8

5.1K 33 1
                                    

Pumunta ako ngayon sa simbahan, for a change . Nakapangumpisal man lang sa mga kasalanang nagawa ko at para sa mga pamilyang nasira ko . Lumaki akong walang gumagabay sa akin at nagturo ng tama o mali, pero mabait ang Diyos kasi nagkaisip ako ng may takot sa Kanya at marunong rumespeto sa kapwa . Nagbago lang yun nung subukin ako ng lintik na pag.ibig at lupit ng tadhana, di ko na ngayon kilala ang sarili ko .
Nakaluhod ako sa gitna ng simbahan habang nagnonobina, kung tignan ako ng mga tao ngayon parang ang banal ko di nila alam kung anong klaseng babae ako .

"Diyos ko, patawarin mo ko sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa inyo at sa mga taong nasaktan ko . Sana ho bigyan nyo ko ng pagkakataong magbago at lumigaya gaya ng ibang tao sa paligid ko ."

"Anak ko, kung nasan ka man ngayon alam kong masaya ka na . Bantayan mo lagi si Mommy aa, Mahal na Mahal kita at pangako magbabago na ko kaya alalayan mo ko sa tamang daan anak. Miss na kita anak, sana kasama mo dyan si lolo mo at alagaan nyo ang isa't-isa . Sige na anak aalis na ko sana paglabas ko ng simbahang to bigyan na ko ng Diyos ng pagasa para magbago."

Paglabas ko ng simbahan, ang daming bata ang naglalaro may mga hawak ng sampaguita yung iba, yung iba naman madungis lang . Siguro dito sila naglalako ng tinda at yung iba namamalimos lang, ang sarap maging bata yung ang problema mo lang ee inagawan ka ng candy o kaya nataya ka sa laro . Sana mga bata wag na kayong lumaki para di nyo maranasan ang lupit ng mundo .

"Ate ganda, ate ganda? "
Kalabit ng batang may hawak ng limang pirasong pulang rosas .

"Naku, Hindi ganda ang pangalan ko . Tawagin mo kong ate angela, ang ganda mo naman tinitinda mo ba yan ?"

"Opo ate angela pero nabili na po tong lahat nung kuya dun kanina sabi nya ibigay ko daw po sa inyo kasi muka daw po kayong malungkot" sabay abot sakin ng limang pirasong pulang rosas na hawak nya .

"Naku salamat, asan sya ? sinabi ba nya kung sino sya ?" Takang tanong ko kasi wala namang tao sa tinuro nya kanina.

"Kanina pa po sya umalis ate, sabi lang nya pag nabigay ko yan sayo sabihin ko daw na bigay yan ng gwapong future mo." Napaamang naman ang bibig ko sa sinabi ng batang ito. Future ko ? At gwapo ?

"Haha gwapo naman ba talaga?"

"Ayh opo ate ang pogi po nya, kamuka po ni nino ba yun basta artista un ung asawa ni marian"
Haha wow Dingdong ikaw ba yun ? Natawa ko dahil muka talaga ni Dingdong naimagine ko pero napasimangot ulit ako ng maalala kong pamilyado na si Dingdong haha bayan ayoko na magbabago na nga ako ii diba !

"Aa, sige salamat ne aa . Oh ito 100 pandagdag sa kita mo . See you again nextime "

Lord, thank you po!😘😘😘

Home Wrecker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon