangan ko ng mag.ayos at may pupuntahan pa pala ko.

Home Wrecker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon